Espesyal ang araw na 'to ngayon.
Dahil birthday ko AT first monthsary namin ni PJ. Ang bilis ng araw!
Kaya nga lang, hindi ako sigurado kung sini-celebrate niya ba yung mga ganung kakornihan. Oo, corny yung monthsary-monthsary na yan kasi parang high school pero hindi ko kasi naranasang mag-celebrate dahil hindi naman nagiging official yung 'relationships' ko. Ayoko namang unahan si PJ kasi nakakahiya dahil baka hindi uso sa kaniya yun. Kaya hinintay ko na lang siya buong araw na batiin ako.
Tumawag siya nung midnight. Yun nga lang ay para batiin ako sa birthday ko. Siyempre, masaya ako na tumawag siya pero wala naman siyang binanggit dun sa monthsary thing. I guess, hindi talaga niya gawain yun. Hindi ako na-disappoint. Hindi talaga. Okay, konti. But I can't hold that against him.
Kumakain kami ng mga kaibigan ko sa isang resto malapit sa school at siyempre, libre ko dahil nagka-asaran na. Well, tradition naman yun sa barkada. Kahit wala ka pang pera, kahit fishball man lang ay dapat manglibre ka. Nag-reregalo naman kami sa isa't isa. Si Maricar at Ian, as usual, magkasama na yung gift nila.
"Ang daya ng ganiyang set-up." Sabi ni Bianca nung iniabot sa'kin ni Maricar yung gift.
"Bakit naman?" sabi ni Ian habang naglalagay ng inumin sa baso niya.
"Eh siyempre, nakakatakas ka." Sabi ni Josh.
"Oo nga, pre. Malamang si Maricar lang yung pumili, bumili at nagbalot ng regalo niyo." sabi ni Drew.
"Oy, oy! Kung maka-accuse kayo." sagot ni Ian.
"Bakit, hindi totoo?" tanong ko naman habang binubuksan yung regalo nila.Natawa na lang si Maricar dahil natahimik ang boyfriend niya.
"Thank you, Maricar!" bati ko. Niregaluhan niya ako... rather niregaluhan nila ako ng bookends.
Alam kasi nilang nag-uumapaw na ang mga libro sa bahay at patong-patong na ang mga 'to sa desk ko.
"Oh, oh. Ako naman." sabi ni Bianca at iniabot sa akin ang isang paperbag. Pagbukas ko ay naglalaman ito ng blue flats.
"Woah, Biancs. Sapatos talaga?" Sabi ko.
"Para terno tayo! Magagamit mo rin yan sa practicum mo next semester." Naka-ngiting sagot niya.
"Salamat!" sabi ko at niyakap ko siya.
"Oh, ako next. " sabi ni Josh at nag-abot naman ng isa pang paperbag. Ang laman pala nito ay isang "World's Greatest Teacher" na mug.
"Thanks, Joshie! Pressure sa 'world's greatest' pero salamat pa rin." Natawa na lang siya.
"Oh, ako naman." Simula ni Drew. "Save the best for last."Akala ko ay kukunin na niya yung paperbag sa tabi niya pero may kinuha siya sa backpack niya at iniabot sa akin ang isang notebook.
"Uh..ano 'to?" tanong ko. Binuklat ko yung notebook dahil baka may letter pero wala naman. Notes niya lang sa klase. "Drew?" tanong ko ulit.
"Diba absent ka sa class nung isang araw dahil sa emergency meeting ng Student Council?"
"Oh...tapos?"
"Yan na yung gift ko. Para makapag-catch up kasa lessons."Natawa kaming lahat.
"Loko! Pero...uh, salamat?" sabi ko habang natatawa. "Pa-photocopy ko mamaya. Salamat sa regalo mo pero ikaw rin ang dahilan kung bakit naka-miss ako ng klase. Kung ikaw pa rin ang president..."
Natawa siya. "Biro lang naman. Siyempre hindi lang yan."Kinuha na niya yung paperbag sa tabi niya at iniabot sa akin. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang t-shirt. Binuklat ko ito at tumambad sa akin ang "San Mig Coffee Basketball 8" na logo.
"Sorry, wala kasi akong mahanap na Purefoods kasi kakapalit pa lang ng pangalan nila pero ayan, para may masusuot ka na pag-nagsimula yung games next week. Dapat may attire ang fangirlfriend diba." sabi niya.
Hindi ako makapaniwala, sa kaniya pa nanggaling ang gift na 'to.
"Drew...you didn't have to."
"Psh, I had to. Yan yung mark na talagang...somehow, masaya ako para sa'yo Cass."
"Awwww." Sabi ni Maricar.
"Grouphug!" sigaw ni Ian at kahit mahirap mag-grouphug ay na-manage naman namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/19048007-288-k761541.jpg)
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...