Monday.
6 days to go until PJ gets back here in Manila.Pumunta ako sa bahay nila Drew dahil...well, namiss ko naman pumunta sa kanila. I also helped him pack a few things dahil sa Saturday na ang alis niya papuntang Singapore.
Yung isang lalaking importante sa akin, aalis sa Saturday.
Pero yung isang lalaking mas importante, babalik naman sa linggo.Roller coaster pala ang emotions ko ngayong weekend.
"So, nakita mo na ba kung saan ka titira?" tanong ko habang nag-tutupi ng t-shirt niya. The Beatles na T-Shirt na regalo ko sa kaniya nung 15th birthday niya.
"Yup. May mga dorms naman sila sa loob ng campus." Sagot niya.
"Drew, kasiya pa ba sa'yo to?" tanong ko at pinakita sa kaniya yung Beatles shirt.
"Actually, hindi na." Umiling si Drew.
"Oh, bakit mo pa dadalhin? It'll just take up space." Ibinato ko sa kaniya ang shirt.
"Well, I like this shirt. She's already taking up too much space in my heart."Napatigil ako sa pagtutupi. "Hindi na yung t-shirt yung tinutukoy mo no?"
He laughs. "I'm sorry. Hindi naman kasi ako nabigyan ng chance na bumanat ng mga ganung lines. Inuubos ko na ngayon."
I sighed. "Mamimiss pala talaga kita."
"You better."
"Anyway, nakilala mo na yung roommate mo?"
"Yep!" He says with so much enthusiasm. "Ang cool nga ng system nila. Binibigyan ka ng information ng roommate mo even before the classes start. Kaya mare-research mo na kung killer ba siya o ano."
I laughed. "Loko, ginamit mo pa yung word na 'research' when you mean stalking."
"Sabi nga sa internet, stalking is really just intensive research on an individual."
"Research man yan o stalking, nakita mo nga ba kung killer siya?"
"Fortunately, hindi siya killer. Unfortunately, Heat fan siya. Eh Spurs ako."
"Ooooh, conflict na kaagad."
Natawa siya. "You'll be fine here, Cass?"
"Huh?" Napatingala ako mula sa pagtutupi.
"Magiging okay ka lang ba dito na wala ako?"
"Andrew, hindi sa'yo umiikot ang mundo ko." Birong sagot ko.
"Unfortunately."
Binato ko siya ng isang t-shirt. "Talagang goal mong ubusin yang ka-cheesyhan bago ka umalis ha?"
"Hindi, hanggang dun na lang." Sagot niya habang naka-ngiti.
"Pa-deliver ka pizza, Drew. Just like old times."
"Just like old times? Tapos ako na naman magbabayad?"
Natawa ako. "Oo naman. Hindi na old times yung kung ako magbabayad."
Binato naman niya ako ng isang shirt. "Kapal mo, Cass! Aalis na lang ako, iisahan mo pa ko."
"Fine!" Sagot ko. "Fine, ako na magbabayad. Tawag na dali baka magbago isip ko."Dali-dali namang tumakbo papunta sa telepono ang loko.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Wednesday.
Four days to go until he gets back here in Manila.Nag-uusap na ulit kami ni PJ pero...pakiramdam ko inaabala ko siya. Laging short replies lang yung natatanggap ko galing sa kaniya at hindi rin naman niya tinatanong kung kamusta ba ako o kung ano man.
Ayoko naman i-pressure siya at mag-demand ng kung anu-anong questions lalo pa't nasa malayo siya.
Sobrang bigat sa pakiramdaman naman nito!
"Cass, naka-isangdaang buntong-hininga ka na yata diyan." Sabi ni Bianca.
Nakatambay kami sa Central Quad dahil maaga natapos ang klase namin.
"Sorry." Sagot ko.
"Tara na nga." Tumayo siya at kinuha ang bag ko.
"Saan naman?" Tanong ko.
"Ewan ko. Sa mall. O kung saang lugar na hindi mo na maiisip si PJ para hindi ka nalulungkot diyan."
"Is that possible?" Sabi ko habang nakatingin sa mga daliri ko.
"Cass, please. You need a distraction. Tara, nood tayo movie. Yung nakakatakot. Siguro naman, hindi na si PJ ang maiisip mo dun."
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
Fiksi PenggemarWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...