2

159K 3K 104
                                    

AN: Gaya ng sabi ko noong nakaraan, hindi nakabold dito ang palitan ng salita ng mga characters. Salamat! =)

Chapter 2

"Teresa! Dalian mo na, nako!" Narinig kong sigaw ng mga kumare ni nanay na nakasakay na sa naghihintay na shuttle.


"Teka lang, mare!" Sigaw pabalik ni nanay tapos ay ako naman ang binalingan  nya. "Isabela! Dalian mo na!"


"Andyan na po!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sakanila. Pagkarating ko sa loob ng shuttle, doon ko na lang napansin na kami na lang nga pala ang kulang at ako na lang ang kaninang hinihintay.


"Aba, kaya pala nahuli kayo nagpaganda pa itong dalaga mo Teresa," Pang-aasar ni Aling Sonia, isa sa malapit na kumare ni mama.


"Nako! Sinabi mo pa," Sakay naman ni nanay.


"Hindi po ha!" Namumula ko namang pagtatangi.


"Ikaw talaga! Siguro nalaman mong gwapo iyong anak ni Don Antonio ano kaya ka naghanda?" Patuloy pa rin nyang tukso.


Lalo akong namula. "Nako,hindi po talaga ha! Hindi ko pa nga nakikilala yun eh," Humalukipkip ako.              



"Pero sabi kanina noong kababata mong si Jenny, talaga namang gwapong gwapo raw ang anak ni Don Antonio na iyon! At talagang matipuno daw," Kinikilig na sabi ng isa pang kumare ni nanay.


"Nako! Baka mamaya Isabela ay ligawan ka nun agad kapag nakita ka nya! Ang ganda mo pa naman," Sabi na naman ni Aling Sonia. "Ingat ka lang ha, laking Maynila at ibang bansa iyon, eksperto na iyon sa babae panigurado. Wag mong isuko ang Bataan ha!" Sabi ni aling Sonia na talagang ikinapula ng pisngi ko.


"Aba, subukan nya lang!" Mataray na sabi ni mama ko habang pabiro akong tinignan.


"Wala po sa isip ko ang mga ganyang bagay!" Depensa ko sa sarili ko. Tinawanan lang nila akong lahat. Umiling na lang ako.


Buong byahe patungong mansyon, wala silang ibang ginawa kundi pag usapan ang anak ni Don Antonio. Kesyo gwapo raw talaga at maganda ang katawan at matalino at talagang magaling daw. Hindi rin ako nakaligtas sa iilang tusko. Ngunit pati ang pagkagusto ni Jenny sa anak ni Don Antonio ay napagusapan din nila. Pinili ko na lang manahimik.




Pagkadating namin sa malawak na bakuran ng mansyon, marami nang tao. Ang iba ay nag aayos na ng pagkain, ang iba ay inaayos ang upuan, ang iba ay siniset up ang isang mini stage, ang iba naman ay nakaupo na at nakikipag-usap. Pinili namin nila nanay ang medyo sentro na grupo ng mga upuan at isang lamesa, hindi iyon masyadong malikod. Tamang tama ang pwesto namin, kitang kita ang mini stage.


"Isabela!" Narinig ko ang pangalan ko kaya agad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon