8

125K 3.3K 258
                                    

Votes and reactions, please. Thanks.

CHAPTER 8

Kinabukasan, pilit kong iniiwasan lahat ng tahimik at hindi masyadong mataong lugar. Pakiramdam ko kasi ay baka mamaya andyan lang pala sa paligid ang lalaking iyon at bigla na naman akong hatakin para halikan. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang labi nya. Ilang beses ko nang pinunasan ang labi ko pero lalo lang akong nanlulumo dahil naalala ko ang nangyari kahapon.


Matapos akong mapakalma ni Theo, nagprisinta syang ihatid na lang ako at hindi ko na nagawang tumanggi dala na rin ng takot ko. Hindi kami nag imikan ni Theo sa byahe at hindi ko maintindihan kung bakit lalo iyong nakadagdag sa iniisip ko. Laking pasasalamat ko na nga lang na wala akong nakitang tao sa paligid ng bahay noon nang ihatid nya ako. Ayoko lang machismis at ayoko rin na mag-isip sila nanay ng masama. Hindi na rin nya binaggit ang halik sakin.


Alas onse na ng umaga at lunch break na namin. Mamayang ala-una pa ang susunod kong klase. Kasalukuyang kasama ko si Jenny at ang boyfriend nya na kumakain sa school canteen. Parang kelan lang ay patay na patay si Jenny kay Theo, tapos ngayon eto sya, mukhang masayang masaya sa boyfriend nya. Hindi ko alam kung nagsisisi syang ibigay ang sarili nya noon sa maling tao. Ilang beses ko ba silang nahuli ni Theo? Hindi nga lang pala ako ang babaeng nahalikan na ni Theo, at bukod kay Jenny, paniguradong marami pa iyon. At hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa ideyang iyon.


"Isa!" Malakas na tawag sakin ni Jenny. Agad akong naibalik sa reyalidad nang sinabayan ni Jenny ng paghawak sa kamay ko ang pagtawag nya sakin. "Okay ka lang? Kanina ka pa tuliro." Nag aalalang sabi nya. Nang tinignan ko sya, nadapo agad ang tingin ko sa labi nya. Theo kissed that. Umiling iling ako. "Ha? Ano? May sakit ka ba?" Nag aalalang tanong nya.


"Ha? Hindi, hindi. Wala lang to," Pag-iwas ko na sagot.


Itutuloy ko na sana ang pagkain ko kaso nga lang ay may mga babaeng biglang pumuwesto sa katabi naming table. Sa sobrang lakas ng boses nila magchismisan, rinig na rinig ko ang pinaguusapan nila.


"Ah, oo, ang dami ngang tao dun sa likod eh!" Sabi ng isang babae na nakasuot ng dilaw na damit.


"Dun sa may parking area na hindi sementado?" Natatawang sabi naman ng isa pa.


"Oo, ano ba! Andun si papa Theo!" Malanding sabi ng nauna. Nang narinig ko ang pangalan ni Theo, otomatiko akong natigil at nakinig sakanila.


"Oh?! Bakit sya andun?" Tanong ng isang babae na medyo matangkad at morena. "Eh, andito pala sya tapos hindi nya man lang ako tinext," Nakanguso nyang sabi. Napataas ang kilay ko. Pinagmasdan ko sya. Matangkad, morena, mahaba ang buhok at napakababa ng neckline ng uniporme nya. Eto ba ang bagong flavor ni Theo? Naramdaman ko ang pagkabwisit.


"Gaga! Hindi mo ba narinig yung chismis kahapon? May kayakapan si Theo kahapon at mukhang seryoso daw sya dun," Sabi ng babaeng nakadilaw. Kayakapan? Si Theo? Seryoso? Sino?


"What?! Eh, hindi pwede yun, may nangyari na samin kaya nung isang araw," Parang nagmamayabang pang sabi ng isa. Kumunot ang noo ko. Bakit ba ipinagyayabang pa ng mga taong ito kung may nangyari na sakanila ni Theo?! Nakakainis!

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon