7

122K 3.1K 171
                                    

CHAPTER 7

Nagiging hobby na ni Theo ang halikan ako, at ako rin nagiging hobby ko na ang mabwisit sa sarili ko dahil nagpapaapekto ako.  Ayaw kong tanggapin sa sarili ko eh. Wala na ang first kiss ko.. pati second at third. Buti sana kung halik lang kinuha nya sakin! Pero hindi eh, pati sarili kong katinuan kinuha nya. Nababaliw na ako. Sana nga panaginip lang lahat ng to at sana magising na ako dahil isang bangungot na maituturing ang pagbuntot sakin ni Theo palagi.


Oo, lagi nya akong sinusundan. Hindi ako assumera pero nahahalata ko na kung nasan ako, palagi syang andun. Hindi ko alam kung anong trip nya pero malapit na akong mapikon. At ang masama pa sa lahat, alam ko sa sarili ko na malapit na akong bumigay. Pero habang nasa katinuan pa ako, lalabanan ko ang larong ginagawa ni Theo. Hindi ako papayag na maihanay sa mga flavors of the weeks nya.


Laking pasasalamat ko na nga ngayon na andito ako sa medyo may kalakihang library ng school. Hindi ko pa nakita si Theo na umaaligid sakin ngayong araw kaya naman sinamantala ko na iyon para makapagtago dito. Tahimik kasi dito, at malamang sa malamang ang isang city boy kagaya nya ay ayaw sa ganitong klaseng lugar.


Ipinatong ko ang bag ko sa mesa sabay labas ng mga libro ko. Gagawin ko na lahat ng assignments ko para mamaya sa bahay ay makatulong ako kay nanay.


Wala naman naging problema sa pagsasagot ko, pero may isa na kinakailangan kong kumukha ng ibang libro upang maging reference dahil wala iyon sa textbook na ginagamit namin. Iniwan ko ang lahat ng gamit ko sa pwesto ko dahil walang magtatangkang kukuha nun. Sino ba naman ang magnanakaw ng libro, notebook at ballpen? Wala rin naman akong cellphone tapos ang pera ko naman ay nasa bulsa kaya kampante akong hindi mawawala ang gamit ko.


Pinuntahan ko ang Math section ng library, nasa may pinakadulong bahagi iyon. Inisa isa ko ang mga topics doon hanggang sa narating ko ang pinakadulong bahagi ng pinakahuling shelf. Juice colored. Tatlong shelves ang inisa isa ko tapos ang kelangan ko lang pala ay andito sa pinakadulo? Ugh.


Seryoso akong nag babasa ng mga book titles nang nakaramdam ako ng paghigit sa braso ko sabay sandal sa pader. Masyadong mabilis ang pangyayari, itutulak ko sana ang taong iyon pero bigla na lang dumampi ang labi nya sa labi ko. Nanatili akong nakadilat habang sya naman ay nakapikita at unti unting ginagalaw ang kanyang labi.


Sinusubukan ko pa rin i-proseso sa utak ko ang pangyayari nang biglang may nagsalita sa di kalayuan, "Shit pare, nawala pa natin," Sabi ng isang barakong boses. "Tara, baka nasa taas!" Muli nitong sabi tapos ay sunod sunod na yabag ng mga mabibigat na paa ang narinig ko.


Kasabay sa pagkawala ng mga tunog na iyon ay ang pagkagat ng mariin sa labi ko na naging dahilan ng pagbalik ko sa reyalidad, buong pwersa kong itinulak ang lalaking humahalik sakin at agad kong pinunasan ang labi ko. Tinignan ko ito ng masama. Hinalikan ako ng isang taong hindi ko kilala! At nakangisi pa sya sakin ngayon!


"What? Don't tell me hindi mo nagustuhan?" Nakangisi pa nyang  tanong sakin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko muna. Pinaghalong galit, sama ng loob, pagtataka at pandidiri.  Gusto kong maiyak sa sobrang sama ng loob. At gusto ko lalong magwala dahil bakit hindi naman ganito ang nararamdaman ko kapag si Theo ang humahalik sakin? "Damn, lady, you taste good." Aniya sabay lapit ulit sakin.


Wala ang suka ko ngayon! Paano ko sya bubuhusan?! Isip, isip, Isa!


At nang nakaisip ako ng ideya, agad kong inayos ang sarili ko. Kahit takot, pinilit kong wag ipahalata iyon. Tinignan ko sya na parang gusto ko ang nasa isip nya at hinayaan ko syang lumapit sakin. Hinapit nya ako sa bewang at akmang hahalikan na nya ako nang dumapo ang tuhod ko sa pagkalalaki nya.


"You bitch!" Sigaw ng lalaki sa matigas nitong Ingles.


Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang tumakbo. Dali dali kong inayos ang mga gamit ko. Nanginginig kong pinapasok sa bag ko ang mga libro ko. Para akong hinahabol ng kung sino. Nakaramdam ako bigla ng takot sa pangyayari.



Tumakbo ako ng tumakbo, ni hindi ko na inalam yung direksyon na tinahak ko, hindi ko pinansin ang mag tao, gusto ko lang makalayo. Patuloy ako sa pagtakas hanggang sa may nabunggo ako.


"Sorry!" Nanginginig kong sabi.


"Isabela!" Nang narinig ko ang boses na iyon ay agad ko syang tinignan. Nakita ko bigla ang pagbago ng ekspresyon sa mukha nya. Para itong nanlambot. "God, angel. Shit." He cursed sabay yakap sakin. Hindi ko na naintindihan ang sarili ko dahil nang yakapin nya ako ay mas lalong bumuhos ang luha ko. I was scared. I felt so damn scared but being in his arms made me feel I was in the safe zone. "Tell me, angel, anong nangyari?" Tanong nito nang kumalas mula sa pagkakayakap sakin at tinignan ako.


Umiling lang ako dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin, ni hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin. Muli akong nanginig nang napagtanto kong nararamadaman ko pa ang labi nya sa labi ko. I feel dirty. Somebody else kissed me aside from Theo at hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay mali iyon.


"Your lips are red," Aniya sa seryosong tinig. Natigilan ako bigla. Hindi ko alam ang dapat kong isip o kaya sabihin. Gusto kong ipaliwanag sakanya dahil natatakot ako na isipin nyang nagpahalik ako sa iba pero naisip ko bakit ko kailangang gawin iyon? "Who kissed you?" Tanong nya. Naestatwa ako, hindi ko alam ang dapat sabihin. Binitawan nya bigla ang pagkakahawak sakin sabay hilamos ng kanyang palad sa kanyang mukha. "Damn, angel! Tell me who the fuck kissed you!" Pasigaw nyang sabi na naging dahilan ng pagtingin samin ng mga tao. Nanatiling tumutulo ang luha ko at hindi ko pa rin alam ang isasagot ko sakanya kaya yumuko na lang ako. "Or did you enjoy it, huh? You enjoyed it kaya ayaw mong sabihin!" Galit na sabi nya na ikinagulat ko. Akmang lalakad na sya palayo nang pinigilan ko sya.


"Theo! Hindi!" Sabi ko sabay hawak ko sa braso nya. Ni hindi ko alam kung bakit ko sya pinigilan, hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong magpaliwanag at hindi ko matanggap na ayokong iniisip nyang nakipaghalikan ako sa iba.


He glared at me. "Then tell me who the fuck kissed your lips," Maawtoridad nyang sabi. He was scary. "Are you going to tell me who kissed you or I will kill every guy in this fucking school?!" Nabigla ako sa sinabi nya.


Umiling ako. "Hindi ko kilala.... Nasa library ako, naghahanap ng libro tapos.. tapos bigla nya akong hinakikan tapos may ibang lalaki na may hinahanap.. hindi ko alam. Hindi ko alam. Pero hindi ko sya hinalikan, Theo. Hinalikan nya ako pero hindi ko sya hinalikan!" Sabi ko habang nanginginig sa sobrang takot at kaba. "Hindi ako nagpahalik sa iba!" I cried.


"Damn! I will kill that man!" Galit nitong sabi tapos ay akmang aalis ulit pero hinigpitan ko ang hawak sa braso nya na naging dahilan ng pagtingin nya sakin.


"Wag.. dito ka lang!" Maski ako ay nagulat sa sarili ko sa sinabi ko.


"Fuck!" He hissed sabay yakap sakin. "I'm here, angel and I would kill for your lips," 

The Lefevre Mafia (2): Owned by the Other Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon