17

108K 2.5K 125
                                    

Di ko na prinivate, instead, ginawa ko na lang na light lang yung chorva. Next time na ko mag private kapag heavy chorva. HAHAHA

Comments, pliiith

CHAPTER 17

Tumakbo ako papasok ng mansyon. Hindi ko kinaya ang bigat ng loob ko. Sino ba naman ang makakatiis na makita ang taong mahal nya na may kasamang iba? Gustong gusto ko syang hilahin papalayo sa babaeng kasama nya, gusto kong burahin ang pagmumukha ng babae, gusto kong ipagsigawan sa lahat na akin si Theo pero hindi pwede.


Maraming rason kung bakit imposible na maging akin sya. Una na doon ang estado ng buhay namin. Sino nga ba naman ako? Kumpara sa mga babaeng nailinya sakanya, wala ka pa ako sa hinliliit nila.


"Isabela." Halos nanlamig ako nang marinig ko ang boses nya mula sa likuran ko.


Huminga akong malalim bago sya harapin. Nakailang lunok ako para lang hindi pumiyok. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.


"Ako ata ang dapat magtanong nyan?" Tanong nito sa seryosong tinig. Oo nga naman, hindi ko pala bahay to. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha nito, blangko pa rin.


"Babalik na ko sa labas." Sagot ko ngunit nang marating ko ang tapat nya, agad nyang hinawakan ang braso ko.


"Sino yung lalaking kausap mo?" Seryoso nyang tanong.


"Anong pakialam mo?" Sagot ko sakanya. Nakakainis sya! Kung kanina ay halos mamatay ako sa sakit, ngayon ay nahahaluan na iyon ng inis. Bakit nya ba kasi ako ginaganito?!


"Gusto mo ba talaga akong magalit?" Kasabay ng pagsabi nito ng may diin ay ang pag diin ng kanyang pagkakahawak sakin.


"Bitawan mo ko, nasasaktan ako. At wala kang pakialam kung sino ang mga lalaking kakausapin ko." May diin ko ring sabi.


"Gustong gusto mong makipagusap sa mga lalaki pero sakin hindi?" Tila ba may hinanakit nyang tanong.


"Theo, ano ba!" Reklamo ko sakanya nang lalo pang humigpit ang kanyang pagkakahawak sakin. "Hindi ko na nga pinapakialaman ang mga babae mo!" Sumbat ko rito.


Bigla nya akong binitawan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Ganun ba nya ako kadaling bibitwan talaga pag may ibang babae nang naisasali sa usapan?


"Damn, lady. We need to talk real bad." Sabi nito na ikinabigla ko naman.


"Wala tayong dapat pag-usapan." Giit ko.


"Oh, believe me, we have to talk." Pagpupumilit nito. Akmang hahawakan nya ulit ako sa braso ngunit nakaiwas ako.


"Para saan pa ba, Theo?! Hindi naman tayo!" Mangiyak ngiyak kong sabi sakanya.


The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon