I woke up to a head shattering headache.
Sobrang sakit pa sa mata nung sunlight. Tatayo sana ako para isara yung binatana pero hindi ko rin kinaya sa sakit ng ulo ko. Napahiga ulit ako. Dahan dahan kong binuksan ulit yung mata ko.
Nasa ibang kwarto na naman ako.
At hindi familiar ang kwartong 'to.Tumingin ako sa katawan ko. Nakadamit pa naman ako. Maya-maya may pumasok. Si stranger, I mean si Alden.
"Good morning, damsel!" Bati niya.
"Oh, god. Please, wag kang sumigaw." Sabi ko at napahawak ako sa tenga ko.
Tumawa siya. "Hindi ako sumisigaw. Hangover yan. Iinom-inom ka, di mo pala kaya."Umupo siya sa tabi ko at feeling ko umalog ang buong mundo ko sa sakit ng ulo.
"Wow, hangover nga." Tinakpan ko ang mukha ko ng unan pero kinuha niya 'to.
"Ops, ops. Pwedeng magbihis ka muna? Ang baho mo." Sabi ni Alden.
"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Magbihis ka muna."
"Ano ngang ginagawa ko dito?"
"Magbihis ka muna."Mukhang nakahanap na ko ng katapat ko sa pagiging stubborn.
"Fine. Paano ako magbibihis?" Tanong ko.
"Inconvenience ka talaga. May shirt ako dito." Tumayo siya at pumunta sa isang cabinet. "Kahit yun lang palitan mo. Baho mo na, sobra."
"Oo na, oo na." Dahan dahan akong tumayo at tinuro niya ang C.R. Iniabot niya rin sa akin ang isang t-shirt.Naghilamos ako at nagmumog. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Miserable.
Humarap ka nang ganiyan sa ex mo? Sa ex mong iniwan ka? Pinagpalit ka kaagad?Unfortunately, ang vivid ng memories. Naalala ko yung mga nangyari kagabi. Except for the part na napunta ako dito. Nagpalit ako ng damit at lumabas ako ng CR at bumalik sa kama kung saan andun si Alden gumagamit ng laptop.
"Ok lang ba pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Nope."
Natawa siya. "May mga tanong ka ba?"
"Madami." sagot ko.
"Fire away."
"Paano ako napunta dito?"
He sighed. "Eh di dinala kita dito."
"Ano nga nangyari?"
"You passed out last night. Eh hindi ko naman alam kung saan ka dadalhin. Alangan iwan kita sa Flare."
"Hindi...hindi involved si PJ dito?"
Tumingala siya mula sa laptop niya. "Bakit, gusto mo ba si PJ ang tumulong sa'yo?"
"Just answer the question." Sagot ko at tinignan siya ng masama, which by the way, ay sanay na siya.Binalik niya ang tingin sa laptop niya. "Nope. Hindi siya involved. Ako lang 'to. Nag-taxi tayo."
"Thank you?" Sagot ko pero patanong rin dahil hindi ko alam kung dapat ba talaga ako magpasalamat. He is still a stranger, after all.
"Aba, dapat lang."
"Tapos...wala nang nagyaring iba?"
"Gusto mo?" He winks at me.I guess he's back to old, flirty Alden.
"Alden pala pangalan mo?"
"Wow, nice one Damsel. Naalala mo lahat ha? Eh yung--"
"Yes, lahat-lahat. Naalala ko. Let's not."
"Alright." He raises his hands in surrender. "Uh, the news is all over the net."
"Anong news?"
"Na break na kayo ng pinsan ko."
Natawa ako. "Ngayon lang kinalat ni Queen? Halos three weeks na ang nakalipas nung nag-confront kami ni Elizabeth ha."
"Sinong Elizabeth?" Nagtatakang tanong ni Alden.
"Anyway, anong oras na?"
"9:30 am. Monday nga pala, FYI."
"Wha--may pasok ako ngayon!" Sigaw ko at lalong sumakit ang ulo ko.
"Woah, relax, damsel."
"Cassandra." Sabi ko at umupo ako sa dulo ng kama niya para mag-suot na ng sapatos.
"Ano?"
"My name's Cassandra."
"Alam ko. Binanggit na ni PJ kagabi diba."
"Eh bakit mo pa rin ako tinatawag na damsel?"
"Because you are one. You're a damsel in distress."Binato ko siya ng pillow pero sobrang lame dahil wala akong lakas.
"Bakit hindi ka na lang pumasok at magpahinga dito?" Tanong niya nung nasalo ang unan.
"Tempting."
"I heard na ilang araw ka nang hindi ka pumapasok so bakit hindi mo pa ituloy ngayon?"
"Kanino mo naman narining yan?"
"Huh? Uh, diba, ano, kinuwento mo kagabi."
"Kailan?"
"Nung ano...nasa tapat tayo ng Bash. The point is! The point is mag-stay ka na lang dito at magpahinga. Wala ka ring magagawa kung papasok kang ganiyan."
![](https://img.wattpad.com/cover/19048007-288-k761541.jpg)
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
Fiksi PenggemarWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...