24

111K 2.5K 75
                                    

Eh malakas kayo sakin eh. :))

CHAPTER 24

Nagpalipas pa ako ng ilang saglit bago lumabas. Dinig ko pa rin naman ang mga pangyayari doon eh. Nagsimula na ang party. Nakaupo na ang iba. Agad ko namang tinungo ang lamesa namin at umupo sa tabi ni Miss Vianca.

"Isabela, may problema ba?" Agad nitong tanong sakin nang maupo ako.

Umiling naman ako at ngumiti. "Medyo nalula lang po ata ako sa dami ng tao." Pagdadahilan ko. Tumango naman ito at hindi na muli pang nagtanong.

Maayos at maganda ang naging takbo ng programa. Nakinig at nakipalakpak ako sa bawat speech na natatapos. Ang iba nga ay nagbiro pa na hindi na daw hahayaan pang pahabain ang istorya kaya maiiksi lamang ang speech nila. Even Miss Bianca's speech was just full of thanks for the guests for coming over and for the employees that are beyond the reasons of AWE Global's success.

Nasundan ng ilang intermission numbers ng ilang mga taong sikat sa larangan ng pag aartista at pagkanta. Matapos noon ay kainan na kasabay ng pagbubukas ng dance floor. Bilang tradisyon, naunang sumayaw ang mag-asawang Morales na may-ari ng AWE Global. Akala ko nga ay hindi magsasayaw si Miss Vianca. Nagulat na lamang ako nang bigla syang umangil noong may nakita syang lalaking papalapit sa lamesa.

Noong mga nakaraang annual party, naisasayaw din naman ako ng ibang empleyado o kaya maging ibang miyembro ng board dahil kilala naman nila ako pero ngayon, wala ako sa mood makipaghalubilo. Ayoko ng atensyon.

Pinanood ko lang saglit ang pagsayaw ni Miss Vianca bago ako nagsimulang pasimpleng nagayos upang tumayo at umalis sana. Dun na lang siguro ako muna sa may bandang terrace sa itaas lamang ng floor na ito. Magpapahangin muna ako doon. Akmang aalis na nga sana ako nang may nagyaya saking sumayaw. Isa sa mga department heads lang.

"Ayaw ko namang magmukhang walang nakasayaw ngayon." Yan ang dahilan nya kaya hindi na rin ako tumutol. Isa pa, kakilala ko naman sya. Tinapos lang namin ang kanta. I was about to go upstairs pero nahagip ng tingin ko ang dalawang taong magkahawak kamay na nagtungo sa may dance floor.

I looked at them, they looked good together. Sila na ba talaga? Pinagmasdan ko si Theo habang ipinulupot nito ang kanyang kamay sa bewang ni Maxine. Memories suddenly flashed through my mind. Naalala ko iyong panahong pinaparamdam nya sakin na gusto nyang kanya lang ako. I saw how he looked at her and it wasn't familiar. He didn't look at me that way. Ako yung palaging ganun kung tumitig sakanya. I was lost in his eyes, but this time, he is lost in some other's eyes.

Para bang may kumirot but I chose to ignore it. Tingin ko, ganito lang ang epekto kasi unang beses lang namin ulit na magkita after four long years. I bet tomorrow morning, pagkagising ko, wala na itong kung ano mang nararamdaman ko. Hatred will be back. I will despise him once again.

Nang tumaas ako upang magtungo sa terrace, natigilan ako dahil may napansin akong dalawang tao na tila ba ay nagtatalo.

"Akala ko ba okay na lahat?!" Frustrated na sigaw ng babae. I know eavesdropping is bad pero hindi ko mapigilan. Hindi kasi sila mukhang pamilyar. The lady was wearing a black tight short dress. She has short brown hair. Maputi ito. At mukhang masungit.

"Naayos na namin, madam." Sagot ng lalaking may kalakihan ang katawan. Contrary to the semi-formal dress the lady was wearing, ang lalaki ay nakasuot ng faded na pantalon at puting plain at fitted na t-shirt.

