6

139K 3.1K 189
                                    

CHAPTER 6

Ilang araw na nasa utak ko ang nangyari samin ni Theo. Kung dati ay iritado at inis ako sa ginawa nyang pagnakaw ng unang halik ko, iba na ngayon. Sa sarili ko na ako naiirita at naiinis. Hinalikan ko sya pabalik at kahit labag sa loob ko, ginusto ko iyon kahit panandalian lang. Madali akong nagpunas ng luha na tumakas mula sa mga mata ko.


Ni hindi ko na sigurado kung bakit parang ang sakit sa dibdib pag naalala ko iyon. Nandidiri ako sa sarili ko. Pinilit kong ilayo si Jenny kay Theo noon dahil alam ko kung anong klase syang lalaki at ayokong mabaliw ang kaibigan ko sakanya pero heto ako, nalunod pansamantala sa halik nya. Ilang babae na ba ang nahalikan nya? At naman, hindi lang labi ng mga babae ang nahalikan nya! Kaya nga mas lalong nakakadiri.


Isinandal ko ang ulo ko sa dingding ng classroom sabay tingin sa labas. Lumilipad ang utak ko. Pakiramdam ko rin ay gumuguho ang mundo ko. Bakit nga ba parang ang OA ko naman magreact sa naganap na halikan namin ni Theo? Gusto kong subukang alamin kung bakit ako ganito pero ayoko, ayoko dahil natatakot akong magising sa katotohanan.


"Uy! Narinig kong sabi ng katabi ko pero hindi ko pinansin dahil baka hindi naman ako iyon. "Uy, Isa!" Aniya. At nang narinig ko ang pangalan ko, nilingon ko sya agad.


"Ha?" Tanong ko.


Sa halip na sumagot ay ngumuso lamang ito. Noong una ay hindi ko naintindihan ang nais nyang iparating pero iglang nagsalita ang instructor namin. "Miss San Jose," Tawag nya sakin. Nilingon ko naman ang guro ko. "Miss San Jose, kanina pa kita tinatawag pero parang lumilipad ang utak mo," Aniya.


"Sorry po, sir. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko," Palusot ko.


"Oh, magpunta ka na lang sa clinic kung hindi maganda ang pakiramdam mo. Hindi ko kailangan ng estudyante dito na hindi nakafocus," Aniya. Mas lalong sumama ang loob ko sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay napahiya ako. Napakawalang concern naman, hindi ba pwedeng tanungin muna ako kung ano ang nararamdaman ko? Napabuntong hininga na lamang ako.


"Opo, sir. Sorry po," Paghingi ko ng dispensa sabay tago ng notebook at ballpen ko sa bag. Kasalanan ni Theo to! Kung hindi sana iyon nangyari, edi sana wala akong iniisip ngayon. Naiirita kong sabi sa sarili ko.


Habang naglalakad ako patungo sa clinic upang magpahinga, iniisip ko pa rin ang bagay na iyon. Baka nga hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Stressed nga siguro ako. Kailangan ko sigurong kausapin ang school nurse o kaya guidance counselor upang mailabas ko ang nararamdaman ko at baka sakaling bumuti na ako.


Pagbaba ko sa first floor ng building, may narinig akong pamilyar na tawa at otomatikong nanigas ako sa kinatatayuan ko.


Theo.


Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong nataranta. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin – kung ang suot ko o ang buhok ko. At bakit nga ba iyon ang iniisip ko? Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko! Nakakainis! Huminga ako ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili ko. Ano naman ngayon kung andyan si Theo, hindi ba? Wala lang naman sya sakin kaya bakit nga ba ako nagkakaganito? Si Theo lang yan!

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon