56

106K 2.4K 328
                                    

Thanks, guys!

CHAPTER 56

Nalilito at gulat kong tinignan ang kamay ko na mahigpit na hawak hawak ni Theo. Halos hilahin na niya ako na para bang isa akong trolley bag!

"Sandali lang naman, Theo!" pilit kong tawag sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy lamang nito ang ginawa niyang paghila sa 'kin.

Sobrang laki na nga lang ng pasasalamat ko na hindi ako gumulong gulong sa hagdan. Ang hirap sundan ang bilis niya. Nang namataan ko sila Marcus at Natalia na parehong nakatingin sa 'min, akala ko matutulungan na nila ako.

"Marcus," tawag ni Theo sa kanyang kapatid. Nagtataka akong lumingon kay Marcus at tanging tango lamang ang sinagot nito habang si Natalia naman ay tila lalo pang nagtaka.

"Let's go," ani Marcus sabay hila rin kay Natalia.

Bago pa man ako makapagreact, hinila na akong muli ni Theo habang nakasunod ang dalawa sa 'min. Pagkalabas namin ng mansyon, agad agad na tumakbo ang miyembro ng security team at nagsipasok sa kani-kanilang mga sasakyan.

"Get in," utos sa 'kin ni Theo nang kanyang buksan ang pintuan ng kanyang sasakyan.

Marahas kong binawi ang kamay kong hawak-hawak nito. "Ano bang ginagawa mo!?"

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga at niyukom ang kanyang palad. "I don't want to hurt you, angel, but you leave me with no choice," aniya na ipinagtaka ko. Akala ko kung ano ang ibig niyang sabihin! Iyon pala ay sapilitan niya akong ipinasok sa loob ng kotse niya!

"Ano bang problema mo, Theo!? Can't we just go back inside and talk? Hindi pa tayo tapos!" singhal ko rito nang nakapasok na rin ito. "At dinamay mo pa sila Marcus!"

"Just shut up, Isabela! Please shut up for a while! Alright? And just trust me," ani Theo na nakapagtahimik sa 'kin.

Mabigat ang bawat paghinga na ginawa ko dahil sa mataas pa rin ang lebel ng galit na nararamdaman ko. Nahaluan na rin ng pagkairita ang mood ko lalo na sa ginawa ni Theo. Nakakainis! Sobrang nakakainis!

Hindi kami nagkibuan sa biyahe. Sa biyahe na kung saan hindi ko alam ang patutunguhan. Nasa likod lang namin ang sasakyan nila Marcus. Hindi ko talaga maintindihan ang biglaang inasta ni Theo pati ang pagdamay sa mag-asawa.

"Ano 'to? Bakit tayo andito?" nalilito kong tanong kay Theo nang lumiko ito at ipinasok ang sasakyan sa gawi ng munisipyo.

"Andito na tayo," aniya tapos ay pinatay ang makina ng sasakyan.

"Anong andito na? Bakit dito?" walang ideya kong tanong.

"Basta," sagot nito bago lumabas at ako naman ang pagbuksan ng pinto. "Get out of the car now, Isabela," aniya.

"Not until you tell me wh--"

"Paano mo malalaman kung hindi ka lalabas?" hamon nito sa'kin kaya naman kahit labag sa loob ko, lumabas na rin ako.

Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok ng munisipyo. Ramdam na ramdam ko ang ginawang pagtitig sa 'min ng mga tao. Nakakahiya! Hindi ko alam kung ano ang balak ni Theo pero hindi ko talaga gusto na nagiging sentro kami ngayon ng atensyon ng bawat taong nadadaanan namin.

Isang kwarto ang walang galang na binuksan ni Theo kung saan nakita ko ang mayor na may ginagawang trabaho. Tila ba ay nagulat din ito ngunit nakabawi rin nang napagtanto na si Theo pala ang walang modong pumasok ng basta basta sa opisina niya. Teka, magkakilala sila?

"Ah, Theodore LeFevre!" nakangising bati nito.

Lalo pang humigpit ang ginawang paghawak sa 'kin ni Theodore. Halos pakiramdam ko naman ay lumabas na ang puso ko nang biglaan na naman niya akong hilahin upang maglakad patungo sa mesa ng mayor.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon