CHAPTER 23
Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko, ni maging ang dapat kong paglagyan ng aking sarili ay hindi ko rin matukoy! Ayaw kong makita nya ako.
Pinanood ko sya habang naglalakad kasama ang babaeng nakakapit sa braso nya. Kitang kita ko kung paano tignan ni Theo ang babaeng nagngangalang Maxine. Para nyang tinutunaw ito sa bawat pagtitig nya dito habang naguusap sila.
Nagulantang na lang ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Si Ma'am Vianca! Naku po, nakalimutan ko na ang boss ko!
"Miss Vianca!" Bati ko dito.
"Isabela, I am here. Meet me somewhere there as I walk. Ayoko naman magmukhang loner." Aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Gutso nyang samahan ko sya habang naglalakad, habang inaanusyo ang pagdating nya, habang pinapanood sya ng lahat ng mga tao! Ibig sabihin din noon ay mapapansin pati ako at makikita ako ni Theo. Ayoko!
"Isabela, dali na! I'm about to get out from my car!" Dagdag pa nito. Gusto ko man sanang tumutol, bigla naman nitong pinatay ang tawag.
Hindi ako mapakali sa istura ko, sa postura ko, sa suot ko at sa paglakad ko habang tinutungo ko ang isang pwesto malapit ng kaunti sa pintuan upang masalubong ko si Miss Vianca. Nang nakita ko ang pagpasok na nito sa unang pintuan, sinenyasan ko na ang emcee upang i-anunsyo ang pagdating ni Miss Vianca.
"And now, Ladies and gentlemen, one of the AWE Global's royalty - Miss Vianca Morales – has arrived!" Saktong anunsyo nito habang papasok si Miss Vianca. Malaki ang ngiti nito. She loves attention, apparently, I do not.
"Isabela!" Mahina at hindi gaanong halatang bulong nito sakin nang magkasalubong kaming dalawa.
"Miss Vianca." Bati ko dito.
Nilakad namin ang red carpet patungo sa isa sa pinakaharap na lamesang bilog. Ramdam ko ang bawat tingin ng mga tao, ramdam na ramdam ko maging ang tingin nya. Nagawa kong pakiusapan ang sarili ko na huwag syang lingunin. Tama, ganun na lang ang gagawin ko magdamag, magkukunwari akong wala sya dito at hindi ko sya kilala. Mas makakabuti iyon.
"Oh, he's here!" Tuwang tuwang sabi ni Miss Vianca pagkaupo na pagkaupo pa lang namin. Susundan ko sana ang tingin nya ngunit bigla nya nya akong hinarap at hinawakan sa kamay. "Let's go! Ipapakilala kita sakanya." Tila ba excited nitong sabi. At dahil nga sanay naman ako na kasama nya sa tuwing may kakausaping mga business people, pumayag na ako.
"Sino ba Miss Vianca?" Tanong ko.
"Ayun oh." Mahinahon nyang sagot. Pilit kong sinundan ang pasimple nyang pag nguso ngunit hindi ko iyon nagawa. Luminga linga ako sa paligid upang matukoy kung sino ang pupuntahan namin. Ganun ganun na lamang ang pagsisisi ko nang mapagtanto ko kung saan.
"Ah, Miss Vianca! Kailangan ko nga po pala muna mag CR, ihing-ihi na po ako." Agad kong pagdadahilan sakanya.
Nilingon nya ako at tinaasan ng kilay. "Isabela, mamaya na yan! Sandali lang to, promise." Sabi nito.
"Pero Miss Vianca -"
"Shh! Malapit na tayo!" Suway nito sakin.
Nanginginig ang tuhod kong naglalakad papalapit sa nakatalikod na lalaki at babae. Kahit nakatalikod, halata mo ang pagiging possessive nito, nakaupo na nga sila, hawak hawak pa rin nito sa bewang ang babae. Napangiwi ako.
Nilakad namin ni Miss Vianca ang daan patungo sa harapan nila. Nakakainis! Sana nagpaiwan na lang ako sa likod nila, mas okay na yun eh. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Ni hindi ko alam kung bakit ako natatakot! At isa pa, hindi ba sya dapat ang kabahan? Dahil sya naman iyong may atraso sakin. Tama. Hindi ako dapat naapektuhan ng ganito.
BINABASA MO ANG
The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia Boss
General FictionThe LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story