21

114K 2.6K 151
                                    

CHAPTER 21

Umaga pa lang busy na iyong department na naassign para sa annual party. Maging ako nga eh nadadamay sa pagiging busy. Panay din kasi ang update sakin ni Miss Morales kung natawagan ko na ba iyong gumawa ng gown at sapatos nya.

“And, Miss San Jose, after that can you go and get a sample of the invitation plus the guest list? I need to see kung kumpleto na lahat.” Dagdag nya.

“Sure, ma’am.” Nakangiti kong sagot.

“Thanks, Isabela, what would I ever you without you?” Tila ba pagod nyang tanong.

“Just being what you need, Miss Morales.” Nakangiti ko pa ring sagot.

“That is why I can’t make you leave your place, you’re a great secretary and my one and only friend.” Dagdag pa nito. Tumango naman ako bilang sagot.

Gaya ng sinabi ni Miss Morales, agad kong tinungo ang department. Nadatnan ko silang gulong gulo. Ang daming mga papel at ang ilan ay nakahawak sa telepono habang kinakausap ang iba ibang tao.

“Uy, Isabela!” Agad na bati sakin ni Betty, isa sa mga empleyado na busy. “Kunin mo na yung invitation?” Agad nyang tanong.

Tumango naman ako. “Oo sana eh, tsaka pahingi daw nung list ng mga guests.”

“Oh, sige, sandali lang ha?” aniya tapos ay kumaripas ng takbo patungo sa lamesa nya. “Eto na oh.” Agad nyang inabot sakin ang mga hinihingi ko nang nakabalik sya.

“Sobrang busy pa?” Napangiwi ako sa tanong ko.

“Kung alam mo lang! Hay, sarap sumuko!” Sagot nya sabay kamot sakanyang ulo. “Sige ha, Isa, kailangan ko pa bilangin lahat ng nagconfirm na eh na pupunta.” Aniya kaya nagpaalam na ako.

“We are glad to invite you to AWE Global’s 30th annual party.” Basa ko sa nakasulat sa harapang bahagi ng imbitasyon. Kulay itim, puti at gold lamang ang nasa may imbitasyon. Halatang napakasosyal ng dating ng annual party na ito. Hindi naman nakapagtataka na gusto ni Miss Morales na maging perfect ang okasyon. Sabagay, ang theme nga naman kasi ay “Luxurious Pleasure.”

Nakapunta naman na ako sa tatlong nakaraan na annual party ng AWE. Mandatory kasi sa mga sekretarya na pumunta upang may tutulong sa mga board of directors ng AWE. Problema ko pa nga pala ang isusuot ko, hindi pa ako nakakahanap eh. Masyado kasing busy. Siguro sa Sabado na lang o kaya sa Linggo. Depende pa rin kung hindi na papasok si Miss Morales ng ganoong araw.

Matapos kong tignan ang imbitasyon, sisilipin ko sana iyong listahan ng mga imbitado kaya lamang ay tumunog na ang elevator, hudyat na nakabalik na ako sa floor namin.

“Just come in, Isabela.” Sagot ni Miss Morales nang kumatok ako sakanyang pintuan.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon