49

110K 2.5K 212
                                    

More or less last 10! :)


CHAPTER 49

Pinili ko na hindi ipahalata kay Theo na apektado ako pero hindi yata ako ganoon kagaling umarte kaya ilang beses pa rin niya akong tinanong kung ayos lang ako. Pero wala, eh. Denial queen din ako minsan. I suddenly felt suffocated. Para bang bawal sulok ng lugar na ito ay mayroon silang alaala ni Maxine.

I turned my back on him when we slept pero hindi ko naman pinigilan ang ginawa nitong pag-yakap sa 'kin. May kung anong parte sa 'kin na parang sumakit. 'Yun bang pakiramdam na para bang unti-unti akong nadudurog. It was the same pain I felt when Theo left.

"Don't you want to go down?" tanong nito sa 'kin matapos niyang maligo.

I sighed. Pinilit kong ngumiti rito. "Hindi na. Dito na muna ako. Mainit din kasi, eh,"

"Wala ka pa rin bang sasabihin?" pag uumpisa nanaman nito na pagtatanong. Umiling ako bilang sagot. I'd rather keep quiet this time. Gusto kong isipin ang lahat lahat. He sighed. "I'll be outside then. I need to talk to some of my people tungkol dito sa business. If you need something, just call me o kaya sa lobby. And if you're ready to talk, puntahan mo ako sa restaurant,"

 Tinimbang kong mabuti kung ano ba ang mas mahirap – iyon bang noong iniwan niya ako o iyong paulit-ulit kong maalala na minsan ay nagkaroon siya ng ibang babae bukod sa 'kin. I've went through hell and I died everyday when he left. Siguro nga kahit papaano ay nakabawi ako but I can't deny the fact that there was an empty space in my chest – may kulang talaga. It was unbearable, halos hilingin ko na ang mamatay.

That pain I went through compared to what I'm feeling right now, walang wala ito. Selos, oo, selos na selos lang ako. He spent his time with another girl dahil naduwag siya na baka madamay ako. But he can't lie to me. I knew that he loved her. Hindi ko alam kung para saan ang ginagawa niyang pag-deny. Dahil ba sa 'kin? Sa tingin ba niya ay hindi ko kakayanin?

I sighed. It was almost 4 in the afternoon when I decided to seek for answers. He can't lie to me forever and I can't keep on running too. We reached this far, magbabackout pa ba ako?

"Theo," tawag ko rito pagkapasok ko sa opisina niya.

"Akala ko wala ka ng balak lumabas, eh," aniya habang nilalapag ang mga papel na hawak hawak niya.

Ngumiti ako rito at umupo sa isang upuan. "Hindi na sana ako magpapaligoy-ligoy pa, Theo,"

He stared at me. Tingin ko ay binabasa nito kung ano man ang nasa isip ko. Alam ko naman na may ideya siya kung bakit ako naririto. "It's about Maxine, isn't it?"

Ngumiti ako rito ng mapakla at dahan dahan na tumango. "Para sa ikakatahimik ko." He sighed at tuluyan na nitong itinigil ang kanyang ginagawa. Nang hindi ito nagsalita, nagtanong na agad ako. "Hindi lang simpleng babae si Maxine para sa 'yo, hindi ba?"

Nakita ko ang pag-igting ng kanyang bagang.

"Theo, please, I need the truth,"

Tahimik pa rin akong naghintay ng isasagot nito ngunit nang nanatili pa rin itong tahimik, pinili kong magtanong na lamang ulit. Bahala na kung masasaktan ako.

"Minahal mo ba si Maxine?"

He locked his gaze with mine. Hindi ko sigurado kung tama ba ang ginagawa ko ngayon o kung tama pa ba na malaman ko ang lahat lahat dahil sa pagbasa ko sa kanyang mga mata, pakiramdam ko ay pinipisil ng mariin ang puso ko.

"Bakit ka nagsinungaling? Bakit hindi mo na lang sinabi sa 'kin ang totoo noon pa man?" naiiyak ko ng tanong dito.

"Dahil natatakot ako,"

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon