CHAPTER 33
Naabutan ko si Theo sa loob na may kausap muli sa kanyang telepono.
"Where is the damn security, Felix?!" Galit nitong tanong sakanyang kapatid. "I want them in less than thirty... Cecil's in this freaking building... How did I fucking know?! She was able to reach Isabela! I swear I'd kill you and your fucking team if something happens to her!" Just like that, he ended the call. He was a different Theo. Parang hindi sya iyong kilala ko.
"Theo." I called his name. Agaran itong tumingin sakin ng marahas.
"Don't Theo me now, Isabela." Aniya sa pagalit na tono.
Hindi ko ito ininda, sa halip ay muli ko syang tinawag. "Theo."
"I said fucking shut up!" Natahimik ako sa ginawa nitong pagsigaw. Tuluyan nya akong hinarap. "I have told you yesterday that you are not supposed to open that damn door! Hindi ba sinabi ko na wala akong pakialam kung sinong tao pa iyon? Kahit pa empleyado dito sa hotel! Look what happened!"
"Hindi! Hindi ko alam kung ano ang nangyari! Hindi ko alam kung bakit hindi ko pwedeng buksan ang pintuan!" Pagalit ko na ring sigaw. He's acting like as if I did something really wrong! Ano ba ang masama sa pagbukas ng pintuan?
"Just do what I say, Isabela. Don't make things harder."
"I have to know! Dapat mong sabihin sakin, Theo!" Saglit itong natahimik sa sinabi ko. I took that opportunity to ask. "Ano iyong mga sinabi mo kay Felix? Para saan ang security? Ano iyong ibig sabihin ng sulat? Sino si Cecil?" Sunod sunod kong tanong dito.
Pumikit ito ng mariin ng ilang segundo bago ito nagsalita. "Those things were exactly why I left you." Tila may hinagpis nitong sabi. Hindi ako nakasalita dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, isipin at isagot. "Pack your things. We'll leave in less than thirty."
Unable to comprehend with what's really happening, I just followed what he said. Gulung-gulo ang utak ko sa pangyayari. He left me, he came back, he took me, he owned me and now he's mad at me, telling me that everything that's happening now was my fault and that these things were the very reason why he left me years ago.
Patapos na ako sa pageempake ng mga gamit ko nang narinig ko ang tunog ng doorbell. I heard men talking. Nang lumabas ako upag tignan kung sino ang mga iyon, isang grupo ng mga lalaking naka-suit ang nakikipagusap kay Theo.
Theo turned his back when he probably felt my presence. Nang nakita nya ako, niyaya nya akong tumabi sakanya. Marahan akong naglakad patungo sa harapan ng mga lalaking may maskuladong katawan.
"And this is Isabela. She is the main reason why I need you. I need a 24/7 protection for her." Tahimik na tumango ang mga lalaki. I wanted to protest but when I looked at Theo, he didn't seem open for any negotiation. I get it, I don't have a say with my own safety.
Isang itim na kotse sa harap at isa sa likod ang kasama namin ni Theo habang bumyabyahe. I dared not to ask kung saan kami pupunta. Nanatili kaming tahimik na pareho hanggang sa nakarating kami sa LeFevre Village. May village sila? Ilang business ba meron ang mga LeFevre? Why does it seems that they own everything?
Houses were grouped differently, it was obvious. Marahil lahat ay tig-dalawang palapag but others were undeniably larger.
Huminto kami sa ikatlong malaking bahay na nakita ko.
"Stay here." Aniya. Hindi na lang ako kumibo at tahimik na ginawa ang kanyang utos. Naunang pumasok sa loob ng bahay ang ilan sa mga lalaking nakilala ko sa hotel kanina. Ang ilang lalaki ay naiwang nakatayo sa paligid ng kotse ni Theo. While Theo, he was left outside the house while talking to another man. Sya siguro yung leader ng mga kasama namin ngayon.
It didn't take the men long enough to check the house. Nang masiguradong walang kung ano sa loob ay pinapasok na ako ni Theo. Dumiretso sya sa itaas kaya minabuti kong sundan sya. When he opened one of the doors, he gestured me to go inside first.
"You should be safe here. May cctv dito and the controls are in my room kaya mamomonitor ko ang kaligtasan mo." Aniya.
"Hindi tayo sa iisang kwarto?" Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinakpan ang bibig ko nang napagtanto ko kung ano ang sinabi ko. I regret what I said as soon as it escaped my mouth.
Nakita ko ang pagangat ng isang sulok ng labi ni Theo. "I didn't know you are that clingy." Tukso nito. "But no, Isabela. I still have my work at maiistorbo mo lang ako kapag nasa iisang kwarto tayo." Dagdag pa nito.
"Ako pa ang makakaistorbo?"
"Why yes. How can I concentrate when you are around?" Sagot nito. Tumalikod ako at pilit na binalewala ang nangyaring pag uusap.
"Hanggang kailan tayo dito?" Pagbabago ko ng usapan.
"As long as we need." Sagot nito.
Ang naging sagot nito ay nakapagpabahala sakin. Nang lingunin ko ito ay nakasandal ito sa may pintuan. "We? Ikaw lang ang may kailangan nito, Theo. I don't need this. Ang kelangan ko ay umuwi sa pamilya ko."
"I need you safe, Isabela." Pagod nitong sabi. "Look, I have no time to argue with you and if you're going to ask me again why am I doing this, wag mo na ituloy dahil wala akong balak sagutin. Just be with me and do everything that I say. Now I need you to freshen up, pupunta tayong hospital." And even before I could utter a word, umalis na sya.
BINABASA MO ANG
The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia Boss
General FictionThe LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story