Chapter 18 - Want vs. Need

264 7 8
                                    

"Ate Cassandra!" sigaw ni Darlene nang makita niya ako.

Pumunta ako sa orphanage ngayon dahil matagal ko na ring di nakikita ang batang 'to. 

"Hi, Darlene." sabi ko at sabay yakap sa kaniya. "Kamusta?"
"Okay lang po. Kayo po? Bakit wala po kayo nung isang linggo? Ate asan po ulit si kuya PJ?" tanong niya. Sobrang bilis muntik ko nang hindi maintindihan.
"Oh, dahan dahan lang Darlene. Tara, pasok muna tayo sa loob tapos gawin natin yung homework mo?"
"Sige po."  

Naglakad na kami papasok sa loob. Habang naglalakad ay sinagot ko ang mga tanong niya. 

"Pasensiya ka na wala ako nung last week ha. Busy kasi sa school eh."
"Okay lang po. Pero namiss kita ate kasi mas magaling ka mag-kwento ng story eh. Si kuya PJ kasi lingon ng lingon sa door kaya di kami matapos sa pagbabasa."

I chuckled. Sabi niya si Darlene pa ang distracted huh?

"Hayaan mo, dalawang story ang babasahin ngayon."
"Yey! Pero ate, asan si kuya PJ? Sinabi niya po sa akin last week pero nakalimutan ko po."
"May practice sila ngayon eh."
"Ganun po ba. Sige, ate tara na!" hatak niya sa akin papasok ng library. 

After almost two hours, natapos na namin ni Darlene ang homework niya at nakapag-basa na kami ng dalawang story. Pinag-merienda muna ang mga batak kaya pinapunta kaming lahat sa dining room.  Pagpasok ay nakita ko agad sina Megan at Paulo.

"Meg! Pau!" bati ko.
"Huy, Cassandra! Kamusta ka na?" bati ni Meg at niyakap ako.
"Wala ka last week ah? Kala ni PJ--" Simula ni Pau pero hinampas sya ni Megan. "I mean, akala naming lahat pupunta ka eh."
"Busy kasi sa school. Kayo kamusta?" Nagkamustahan kami pagkatapos ay tumabi na sa kaniya kaniyang bantay na bata. Habang kumakain ang lahat ay tumunog ang phone ko. 

From: Simon 08

Hi. Musta diyan? Miss ko na kayo. 

Cass, wag kiligin. Pinigilan ko ang sarili ko mag-reply.

-------------------------------------------------------------------------------

Napag-isipan kong i-surprise si Alodia sa chem. lab class namin. Nagpaalam na ko sa professor namin na gagamitin ko ang last 10 minutes ng class. Ang plano, uutusan si ma'am na hilain ni Alodia yung malaking periodic table na parang naka-roll at nakadikit sa wall. Hindi ko kasi alam ang tawag dun pero parang projector screen ang laki niya at kailangan itong hilain pababa para makita ang elements. Dinikitan ko ng cartolina yun ng mga pictures nya with SC through the years. 

I know, baka lalo siyang malungkot. Pero akong bahala. 

“Okay, class. Listen up! Go back to your seats.” sigaw ni professor Corpuz. Umupo naman sa kaniya kanyang upuan ang mga students. Nasa likod ang periodic table at ang surprise ko. “Nung nag-quiz tayo last meeting, puro mali yung mga elements na isinulat niyo sa papers niyo.”

Sabay sabay nag-react ang mga students. 

"Quiet!" sigaw uli ni prof. "4th year na kayo hindi niyo pa alam ang elements."

"Ano bang problema nito ni Ma'am? Diba ginaya lang naman natin sa book yung elements?" bulong ni Bianca. Okay, medyo dubious yung palusot ni ma'am pero it'll work. I hope so. 

"Alodia, can you roll down the periodic table. You guys have to learn the basic rules of balancing."

Tumayo si Alodia at pumunta sa likod ng class. Dahan-dahan niyang nirolyo ang periodic table poster. At tumabad na ang blue cartolina na punong-puno ng pictures.

"Wha...." lumingon siya ulit kay ma'am, sa classmates then sa akin. "How dare you?! Ipapaalala mo pa sa akin na wala na ko SC?"

"No, no. Hind yun yung point niyan." I stood up and went to back of the class. "That's a tribute to your contributions in the SC." She relaxed a little bit so I continued. 

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon