CHAPTER 34
We spent the next days doing almost the same things. Kung wala kami sa bahay, nasa hospital kami. Minsan kumakain sa labas. I am not allowed to go anywhere without him or those bodyguards. Ni pag magpapahangin nga lang ako sa labas, apat apat na ang nakabuntot sakin. I envy those people that I see outside. It’s weird tho dahil parang may oras ang paglabas at pasok ng mga tao at sasakyan dito sa village.
“Ready?” Napakurap ako nang narinig ko ang boses ni Theo. Mula sa salamin, nakita ko itong nakasilip sa may pintuan. Tumango ako at kinuha ang bag ko. Nauna na itong bumaba sakin kaya sumunod na lamang ako. “We have to drop by Felix’s office first before heading to the hospital.” I heard him say.
Gaya ng dati, kaming dalawa lamang ang nasa loob ng sasakyan. “May dadaanan pa tayo?” Tanong ko dito, breaking the awkward silence between us.
“Kay Felix. He’s going with us.” Sagot nito. Tahimik na lang ako na tumango at nagmasid sa paligid habang nagmamaneho ito. There weren’t a lot to see. Malalaking bakod at ilang puno lamang ang nakita ko. There were guards everywhere, there were security cameras attached on the walls, too. Pero ang pinaka-ikinagulat ko ay nang nakita ko ang pagkalaki-laking arkong may nakalagay na LeFevre International.
Nalaglag ang panga ko nang nakapasok kami sa lugar. Isa itong paaralan. Damn. Ano ba ang wala sa mga LeFevre? May townhouses, may hacienda, may ilang businesses at ngayon may paaralan pa pala sila. Pero sinabi nyang dadaanan namin si Felix. Nagaaral pa ba sya? Ilang taon na ba iyon? Ang alam ko ay hindi naman ganoon kabata si Felix.
“Let’s go inside.” Sabi nito nang itinigil nito ang sasakyan sa tapat ng tila isang mansyon. Hindi kalakihan ngunit ang exterior ay kasing elegante ng isang mansyon. Pagkapasok namin, sinalubong kami ng iilang tao. Elegante ang loob. Tumuloy kami sa ikalawang palapag kung saan kami’y pumasok sa pinakaunang pintuan na aming nakita.
“Felix.” Bati ni Theo sa nagsusulat na si Felix. Nalaglag ang panga ko nang napagtanto ko kung bakit nandito sa eskwelahang ito si Felix. Sakanya ito!
“You’re with her.” Iyan ang naging sagot ni Felix kay Theo nang nakita nya akong nakatayo sa gilid. “I am glad you took my advice.” Tila ba may himig ng pagkapanalo ang dinagdag nitong kataga.
“I did not take your advice, Felix. I had planned everything.” Sagot ni Theo na nakapagpagulo lalo ng utak ko. Malang sa malamang na ako ang pinaguusapan nila ngunit hindi ko alam kung tungkol saan. “We have to go.” Iyon lamang ang naging paguusap nila. Umalis din kami agad at nagtungo sa hospital. I wonder if thats’s the normal conversation they have. Para silang laging nakapostura.
Tumungo kami sa kwartong kinaroroonan ni Marcus. Wala doon si Natalia na gaya ng inaasahan ko. Sa halip ay may dalawang armadong lalaking nagbabantay kamy Marcus.
“Where is she?” Tanong ni Theo sakanilang dalawa.
“Sir, nagpunta po sya sa kwarto ni Sir Daniel.” Sagot ng isa.
“We’ll go there. Maiwan ka muna dito, Isabela. Wag ka mag-alala dahil babantayan ka nila.”
BINABASA MO ANG
The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia Boss
Ficción GeneralThe LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story