47

115K 2.5K 95
                                    

Posted Chapter 2 of Felix's story (Marked by the Last Mafia Boss). Please do read, vote and comment there. Pleasssssssssse? :3


And dito rin sana, comments, pleaaaase :3


CHAPTER 47

Nagising ako sa mahinang pagtapik ni Theo sa braso ko.

"Hmm?"

"Wake up, sleepyhead," aniya sabay halik sa noo ko.

"Anong oras na?"

"Four in the morning,"

Tuluyan kong ibinukas ang mga mata ko at tinignan si Theo na para bang nakagawa ito ng malaking kasalanan sa 'kin. He was wearing a pair of workout clothes habang buhat sa isang kamay ang kanyang sapatos.

"Saan ka pupunta?"

"You mean tayo?" nakangisi niyang tanong.

"Anong tayo?"

Numigiti ito sa 'kin at pilit akong hinila papatayo. "We're going for a run" aniya.

"What?" hindi makapaniwala kong tanong dito. "Bakit pati ako?"

"You said you wanted to learn," nakataas kilay niyang sagot sa 'kin. Oh, that! Of course I want to learn pero seryoso na ganito kaaga? "Go fix yourself, angel. I'll wait for you downstairs,"

Ay, oo nga pala, napag-usapan na namin ito kagabi pero hindi naman niya ako sinabihan na ganito pala kami kaaga, e di sana hindi na kami nagpuyat. I sighed. Naghilamos na ako at nagpalit ng damit. Pagkababa ko ay natagpuan ko si Theo na nag hahanda ng mesa.

"Great, you're ready. You eat first before heading out, baka mahimatay ka, eh." aniya habang inaalalayan akong umupo. Nagsimula na akong kumain ng inihanda nitong oatmeal habang siya ay may kung ano pang ginagawa.

"Ano yan?" tanong ko rito.

"Just some protein shake. You'll have to drink this,"

"Hindi ka ba kakain?"

Ngumiti ito sa 'kin at umiling. "I'm already done. Just eat there, Isabela,"

Ginawa ko nga ang kanyang sinabi. Kumain ako pero hindi ganoong karami dahil hindi ko pa sigurado kung makakaya ko bang dalhin ang sarili ko ng may laman ang tiyan habang kumakain. Ilang sandali pa ay ibinigay na sa 'kin ni Theo ang shake na kanyang ginawa. Masarap ito na manamis namis.

"Sarap nito ah!" nakangiti kong sabi.

"Pomegranate shake," nakangiti niyang sabi na tila ba satisfied siya sa naging reaksyon ko.

"Hmm, kailangan mo 'kong turuan kung papaano 'to gawin para sa susunod, ako na lang ang gagawa,"

"Sure, angel. But as of now, go finish you meal. I'll just prepare the things that we need." aniya bago ako iniwang mag-isa. Pabalik-balik ang ginawa nito sa kusina upang magsalin ng tubig sa apat na water bottles, nakita ko rin ang inaayos nitong bag kung saan naroon ang towels at extra shirts. Napangisi ako. Hindi ko alam kung maalaga lang ba talaga si Theo o determinado lang siyang turuan ako.

It was almost five in the morning when we left. Tatlong bodyguards ang sumama sa 'min na nakajogging attire rin habang ang isang kotse ay sumama rin sa 'min. Habang ang iba ay naiwan sa bahay at binilinan ni Theo na ayusin na ang likod ng bahay. Sabi ni Theo maganda raw iyon para may extra precautions. Hindi naman na ako nakipagtalo rito.

Una naming tinungo ang pinakamalapit na parte kung saan may nakita kaming ibang nageexercise, may kasamang music pa nga ang iba. Simpleng stretching lang ang ginawa namin ni Theo. Tinuruan niya ako sa lahat ng bagay at pinagalitan kung may mali akong nagagawa. Matapos ng stretching, nag-umpisa na kaming maglibot ni Theo. Walking muna ang ginawa namin. Iniwasan namin ang mga daan kung saan alam namin na posibleng may makakita sa 'min mula sa hacienda. Ayaw ko rin naman kasing malaman ng mga taga-hacienda, lalo na nila nanay, na andito lang ako sa malapit. Baka kasi hindi maging maganda ang kalabasan.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon