Push natin tong kay Theo, guys! Vote and comment. ;)
CHAPTER 15
Halos wala akong gana na pumasok. Hindi ko nakita si Theo sa bukana ng hacienda kaya nagtricycle na lang ako papasok. Siguro andun pa sa mansyon iyong babae nya kaya hindi nya ako sinundo. Siguro ay napuyat sila kaya hindi nya ako tinext o kaya tinawagan kagabi. Siguro ay ginawa din nya sa babaeng iyon ang mga ginawa nya sakin kaya nawala na ako sa isip nya.
Hindi ko alam kung ano ang mas masakit eh, iyong pakiramdam na parang pinagtataksilan ako, o yung ako yung giunamit sa pagtataksil o yung ibinigay ko yung sarili ko ng buong buo sa taong niloloko lang ako. Ang tanga ko rin kasi. Unang beses ko na nga lang na magmahal, ganito pa ang nangyari.
Sabagay, sino nga ba naman ako. Anak lang ako ng trabahador nila sa hacienda. Dukha, maralita, mahirap lang ako at sya abot hanggang langit ang kayamanan. Isa syang diyos kung tutuusin at ako ay di hamak na simpleng nilalang lang na pwedeng tapak tapakan. Siguro kaya nya lang ako pinili ay dahil naiiba ako sa mga babae ako, siguro kaya nya lang din ako ginawang panandalian dahil ang gusto nya talaga ay yung mga babaeng marunong mag-make up at magpakita ng balat, iyong mga tipong party girl ang datingan.
"Huy, Isabela! Tulala ka dyan!" Napakurap ako nang tapikin ni Jenny ang balikat ko. Tinitigan ko sya. Nalala ko ang nakaraan nila ni Theo. Hindi ba't parang mas tumagal pa nga sila kesa samin ni Theo?
Nakamake-up sya. May blush on, may eyeshadow, may mascara, may drinowing na kilay, may lipstick at ang buhok nya ang kulot kulot pa. Talagang nag-aayos sya sa sarili nya. Ako kasi ay kuntento na ako sa simpleng pulbo at minsan ay lipgloss din. Simpleng suklay o kaya tali rin lang ang ginagawa ko sa buhok ko. Walang kabuhay-buhay ang mukha ko.
"Isabela ha, nakakatakot ka na! Makattig ka naman dyan. Natitibo ka ba sakin?!" Pagaakusa nito sakin. Hindi ko iyon pinansin.
"Ayusan mo ako, Jenny." Sabi ko sakanya.
"Ha? Ano?" Tinaasan pa nya ako ng kilay. "Tama ba ang narinig ko? Ayusan kita?" Tanong nya. Tumango ako ng marahan. "As in gusto mo ng make-up? Pati itong kulot kulot ko?" Parang nabibigla nyang tanong at nang tumango ako ng tumango, bigla syang tumili. Sinaksakan ko nga ng tinapay ang bunganga nya! Ayan tuloy, pinagtitinginan kami ng mga tao.
"Aray ko naman, Isa!" Nakalabi nitong sabi.
"Ang ingay mo kasi!" Rason ko.
"Eh pano nakakagulat kaya yung gusto mo." Aniya "Bakit ba gusto mo bigla magmake up ha? Kay Theo ba? Ikaw, Isabela ha! Naglalandi ka na!" Tila tuwang tuwa nya pang sabi. Umiling na lang ako. Hay nako, Jenny talaga. "May isang oras pa naman tayo! Buti na lang at wala yung masungit nating instructor ngayon. Osya, maghilamos ka tapos punta ka na agad sa classroom ha! Aayusan kita!" Excited nyang sinabi tapos ay iniwanan na ako.
Ginawa ko naman ang sinabi ni Jenny. Naghilamos ako sa banyo. Nang tignan ko ang cellphone na ibinigay sakin ni Theo, wala ni isang text o tawag pa din. Para san pa bang binigyan nya ako nito kung hindi nya rin naman ako tatawagan o itetext? Bakit nya ba ako binigyan nito? Pampalubag loob? Kapalit ng pagbigay ko sakanya sa sarili ko?
BINABASA MO ANG
The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia Boss
Ficción GeneralThe LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story