3

138K 2.9K 150
                                    

CHAPTER 3


Punong puno ng inis ang pagkatao ko nang bumalik ako sa pwesto namin nila nanay.


"Oh, bakit nakabusangot ka?" Tanong nya nang nakita nya ako.


"Wala, nay, ang init lang kasi!" Pagpapalusot ko.


"Eh, nakita mo ba si Jenny, Isa?" Tanong ni Aling Susan.


"Ah, opo, sinabihan ko na po sya at susunod na raw po sya," Sagot ko sakanya.


"Oh, eh, san mo ba sya nakita at anong ginagawa nya?" Tanong nya ulit. Nagkibit balikat na lamang ako dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang aking ipapalusot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nakita ko sya sa loob ng kwarto ng anak ni Don Antonio habang pinapapak nito ang kanyang dibdib?


Ilang sandali pa ay tinawag na ng gobernador si Don Antonio. Lahat kami at nagsipagtayo at nagsipagpalakpakan, talagang mahahalata mo sa mga tao ang labi na paghanga, respeto at pagmamahal nila sa matanda. He deserves it, anyway.


Nagsimulang magsalita si Don Antonio. Binigyan nya muna ng pasasalamat ang lahat ng nagpunta at nag organisa ng event. Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Jenny at umupo sa tabi ko. Nang tignan ko sya ay namumula ang kanyang mukha at nag iwas ng tingin. Bakit ngayon lang sya dumating? Napataas ang kilay ko. Tinuloy pa ba nila? Ugh. Napailing na lang ako sa sobrang inis. Mamaya ko na lang pagsasabihan ang matalik kong kaibigan.


Busy na busy ang mga tao sa pakikinig ng mga sinasabi ni Don Antonio, kanyang nabanggit ang plataporma nya sa balak nyang pagpapatayo ng isang pre-school hanggang elementary na paaralan dito sa loob ng hacienda dahil na rin sa napakarami na ang populasyon ng mga bata doon – oo, ganun kalaki ang kanilang hacienda. At syempre, libre ang pag-aaral nila na iyon. Kabilang pa sakanyang nabanggit ay ang paghahanap nya ng mga tauhan na pwedeng magtrabaho sa siyudad sa ilang family companies nila. Madami ang sumigaw ng 'ako po' sa tanong na iyon ni Don Antonio, natuwa ang matanda sa mga tao kaya kanyang sinabi na tatlong buwan pa naman daw bago nya kakailanganin na lumuwas ang mga may gusto ngunit bukas na ang pagpaparegister. Mula naman noon pa ay talagang mulat na ako sa kayamanan ng mga LeFevre ngunit hanggang ngayon at nalulula pa rin ako sa tayog nila. Marami pang nabanggit si Don Antonio, ngunit bago sya matapos ay kanyang pinakilala ang kanyang anak.


"At ngayon, upang ipakilala sainyo ang lalaking tutulong satin dito sa hacienda, nais kong makilala nyo ang aking pangalawang anak. Theodore LeFevre,"


Ang lahat ay tumayo at nagsipalakpakan – at nanguna na dun si Jenny. Napabuntong hininga na lang ako. Tumingin ako sa stage at nakita ko ang hindi maikakailang gwapong nilalang at ubod ng babaero. Napailing ako dahil nagsipagtilian ang mga babae – teenager man o matanda. At dahil nga nakatayo na ang lahat, napilitan akong tumayo na rin. Saktong pagtayo ko, nagtama agad ang mga paniningin namin. That caught me off-guard. Iniwas ko agad ang paningin ko dahil nakakainis ang kanyang mga tingin.



"..asahan nyo po na ako ay inyong laging malalapitan sa kahit ano mang problema," Aniya.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon