The next day, nagsend ako ng message kay Bianca sa Facebook tungkol sa game on Wednesday. Of course, she said yes. I texted PJ para sabihing game kami sa Wednesday at isasama ko nga si Bianca at magco-commute kami. As expected, hindi siya pumayag. Susunduin niya daw kami at ihahatid. Sabi ko naman na i-meet na lang niya kami sa parking na pinaghatiran niya sa akin dati, sa Gateway mall. Finally, pumayag na siya pero he insisted na ihahatid niya kami pauwi mismo sa bahay.
Wednesday arrived and I was beyond excited. Una, ito ang first game na mapapanood ko ng live. Pangalawa, PJ wanted me there. Lunchtime pa lang ay dumating na si Bianca dahil gusto rin namin makapag-kwentuhan tungkol sa Baguio weekend. Pero hindi ko na sinabi yung tungkol sa incident… si Drew lang ang nakakaalam nun and ngayon pati na rin si PJ.
“Alam mo, ngayon na lang kita ulit nakitang ganiyan mag-kwento.” Bianca said pagkatapos ng pagdaldal ko.
“Huh? Anong ibig mong sabihin?”
“Well, alam mo na. Yung nangyari with...you know.”
“Kay Jay freaking Cordova?”
“Yes! Mula kasi nung nangyari kay Cordova, parang may nagbago sa’yo. Yes, ikaw pa rin yung same Cassandra na bubbly at brainy pero may nag-iba eh.”
“Ano nga?”
“Ewan ko? Parang nung nawala siya, nawala din yang twinkle o shine sa mga mata mo.”
I laughed. “Twinkle? Twinkle talaga?”
“Shut up. You wouldn’t know kasi kami naman ang nakakapansin eh.”
“Talaga?”
“Yup. Kaya masaya ako na you are 100% happy. At who knew, si PJ pala ang magbabalik nun?”
“Huy! Anong si PJ?”
“Most of your stories involved him.”
“Yes, pero hindi lang naman siya. Itong buong opportunity na ‘to ang masaya. I got to meet new people.”
“Andun na ko, pero wag mong sabihing hindi ka kinilig sa mga moments niyo?”
“Ang hypocrite ko kung sinabi kong hindi.”
“See! Sabi ko na--”
“Yes, B. Oo kilig yun. Pero ayoko. Gusto ko nga siyang makilala as the--”
“The PJ from outside the basketball court? Ganun ba?”
“Oo.”“Pero despite your efforts, mas nagugustuhan mo siya?”
“I hate that you know me so well.”
“Kaibigan kita eh.”
“Oo, mas nagugustuhan ko siya kasi mas nakikita kong tao siya. Hindi lang yung star.”
“Hindi mo ba naisipang iwasan?”
“Bianca, you know I’ve tried that with Jay. Actually, with all the guys na nagustuhan ko. Lahat sila iniwasan ko noong una kasi ayokong ma-fall. Pero dun naman lagi ang bagsak ko.”
“See, then don’t fight it.”
“Anong wag? Hindi ako pwedeng ma-fall sa kaniya. Siya ang definition ng impossible. Kung sa ibang lalaki dati hindi ako pwedeng ma-fall, mas lalo sa lalaking ito. Ewan ko. Pag iniwasan ko, hindi effective. Nakakatakot rin namang hayaan ko lang.”
“Eh paano kung hayaan mo lang muna kasi hindi ka naman sure kung totoong nagugustuhan mo siya ngayon dahil crush mo na talaga siya dati?”
“Pwede.”
“Well, cheer up na at magbihis ka na. Malapit na mag- six pm. Kailangan maganda suot mo dahil mami-meet natin si Chris Ellis ngayon!”I just laughed.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
I wore a blue cardigan while Bianca’s wearing a red top. Blue for San Mig and red for Ginebra. We’re clashing in colors. Pumunta na kami sa Gateway parking para i-meet si PJ. On time naman siya dahil nakita ko na ang kotse niya. Bumaba siya at binati kami.
“Hi, Cassie”
Bianca looked at me and arched an eyebrow. It’s because of the nickname. Ayaw ko naman talaga nung Cassie. Parang pambata pero when he started calling me that, I ended up liking it. Or maybe I’m biased.
“Hi, PJ. Ito pala yung friend ko si Bianca.”
“Hi, Bianca”
“Uh...hi, PJ. Wow kahit pala Ginebra fan ako nakaka-tense pa rin makita ka in person” PJ just laughed it off.
“Uh, tara na? Baka ma-traffic tayo eh.” He said. Tinulak ako ni Bianca sa harap para umupo at pinag-buksan naman ako ni PJ. On the way to the arena, si PJ at Bianca ang mostly nag-uusap.
![](https://img.wattpad.com/cover/19048007-288-k761541.jpg)
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...