"Dapat lang! Ayoko ng pumapalpak! I want to make a noise and give them warning. I want them to tremble and feel fear." Tila ba nakakatakot na sabi ng babae. "At isama mo yung babae! Para matakot yang lalaking yan. Akala mo kung sinong diyos na walang kinakatakutan." Dagdag pa nito.

Nanlaki ang mga mata ko. Napagtanto kong kumilos na sila kaya nagmadali akong nagtago sa isang lugar na pwede.

"Ano yun?" The lady said.

"Madam?" Tanong ng lalaki.

"May narinig ako. May tao ba dito?" Muli nyang tanong. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig at ilong ko just to prevent myself from any making noise.

"Wala, madam. Sinigurado kong wala." Sagot ng lalaki na tinanguan lamang ng babae tapos  nagsimula na silang lumakad. Sa isang exit sila ng floor dumaan at hindi doon ang daan upang makita sila sa party.

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi invited ang mga taong iyon at malakas ang kutob ko na may balak silang masama. Nagmamadali akong lumabas sa pinagtataguan ko. Lalabas na sana ako sa pinasukan ko kanina kaya lamang ay nagulat ako sa taong humarang sakin.

"Theo!" Wala sa loob kong sambit sa pangalan nito. Nandito sya? Hindi ba kasayaw nya iyong Maxine?

Tumitig lang ito sakin. Ilang segundo din kaming nagtitigan.

"Isabela." He called my name at para bang may nabuhay sa loob ko. Pinigil ko naman ang sarili ko sa kung ano man iyon. "Why do you look so flushed?" Tanong nya bigla. Doon ko lang naalala ang pakay ko.

"I.. Ano.. May mga tao akong.. May babae at lalaki. I heard them, may planong masama." Wala sa huwisyo kong sagot.

Biglang nagigting ang kanyang panga at tumango lamang sakin. "You go home." Yan ang kanyang sagot. Laglag naman ang panga ko.

"A-ano?"

"I said go home, Isabela." Seryoso nyang sabi.

"Ha? Hindi pwede. Kailangan ako ni Miss-"

"Just go home. Now. Isabela." Aniya tapos ay tumalikod ito at nagsimulang maglakad patungo sa dinaanan ng dalawang tao kanina. Delikado doon!

"Theo! Nandyan sila!" Medyo may kalakasan kong sabi.

Saglit itong tumigil at humarap sakin. "I know." Tapos ay nagpatuloy ito sa paglakad. Sinasabi ng instinct ko na sundan sya at subukan syang iligtas dahil malakas ang pakiramdam ko na may mangyaayring masama sakanya pero pinigilan ko ang sarili ko at ginamit ng maayos ang utak ko.

Kailangan kong bumalik sa party at sabihin lahat kay Ma'am Vianca. She has the power to stop the party. Tama. Para ito sa kaligtasan ng lahat. Nagmadali akong bumalik. Sinubukan kong hanapin si Miss Vianca. Nang namataan ko sya, hindi na ako nag aksaya pa ng panahon na lapitan sya kahit pa kasalukuyan syang naglalakad patungo sa dance floor kasama ang isang matandang businessman.

"Miss Vianca." Hinawakan ko ang braso nya kaya sya napatigil at napatingin sakin.

"Isabela!" Tila ba tuwa pa nyang sabi.

"May importante akong sasabihin."

"Great! Tara na!" Aniya tapos ay akmang iiwan ang matanda ngunit pinigilan sya nito.

"Why, I am sure that can wait." Sabi ng matanda na halatang iritado.

"I am really sorry, sir. But this is urgent." Pagpupumilit ko.

"Whatever that is, it can surely wait." May diin pa nitong dagdag. Umiling ako at saglit na hinanap ng mata ko si Theo. Wala sya! Nakita ko naman si Maxine na may kasayaw na ibang lalaki. Umiling akong muli.

"Miss Vianca, I heard two people talking. May masamang-"


"Shit!" Sabay sabay kaming napasigaw nang may narinig kaming tatlong magkakasunod na putok ng baril.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon