44

124K 2.6K 232
                                    

Comments, haaa? Pleaaaase.


CHAPTER 44



Hindi na kami muli pang nag-usap ni Don Antonio pero hindi ko rin ito ganoon kadaling naiiwasan. Paminsan minsan kasi ay bumibisita ito sa manyson. Aniya gusto rin daw niyang makasama si Theo at si Felix. Well, Felix doesn't live with us pero lagi itong iniimbitahan sa mansyon kasama na rin si Maura. I remember her, minsan na siyang nagpunta sa hacienda at pinagselosan ko pa nga siya noon eh.


Tulad din ng napag-usapan namin ni Theo, nakakalabas labas na ako ng bahay pero may kasamang security team. Minsan nakakahiya kasi pinatitinginan ako ng mga tao pero medyo nasasanay na rin ako dahil pinakiusapan ko sila na baka pwedeng magbihis normal naman kahit papaano and they obliged.


I even remeber Theo arguing with me about that, aniya'y maganda daw na alam ng lahat na may bodyguards ako para matakot sila na lapitan ako but in the end, wala rin itong nagawa as long as kaya pa rin daw nila akong bantayan.


One month, that's exactly how long the newly weds had been gone. Literal na bakasyon pala ang ginawa ni Marcus. I was expecting na matagal na masyado ang isang linggo para sa isang busy na taong katulad niya. Pagkabalik nila, halata na ang umbok sa tiyan ni Natalia. Akala ko nga magpapahinga na ito agad pero laking gulat ko nang niyakap pa niya ako.


"Sa wakas! May ibang tao na rin akong nakita!" aniya. "Nakakasawa kasi mukha ni Marcus!" nakanguso pa niyang sabi. Tinawanan ko na lamang siya. "Tara sa mall?" yaya niya bigla na talaga namang kinagulat ko.


"Ha? Bakit?"


"Syempre, shopping! 'Diba bukas na kayo magbabakasyon ni Theo? You need new clothes!" excited niya pang sabi. Nalaglag ang panga ko at hindi ako agad nakasagot. Bukas? Oo, alam kong magbabakasyon kami ni Theo pero bukas? Bukas na? "Uh oh. Hindi mo pa alam?"


Tinitigan ko lamang ito habang halata pa rin ang pagkagulat ko.


"Natalia, I told you not to tell Isabela! It's supposed to be a surprise!" sabat ni Marcus na may buhat buhat na maraming plastic bags. Looks like nagshopping spree na si Natalia sa bakasyon nila.


Ngumuso naman si Natalia at nilingon ako. "Wala na akong magagawa, nalaman na niya!" aniya. Few seconds later, she clapped her hands and flashed a grin. "Alam ko na! Edi si Isabela na lang ang magsurprise kay Theo!" masayang sabi nito habang ako naman ay pilit ko pa rin iniisip kung ano ba ang dapat kong sabihin. "That's why we have to go shopping!" excited niyang sabi sa 'kin.


"Pasensya ka na kay Natalia, Isabela, pinaglilihian ka talaga eh," umiiling na sabi nito.


Muling ngumuso si Natalia at umirap sa kawalan. "Shut up!" sabi nito sa kanyang asawa. "Dali na, Isabela! Fix yourself and be down in less than fifteen minutes! I'll be waiting!" kasabay ng pagakakasabi niya nito ay ang pagtulak sa 'kin papaakyat ng hagdan.


I was left with no choice. I was still in awe dahil balak akong sorpresahin ni Theo 'yun nga lang ay nasira. Siguro nga tama si Natalia, dapat kong sorpresahin si Theo. He has done too much for me, he deserves a bit of surprise.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon