Hi :D
CHAPTER 29
Mag a-alas singko na ng madaling araw nang nagising ako. Napansin kong pamilyar na ang lugar. Parang nakita ko na ito minsan. Hindi naman ito yung lagi kong nadadaanan kapag bumyabyahe ako pero pamilyar talaga. Baka iba ang dinaanan namin ni Theo? Anyways, tutal pamilyar naman na itong dinadaanan namin, ibig sabihin malapit na kami sa hacienda.
Itinuloy ko na lamang ang tahimik na panonood sa paligid habang nagmamaneho si Theo. Mas mabuti na iyong ganito kesa naman sa mag-usap pa kaming dalawa. Alam kong marami akong gustong itanong at dapat malaman pero hindi ito ang tamang oras.
Ilang minuto ang lumipas at pamilyar pa rin sakin ang lugar pero hindi ko matanaw ang hacienda. Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang iba ang natanaw ko.
"Anong ginagawa natin dito?" Pabigla kong tanong kay Theo.
Nagkibit balikat ito bago nagsalita. "I told you we're going home." Aniya.
"Hindi dito ang bahay ko, Theo." Iritado kong sabi.
"I didn't say we're going back to your house, Isabela. I said we are going home, which basically means, my home." Nakangisi nyang sagot.
"Theo, gusto kong umuwi samin!" Protesta ko dito habang pinapark nya ang kotseng sinasakyan namin sa tapat ng bahay nito.
"Oh, you will." Sagot nya na ikinagaan ng loob ko. "But not now." Dagdag nya na halos pumatid sa paghinga ko.
Magsasalita pa sana ako upang tumutol pero agad na itong nakababa at dumiretso upang kunin ang gamit namin sa likod. Sinundan ko ito at ginulo. "Iuwi mo ako, Theo!"
"I just did, Isabela." Sagot nitong ikinapikon ko.
"This is not my home, Theo!"
"Then make it feel like you're at home." Sagot nito na ikinalaglag ng panga ko. Matapos noon ay hindi na ako sumagot dahil sa kawalan na rin ng pag-asa na manalo laban dito. Pinanood ko na lamang syang pumasok sa loob ng kanyang bahay.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, halo halo ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa akong nagtagal sa labas at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Walang pagbabago sa labas mula noong huli ko itong nakita. Mabigat ang nagawa kong paghakbang habang tinatahak ang daan papasok sa loob.
When I saw what's inside, bumilis ang tibok ng puso ko. May iilang pagbabago sa loob ng bahay pero ang mga alaala namin apat na taon ang nakalipas, andoon pa rin. Parang biglang may kumirot kaya agad agad kong pinigil ang sarili ko sa kung ano man ang posible kong maramdaman.
"You could watch first. Magluluto muna ako ng almusal natin." Aniya.
Pinili ko na lang na gawin ang sinabi nito kesa ang makipagtalo sakanya. I don't want to lose my control over my feelings. Kailangan ko munang manahimik panandalian para bumalik ako sa sarili kong huwisyo.
Habang nanonood ako ng kung anu-ano, naamoy ko ang niluluto ni Theo. Nakakagutom! Ayoko naman pumunta ng kusina at maghanap ng makakain o kaya maiinom man lang kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood.
Ilang saglit pa ay natapos na itong nagluto kaya nakakain na kami. It was awkward. Sobrang awkward!
"Ako na ang maghuhugas." Agad kong sabi nang natapos kaming kumain.
"No, you could go to your room. Ako na ang bahala dito." Sagot nito.
"Nakakahiya naman, Theo. Ako na ang maghuhugas dito tapos ihahatid mo na ako sakin." Nang tignan nya ako ay agad nya akong tinaasan ng kilay. Umiwas naman ako agad ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia Boss
Aktuelle LiteraturThe LeFevre Maria Series: Theodore LeFevre's story