20

124K 2.5K 75
                                    

CHAPTER 20

Present


7 pa lang ng umaga ay nasa opisina na ako. 8:30 dumating si Miss Morales – ang boss ko. May meeting kasi sila ng 9 am.

"Isa, sumama ka sakin sa meeting ko mamaya." Aniya bago pumasok sa opisina nya.

Gaya nga ng inutos nya, sumama ako. Nagsulat ako ng notes para sa reference ni Miss Morales. Iyong annual party pala ang pinaguusapan nila ngayon. Matagal na itong nakaplano, nagsisimula na silang i-finalize lahat lahat ngayon dahil isang linggo na lang at annual party na.

"I expect perfection." Sabat ni Miss Morales bago matapos ang meeting.

"We will make it perfect." Sagot naman ng na-assign na head ng event.

Gabi na nang matapos ang trabaho ko. Iniunat ko ang mga paa ko sa ilalim ng mesa habang tinitignan ang patong patong na mga papel sa ibabaw ng mesa ko. Marami na rin pala akong natapos na trabaho ngayon. Kahit papaano siguro bukas ay makakaluwag luwag na ako. Sana nga lang hindi dumami ang demands bukas sa trabaho kong ito.

"Isabela, you could leave now." Napatingin ako sa pintuan at doon ko nakita ang boss ko.

"Sigurado kayo, ma'am?" Tanong ko rito.

Napabuntong hininga ito. "Yes, Miss San Jose. If you'll wait for me baka abutin ka pa ng madaling araw. I can manage. I'll call you when I need something." Aniya.

"Okay po." Sagot ko tapos ay tumango.

"Wag ka na magpaalam kung aalis ka. Just leave and do not bother me." Dagdag pa nito.

"Yes, ma'am." Sagot ko bago sya tumalikod at pumasok ulit sa loob.

Iniligpit ko lang ang mga gamit ko tapos inayos lamesa ko. Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin, halos magulat pa ako. Sobrang stressed ng mukha ko! Grabe lang. Akala ko trabaho ko lang ang nakakastress pero pati pala mukha ko. Buti pa ang boss ko, kahit triple triple pa ang stress level nya sa akin eh magandang maganda pa rin sya at ang ayos pa ng composure nya. Paano kaya nya iyon ginagawa? Siguro ganun talaga kapag laking mayaman.

Pagbaba na pagbaba ko, kitang kita ko na ang itim na sasakyan. Napangiti naman ako. Hindi talaga sya pumapalya sa pagsundo sakin.

"Good evening, ma'am Isa." Bati ng guard sakin.

"Good evening din, kuya." Bati ko pabalik.

"Ingat, ma'am." Dagdag pa nito bago ako pumasok sa loob ng kotse. Nginitian ko na lang si kuya guard.

"Uy! Sino ka?!" Nagulat ako sa tanong nya sakin nang nakaupo na ako.

"Ang sama mo naman eh!" Busagot kong sagot.

"Biro lang, alam mo namang lagi kang maganda sa paningin ko, Isabela." Bola pa nito sakin.

"Naku, Miko! Tigilan mo ako sa pambobola mo ha." Irap ko sakanya.

"Totoo naman, Isa. Para ka talagang anghel." Natigil ako saglit nang narinig ko ang tinawag nya sakin. Anghel. Saglit akong nakaramdam ng kung ano. Nakakainis. Bakit ba may epekto pa rin? Hindi, hindi masakit kundi galit yung nararamdaman ko. Sobra sobrang galit.

"Oh, natigil ka?" Napatingin ulit ako kay Miko.

"Miko ha, tatawagin kitang Kikoy sa harap ng maraming tao kapag di ka tumigil."

"Eto naman! Di na mabiro." Aniya.

"Magdrive ka na nga, gusto ko na umuwi at matulog." Tamad kong sagot sakanya.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon