16

111K 2.5K 39
                                    

Next UD tomorrow! Baka private chap, lam na dis! HAHAHA You know what to do para mabasa iyon. Mkay? Pero BAKA lang naman, di pa sure. Tignan ko pa mood ko bukas, baka kasi inosente ang peg ko. HAHAHAHA!

CHAPTER 16

Patuloy ang kung ano mang meron kami ni Theo. Nagawa kong itago iyon sa mga magulang ko. Nakayanan ko. Dalawang buwan na rin naman ang nakalipas mula nang magsimula kami. Pinupuntahan pa rin nya ako ng regular sa eskwelahan. Minsan kapag hindi busy sa hacienda ay nagagawa nya akong ihatid sundo sa bukana. Buti nga at ang mga tao sa hacienda ay nasa kalagitnaan kaya hindi naging mahirap samin ang magkita doon. May mga pagkakataon din na lumalabas kaming dalawa. Ang cellphone na bigay nya ay nakatago pa rin, tinatawagan nya ako paminsan minsan pero madalas ay text lang dahil baka marinig ako nila nanay na may kausap.


Sa sobrang bilis ng panahon, ni hindi ko namalayan na halos patapos na nga ang Christmas break. Pasukan nanaman ilang araw mula ngayon pero wala pa rin masyadong espesyal na nagyayari. Hindi kami nagkakasolohan ni Theo nitong nakaraan dahil mahirap makatakas. Nakuntento na lamang kami sa nakaw na sulyap kapag nasa bukid kaming dalawa.


Miyerkules ng hapon nang isama ako ni nanay sa mansyon. Aniya'y kailangan kong tumulong doon dahil sa may selebrasyon ang gaganapin pagsapit ng hatinggabi. Magbabagong taon na nga pala. Pumayag naman ako sa gusto nya, syempre dahil makikita ko si Theo doon. Panigurado din ako na andoon si Jenny.


Inaayos na ang mga lamesa nang makarating kami ni nanay sa malawak nilang hardin. Nakaset-up na rin ang mga gagamitin mamaya sa fireworks display. Nagsimula na ring dumating ang ibang tauhan mula sa catering service na kinuha nila. Pinaghahandaan nga talagang mabuti ang New Year. Inaasahan na halos lahat ng nasa hacienda ay dadalo din.


"Naku, kailangan matapos tayo dito bago pa man bumalik si Sir Theo." Narinig kong sabi ng isang nakatatandang kasambahay. Naagaw naman nito ang atensyon ko. Gusto ko sana magtanong kaya lamang ay baka mahalata ako.


"Saan po ba si Sir Theo?" Tanong ni nanay.


"Naku, umalis kanina pang umaga at may sinundong bisita nya." Sagot nito. Kanina pang umaga? May sinundong bisita? Sinong bisita? Iyon ba ang dahilan kung bakit mula alas diyes ng umaga ay hindi na sya nagtetext? Pinili ko na lamang na itago sa loob ko ang kagustuhan ko na malaman kung sino ang bisita.


"Aba, eh baka naman kaya magpapaparty iyong binata dahil sa bisita nya." Komento ni nanay na hindi ko nagustuhan. Bakit pakiramdam ko ay may hindi maganda sa sinabi nyang iyon?


"Ay nako! Ikaw talaga, kaya sya nagpapahanda ng ganito dahil satin, hindi sa kung sino sino lang dyan." Sagot ng katiwala. Tama, tama sya.



Alas onse pasado na ng gabi nang may matanaw kaming kotse na paparating. Kotse ni Theo iyon, sya na yun panigurado. Laking pasasalamat ko at umuwi ako kaninang bandang alas nuebe upang maligo at mag-ayos ng sarili. Pinili kong isuot ang regalo sakin ni nanay noong pasko. Isa itong bistida, pulang bistida na may magandang disenyo ng puti na polkadots. Aniya'y swerte daw ito kapag bagong taon. Wala namang masama kung susundin ko yung gusto nya, hindi ba?


Isa pa, alam ko kasing magiging presentable ang sarili ko sa damit na ito. Dobleng effort pa nga ang ginawa ko dahil hiniram ko ang make-up ni nanay at nag lagay. Light make-up lang naman at kulay pulang lipstick. Ginawa ko rin iyong braid na ginawa sakin ni Jenny. Nagustuhan ko kasi iyon eh.

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon