45

122K 2.5K 190
                                    

Check the media, that's the lingerie. Hahaha. Comments guys haaaa? Thank youuuuu! Sorry, walang update kagabi. I felt dizzy and so I needed to sleep early.


FB, IG, Twitter: #OBTOMB


CHAPTER 45



Saktong pagkagising ko nang narating namin ang lugar. Camp site? Nalaglag ang panga ko nang kumpirmadong nasa isang camping site nga kami. We'll go on a camping treat? May hiking, mga ganoon ba? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Magkahalong excitement pero hindi ko magawang ikaila ang disappointment.


Papaano ang mga lingerie na binili namin ni Natalia? Paano ko gagamitin ang mga iyon kung sa loob kami ng isnag tent matutulog? At isa pa, saan ko naman ilalagay ang mga maleta ko?


"Surprise," naagaw ni Theo ang atensyon ko kaya naman sa kanya ko ibinaling ang aking tingin. "You like it?" malawak ang ngiti niya nang tanungin niya ako. Ni hindi ko halos lubos na maisip kung ano ang dapat kong isagot. When I failed to give an answer, ngumiti ako rito ng mapakla na agad niya namang sinumangutan. "You don't like it,"


Nanlaki ang aking mga mata. How can I make him feel that I am a bit disppointed? I'm so insensitive! Wala man lang akong malasakit. Ugh!


"No! I mean wow! Yeah! gusto ko dito," hindi sigurado kong sabi.


Nang narinig nito ang sinabi ko, doon muling nagliwanag ang kanyang mukha. Kung tutuusin, ayos lang naman kahit saan pa kami magbakasyon basta ang importante si Theo ang kasama ko. Kasama namin ang buong security team sa pagpasok sa lugar. Hindi lang pala kami ang naroon, marami rin kagaya namin na mga couples at may ilang pamilya rin. Maluwag ang area at halatang maraming activities ang pwedeng gawin.


Pinapasok kami ng isang empleyado sa loob ng isang conference room. Maya maya pa ay dumating na ang tingin kong may ari ng lugar. Hinayaan ko silang mag-usap ni Theo. I also find out that the security team will sleep in tents too at ang mga gamit naman namin ay ilalagay sa isang secured na kwarto pero pwede naman naming kunin ang mga kailangan namin from time to time.


We were led into another room, may kama naman at kitchen. Kwarto pala namin iyon but Theo choose to occupy the tents instead, mas adventurous daw. Tanging banyo na lang daw ang sadyain namin sa kwarto. I guess I can't wear the lingerie then.. not unless I could persuade him one time to spend the night here.


Nilibot muna namin ni Theo ang lugar, nakita ko rin ang tent na gagamitin namin at ipinakilala rin kami ng isang empleyado sa ilang mga nagcacamp ng mga oras na iyon. Matapos ng paglibot namin, naligo at nag-ayos muna kaming dalawa ni Theo ng aming mga sarili bago kami tuluyang mag-umpisa sa mga camping activities.


Since 6:30 na ng gabi, dinner at bonfire na lang ang magagawa namin although ayon sa isang organizer kanina, nasa aming mga campers na daw kung gugustuhin namin na maglaro ng mga pangkaraniwang laro gaya ng cards, truth or dare o di kaya man ay story sharing. Sounds fun but I doubt Theo wants to participate. Hello? Isang Theo LeFevre gagawa ng mga ganoong bagay? Pang normal na tao lang ang mga iyon.


Masyadong sosyal ang camping treat na pinuntahan namin. Talagang pinapacater pa pala ang meals doon. Ganito ba talaga magcamp ang mga sosyal?

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon