53

98.2K 2.4K 324
                                    

CHAPTER 53



Pagkagising ko ay nasa hindi pamilyar na lugar na ako habang nakahiga. Papikit-pikit pa ako nang naalala ko ang mga pangyayari bago ako mawalan ng malay.


"It's still easy to say, Mr. LeFevre. I suggest that you stay for the night so we could run some tests. It is not safe to speculate any problems or results while Miss San Jose is still unconscious. I still need to conduct an interview," narinig kong sabi ng isang babae na hula ko ay isang doktor.


Nasa ospital ba kami?


"Theo..." namamaos kong tawag. "Theo..." muli kong tawag dito kaya naman parehas nila akong nilingon.


"Angel!" tila ba gulat nitong sabi. Agad niya akong nilapitan at hinalikan ang kaliwa kong kamay. "Fuck, you got me worried!" aniya.


Kumunot ang noo ko rito. "Nasaan tayo?"


"Mayor's house. This is the safest place for us," aniya. Kung ganoon ay wala nga kami sa opsital?


"Sino siya?" tanong ko sabay tingin sa babaeng kaninang kausap niya.


Lumapit sa amin ang babae. "Good evening Miss San Jose, I am Dra. Sanchez," pagpapakilala nito.


"May sakit po ba ako?" nagtatakang tanong ko.


"Gaya ng sabi ko kanina kay Mr. LeFevre, masyado pang maaga upang masagot yan dahil normal naman ang nakuhang blood pressure, temperature at even your respiratory and pulse rate. We have to conduct further tests but we do not have the facilities here at mukhang ayaw naman pumayag ni Mr. LeFevre na dalhin ka sa opsital," aniya.


Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin nito na tila ba'y kinakailangan kong magpunta sa ospital. Matapos ng nangyari kagabi, ayoko munang lumalabas ako at nagpupunta sa mga mataong lugar dahil hindi imposible na may madamay pag nagkataong magkaroon ng gulo.


"Ayoko po sana magpaospital,"


Halata ang pagtataka ng doktora sa sinabi ko. "Sigurado ka ba diyan, Miss San Jose? Mas mabibigyan ka doon ng mas maayos na pag-aalaga,"


"Ayos naman na po ako. Baka nahilo lang ako dahil sa nangyari," pagdadahilan ko.


Tumango ito ngunit halata pa rin ang hindi niya pag sang-ayon sa naging desisyon ko. "Well then. I respect that but you have to sign a waiver. Also, I need to ask some questions. If that's okay with you?" tanong niya.


Tumango naman ako.


"I will stay," sabat naman ni Theo sa gilid ko.


"No problem, Mr. LeFevre," sagot ng doktora bago ito kumuha ng isang upuan at umupo sa kabilang gilid ng kama ko. "Let's start?" tanong niya habang nakahawak ng kanyang ballpen at papel. Tumango naman ako bilang sagot. "I want you to be fully honest, Miss San Jose,"

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon