Guysss!
Follow me on instagram: m.grys
Also, check and follow our online shop at instagram: wallofsale
And thank you for the overwhelming comments. :)
Next update: Epilogue :)
CHAPTER 59
Everything was a blur. When I woke up, all I could see were silhouette and all I could hear was silence. I blinked twice just to at least clear my vision. Nakita ko ang pintadong apple green na mga pader. I even saw Theo's head resting on the side of my bed as I realized that he was holding my hand. I tried to speak and ask what happened but I felt dryness as I opened my mouth. I felt thirsty. Pinilit kong igalaw ang kanang braso ko nang bigla kong naramdaman nag kirot. Doon ko naalala ang lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay.
Check-up. Picture messages. Cecil. Knife. Guns. Cars. And blood.
Napasinghap ako na naging dahilan ng bahagyang pagbawi ko ng kamay ko na hawak ni Theo nang naalala ko ang pinakahuling pangyayari bago ako mawalan ng malay.
"Isabela? Fuck, angel!" aniya na tila ba galak na galak nang nakita niyang nakadilat ang dalawa kong mata. "Shit! You fucking scared me," dagdag nito bago ako yakapin at halikan sa noo.
"Tubig..." hirap kong sabi rito.
"Of course! Teka," natataranta niyang sagot at minadaling tinakbo ang ref sa 'di kalayuan. Nagsalin ito ng tubig sa isang baso bago iniangat ng kaunti ang kama ko at inabot sa 'kin ang tubig. Madali kong naubos ang laman ng baso na para bang isang taon akong hindi nakainom. The water felt good as it passed my throat.
I was about to ask what happened after I passed out when we heard the door swung open. Iniluwa noon ang isang babaeng nakasuot ng puting coat habang may katabi na isang nurse.
"Just about time," aniya nang nakita akong bahagya ng nakaupo. "And how are you, Isabela?" tanong niya bago ako nito lapitan.
"Ayos lang po.." sagot ko rito.
"Wala ka bang nararamdaman na kahit ano?" tanong niya habang chinicheck ang mata ko. Ang nurse naman na kanyang kasama ay kinukuhanan ako ng BP sa kaliwang kamay ko.
"Wala naman po,"
"Nahihilo?" tanong niya muli bago nito pagtuunan ng pansin ang takbo ng puso ko.
"Hindi po,"
"Good. But, you still need to rest," aniya. "Gaya ng sabi ko dito kay Mr. LeFevre, you need a 24 hour complete bed rest. So far, you are done with the first 12 hours and I need you to comply for the remaining half. We don't want you stressed, we don't want you to exert too much effort. Bleeding during the first trimester of pregnancy is common but we will not take risks because it is sometimes a sign of pregnancy problems such as miscarriage," dagdag nito na ikinabigla ko. Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia Boss
Narrativa generaleThe LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story