50

115K 2.2K 192
                                    

CHAPTER 50


"What's wrong? Ayaw mo ba? Galit ka pa ba sa 'kin, Isabela? Tell me what should I do just to prove to you that I am not lying?" tila ba desperado nitong sabi nang hindi ako nakasagot sa una niyang sinabi. Hindi rin naman nakatulong ang mababaw kong pag-luha. "Angel, please, talk to me. Mababaliw na ako kakaisip," pagmamakaawa nito habang mahigpit nitong pinipisil ang dalawa kong kamay.

"Nagpo-propose ka ba?"

Tila ba nabuhayan ito ng loob nang nagsalita ako. Para itong baliw na kanina lamang ay halos paiyak na tapos ngayon naman ay bigla biglang tumatawa ng mahina. Marahan nitong hinawakan ang mukha ko at hinalikan ang noo ko. "Do I have to? I own you – body, mind and sould – you are mine. You have no choice, Isabela. With or withour proposal, you will end up with me,"

"Ang kapal mo rin naman, theo. Paano kung ayaw ko?" madiin kong sabi rito.

Tinawanan lamang ako nito. "Then go and run away, but I could assure you that I would destroy the world just to find you,"

Napangisi ako sa kanyang sinabi sabay tulak ng marahan dito bago ko tinungo ang lamesa. "Gutom na ako,"

Nang nakaupo na ito sa harapan ko, hindi niya ginalaw ang kahit ano mang pagkain sa lamesa. Sa halip ay nanatili itong nakatitig sa 'kin.

"What?"

"So, what now, Isabela? Papakasalan mo ba ako?"

Saglit akong natigilan at natameme. Mukha siyang seryoso at hindi halos matinag ang kanyang titig. "Seryoso ka ba?"

"Why would I joke about marriage?"

"Seryoso ka nga?" nagdududa kong tanong dito. Pero nasaan ang singsing? Hindi ba ganoon naman ang mga proposal? Pero nevermind that, gusto ko lang marinig mula kay Theo na seryoso nga siya.

"Isabela, paano ko ba mapapatunayan sa 'yo na seryoso ako sa nararamdaman ko para sa 'yo at seryoso ako na pakasalan ka?"

I was lost for words. Paano ba ako sasagot? Yes? Oo? Dapat ba tumayo ako at yakapin siya? O kaya naman ay tumalon ako sa sobrang saya? Kailangan ko bang umiyak sa sobrang tuwa o ngumuti ng sobra hanggang sa mapunit na ang labi ko? Becasue, damn! Napapamura ako sa pinaghalo halong nararamdaman ko. Masaya ako na nabigla na hindi makapaniwala na hindi ko na talaga maipaliwanag.

I remained stunned while he anticipated for my answer.

"Nasaan ang singsing?"

Lihim akong napamura sa sarili ko dahil sa dinamidami ba naman ng pwede kong sabihin, iyan talaga ang napili ko. The ring doesn't really matter pero hindi ko talaga mahanap ang magagandang salita na gusto kong sabihin dito.

"Fuck.." mahinang mura niya. "Fuck!" muli niyang pagmumura. Tumawa ito ng mahina. "Now I know why you won't believe me. Of course! Jesus. I can't believe I'm stupid to forget the most important thing," hindi makapaniwalang sabi nito.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Hindi naglaon ay natawa na ako rito. He looked frustrated because he thought he failed. Nakakatawa pala siyang panoorin sa mga ganitong pagkakataon. Mukha kasi siyang normal na tao. 'Yun bang maiisip mo bigla na nagkakamali din pala ang isang taong katulad ni Theo.

Hinawakan ko ang kamay nito at pinisil iyon. "Hindi ko naman na kailangan ng singsing. You're all that I need," nakangiti kong sagot dito.

The dinner went smoothly and sweetly. Ano pa nga ba ang mahihiling at marereklamo ko kung halos ibigay na sa 'kin ni Theo ang lahat? He even said he'd marry me, so technically, we are engaged kahit wala pa iyong singsing. Ako pa ba ang tatanggi?

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon