36

125K 2.7K 92
                                    

Votes & comments, please? :")

CHAPTER 36

Pagkatapos namin mananghalian, doon lamang kami nagpunta sa hospital. Kagaya ng mga nakaraang araw, weird pa rin si Natalia. Choosy sa naamoy at nakakain. Kaya nga oong minsan syang nagreklamo, doon ko na pinakita sakanya ang kit. She hesitated for a while pero pumayag din sya. I gave her three para sigurado talaga.

She came out a few minutes after. She looked tensed and unseasy. Noong tinanong ko sya, ganoon na lamang ang gulat ko dahil nawalan ito ng malay. Hindi ko tuloy alam ang una kong pagtutuunan ng pansin, iyong tatlong kit na positive lahat ang resulta o ang nawalang malay na si Natalia. I choose the latter.

Since we have found out that she’s pregnant, nakailang pilit ako dito upang magpacheck up pero ayaw nya. She said gusto nya kasama nya si Marcus sa unang check-up. I’m kind of worried for the baby. Hindi naman kasi biro ang pagbubuntis.

A lot of things had happened after that, nalaman ni Daniel na wala na ang mommy nito. We were all worried for him but we all tried to help him cope up.

“Alright, big boy. Tita Isabela and I need to go home. Maglalaro ulit tayo bukas.” Pinanood ko si Theo na itinabi ang laruang binili nya para kay Daniel. Looking at him, parang hindi naman ito hirap makihalubilo sa mga bata.

“Ayos ah, close na kayo agad ng pamangkin mo.” Sabi ko rito habang nagmamaneho ito.

“Hindi naman mahirap pakisamahan. Plus we all know that he needs all the attention he can get, I don’t want him to live in misery.” Nakangiti nitong sagot.

“You seem to be fond of kids. Parang natural lang sayo mag-alaga ng mga bata. I wonder why you said you needed to enter a workshop.” I teased, not knowing na pati pala ako kinikilig sa pangaasar ko dito.

“Not really fond of kids. I just had the chance to look after Maxine’s twins.” He said that made me shut up. Parang umurong ang dila ko at nawalan ng dugo sa mukha. So they lived together? I didn’t bother asking kung paanong nagkaroon ito ng kambal. I do not want to know the details dahil baka mamaya kung saan pa mapunta ang usapan and I might not like the answer. Hindi pa ako handang tanggapin na pansamantala lang itong meron samin ni Theo.

Hindi ko na lang ito kinibo hanggang sa makauwi kami. The following day, puro one word lang ang sinasagot ko sa mga sinasabi nito, minsan nga ay hindi ko na pinapansin. Hindi talaga maalis sa isip ko ang nabanggit nya kahapon. He’s not yet over Maxine, is he? Substitute lang ako. I wonder if naging substitute lang din ako noon dahil wala na syang makuha na babae sa lugar namin.

What happened that day was extraordinary. Nagising si Marcus mula sa coma at may isang babae akong nakilala. Kim daw ang pangalan. Sa tingin ko ay kakilala ito ng lahat. Yun nga lang ay iba ang titig nito. Ipinakilala na ako sakanya ni Natalia ngunit panay pa rin ang titig nya sakin. Weird. I felt out of place all of a sudden.

“Bakit ka andito?” Napaangat ako ng tingin nang biglang dumating si Theo. I chose to spend my time at the cafeteria. “Mukha namang hindi ka gutom, di mo ginagalaw yang pagkain mo eh.” Aniya sabay upo sa tapat ko.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon