58

105K 2.6K 262
                                    

CHAPTER 58

My breathing was heavy. Pakiramdam ko rin ay lalabas ang puso ko sa ano mang oras. Hindi ko pa rin inilalabas ang isang kamay ko sa loob ng bag ko just because I knew it would make me a little bit safe. Pinilit kong bilisan ang lakad ko ng hindi nahahalata na natatakot ako nang biglang naramdaman ko mula sa likod ko ang pagyakap sa leeg ko kasabay ng tila matulis na bagay na magaang tumutusok sa likod ko. Otomatikong hinawakan ng libreng kamay ko ay nakayap sa 'kin na braso na naging dahilan ng bahagyang pagdiin ng matalim na bagay sa likuran ko.

"Nice to meet you, Isabela," makapanindig balahibo na bulong ng babae. "Subukan mong magkamali, walang sabi sabi kong itutusok 'tong kutsilyo sa likuran mo," babala nito sa ''kin.

"Sino ka?!" tapang tapangan kong tanong dito kahit na ang totoo ay nangangatog na ang tuhod ko sa kaba. Ramdam ko na rin ang pagtulo ng malamig kong pawis sa noo.

"Oh, I am sure you know me," aniya. "Sundan mo ang pag hakbang ko, wag kang tatanga tanga kundi, ibabaon ko talaga 'to sa likod mo!" pasinghal niyang bulong.

"Cecil?!" tanong ko rito habang humahakbang ako palikod.

"The one and only, my sweet and innocent Isabela" nakakakilabot nitong sagot. "I know you know me. I'm glad Theo mentioned me to her little wife." bulong niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nito ang huling salita. "Oh, huwag kang magulat o magtaka. Siyempre alam kong nagpakasal kayo. Kelan pa ba ako nahuli sa balita?" nang aasar niyang tanong.

"Saan mo ako dadalhin?!" tanong ko sa kabila ng pagaalala ko para sa sarili ko, kay Theo at sa posibleng laman ng tiyan ko.

"Somewhere," aniya.

"Hindi ka makakatakas kay Theo!" may diin kong sabi. "At alam kong hinahanap na niya ako ngayon," dagdag ko habang kinakapa ang isang bagay sa loob ng bag ko. Ang hirap! Lalo pa't kinakailangan kong panatilihin sa braso ni Cecil ang isa kong kamay.

"Too bad, hindi ka niya maabutang buhay!" tawa niyang bulong sa 'kin.

Kinakabahan kong kinapa ang isang bagay na nasa loob. Halos tawagin ko na ang lahat ng nasa langit para lang matulungan ako sa kasalukuyang sitwasyon ko. Labis na lamang ang pag-asa na naramdaman ko nang nakapa ko ang hugis lipstick na bagay sa loob ng bag ko. Pasimple ngunit mabilis kong inalis ang takip nito sabay hawak ng mahigpit sa bagay na iyon.

"Paano ka nakasisiguro?" paghahamon kong tanong.

"Just because I will kill you first para pumunta siya sa 'kin. That man is a son of a bitch! Wala siyang karapatan na kunin ang akin!" pagalit niyang sabi.

Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko sa gagawin ko. I need to move fast! Isang segundo ng pagkakamali ko ang maaring maging dahilan ng kamatayan ko.

"Too bad, hindi mo iyan magagawa!" palaban kong sabi rito sabay hawak ng mahigpit sa kanyang braso at mabilis kong ipinilipit iyon upang mawala ang pwersa ng kanyang kamay na nakahawak ng kutsilyo. Nagawa kong sipain ang kanyang kamay kaya nito nabitawan ang kutsilyo. Nang ako na ang may kontrol, walang pagdadalawang isip kong isinaksak ang hawak kong maliit na kutsilyo sa kanyang balikat.

"Argh! Bitch!" sigaw nito sa 'kin nang lalo ko pang idiin ang kutsilyo. Nagmadaling tumakbo papalayo nang nakita kong nakarehistro na sa mukha nito ang labis na sakit.

"Theo!" sigaw ko, umaasang maririnig ako kahit pa nasa may kabilang bahagi siya ng lugar.

"Akala mo makakatakas ka!?" narinig kong sigaw ni Cecil kasunod nito ay ang biglaang pagdampi ng matulis na bagay sa braso ko.

Shit! Mahapdi! But I was lucky enough na daplis lang sa braso ang natamo ko mula sa pagkakabato niya ng kutsilyong kaninang hawak niya. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Sunod kong narinig ang putok ng baril. Lahat na halos ng bagay na malapit sa 'kin ay natamaan. I cannot die this way! At papaano kung buntis ako!? I cannot die!

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon