40

122K 2.8K 148
                                    

AN: HIATUS? Sooo, yea, here's my answer. You know what it is :P


Also, can I ask you guys a favor? Please leave a comment on Kim's story (Stolen by the Rival's boss) and Don Antonio's story (The Birth of the First Mafia). It would mean so much. Thank you. Check on my profile na lang! :)


CHAPTER 40

May ilang minuto ko ring pinagisipan ang mga sinabi sakin ni Kim. Maganda ang mga punto ni Kim pero sa sarili ko ako hindi nagtitiwala. Hahayaan ko na ba ang sarili ko na mahulog ulit sa kanya? Ipaglalaban ko ba ang pagmamahal ko sa kanya? Kakayanin ko bang pasukin ang mundo niya? Kakayanin ko bang papasukin ulit siya sa mundo ko? Kaya ko ba?

Or baka tama si Kim, mahina ako.

Nahagilap ng tingin ko si Natalia at Marcus na masayang nag-uusap. Nakakainggit. That's what I wanted. Gusto ko na maging ganoon din kami kasaya ni Theo. Hinawakan ko ang binigay sa 'kin ni Theo na mamahaling alahas. Senyales ba ito na may pag-asa kami?

I just want to be happy, iyong walang sakitan na mangyayari at alam kong kay Theo ko mahahanap ang kasiyahan na iyon. Ang problema nga lang ay hindi ko matukoy kung ano ang humahadlang.

I sighed. When I looked around and still didn't see Theo around, that was it. I got up on my feet and started looking for him. He said he wanted this night to be perfect, iyon bang parang wala kaming problema and I said yes, pinagbigyan ko siya kaya hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nawala.

Or baka kasama si Fiona.

I immediately got hurt and pissed with the idea, lalo ko tuloy ginusto na mahanap ko si Theo. I tried looking for him inside pero wala talaga, hindi ko siya nakita kaya napagpasyahan ko na hanapin siya sa labas.

May iilang mga tao doon ngunit wala siya. Wala rin siya sa may poolside. I just kept on walking around, hoping to see him and I did. He was with Fiona. I couldn't see much if they were having a serious conversation dahil may kadiliman sa lugar nila. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang sunod na ginawa ni Fiona.

She hugged him. Ramdam ko ang namumuong galit sa dibdib ko. Pero ang hindi ko lalo ikinatuwa ay noong nakita kong gumalaw ang kamay ni Theo. My mind and eyes suddenly became clouded. Hindi ko na ininda pa kung ano ang ginawa ni Theo. Hindi ko na napigilan ang saril iko.

"Theo!" I shouted, loud enough for him and the others to hear. Agad silang naghiwalay mula sa pagkakayakap. I made my way towards them and they did start walking towards me too kahit pa medyo nahuli si Fiona. "What was that?" inis kong tanong dito.

"Isa, that was-" he was interrupted by Fiona na kararating lamang.

"Oh, hi, Isabela, right?" Sa halip na sumagot ay tinitigan ko lamang ito. "Anyways, naguusap lang kami ni Theo about our future partnership, right, Theo?" tila ba nang aakit pa nitong sabi sabay patong ng kanyang kamay sa balikat ni Theo.

I raised my brows at them.

"Business," Theo cleared. Fiona stiffened for a while pero agad din itong bumwelta.

"Right, business and we were both happy for our future partnership to the point of hugging each other!" aniya tapos ay tumawa ito ng mahina.

"Fiona, I don't want to sound rude but I need a moment with Theo," sabi ko dito ng hindi kumukurap.

Biglang nagbago ang itsura ni Fiona, iyon bang parang gusto niya akong sabunutan o kung ano pa man. Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. I almost forgot that Theo was there, mabuti na lamang at tinawag nito ang pangalan ko.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon