19

115K 2.6K 126
                                    

AN: Felix LeFevre's story? Click the external link!!! Or go to my profile. ;) Marked by the Last Mafia Boss.

Kim and Greg? Soon! :D

Happy birthday @kayeballeta8 =) 

CHAPTER 19

From: Theo

Yes, Isabela. I will be home for your graduation. I need to go, may importante pa akong aayusin. Don't call or text, I will be in an important meeting.


Paulit-ulit kong binabasa ang kahuli-hulihang text ni Theo noong pang nakaraang linggo. Isang linggo na pero hindi pa rin nya ako tinetext. Hindi pa ba tapos ang meeting? Forever ba ang meeting na iyan? Hindi pa ba tapos ang importanteng meeting na iyan?


Saktong isang buwan nang umalis sya muli dito sa hacienda, naging maayos pa ang komunikasyon namin. Naging regular pa ang lahat pero hanggang sa unti-unting nabawasan iyon dahil na rin sa pag-aaral ko. Malapit na kasi ang finals at kailangan kong igugol ang oras ko sa pag-aaral, sinabayan pa nga iyon ng pag-ayos nya sa tinatayo niyang negosyo nya.


May mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan. Nagsimula akong mainis sakanya kapag hindi sya nagpaparamdam sakin. Napikon sya. Nag-away kami. Mula noon, pinigilan ko ang sarili kong humingi ng oras nya. Nasampal kasi ako sa nireply nya sa text ko.


From: Theo

Damn! Can you stop?! I Told you I have work to do! Why are you being clingy? Stop that, it's irritating!



Sobrang sampal sakin iyan. Napagtanto ko na oo nga, masyado akong nagiging demanding sa oras nya. Hindi nga pala kami. Hindi ako girlfriend. Inabot kami ng halos tatlong araw na hindi nag-usap noon. Sobrang pakiramdam ko ay mababaliw na ako. May exams pa ako kinabukasan kaya minabuti ko na ako na lang ang makipag-ayos.


Naayos din naman, nagsorry din sya. Naging okay kami pansamantala at dahil doon, nakapagreview at nakapagexam pa ako ng maayos.


Pero kung alam ko lang na matapos noon ay babalik nanaman sya sa pag itsapwera sakin. Ang sakit lang.


"Isabela, tara na! Bibili pa tayo ng bestida mo!" Dali dali kong itinago ang cellphone na ibinigay ni Theo sa pinakaloob ng cabinet ko. Sumisigaw na kasi si nanay, halatang inip na at gusto nang magpunta ng bayan para mamili ng gagamitin ko sa graduation para sa isang araw.


"Opo! Andyan na!" Sagot ko.



"Oh, Isa, dapat pagkatapos ng graduation mo ay lumuwas ka na upang maghanap ng trabaho ha." Sabi ni nanay nang nakasakay kami sa tricycle patungong bayan.


Lumunok ako at may pagdadalawang isip pa bago sumagot. Dapat ko ng sabihin kay nanay ang plano ko ngayon. "Ah, nay.. ano kasi naisip ko na wag muna ata magpunta ng Maynila."


"Ano? Bakit biglang nagbago ang isip mo?" Takang taka na tanong ni nanay.


The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon