Of course, I overslept. Late na akong natulog dahil sa kaka-internet at kaka-blog ng kung anu-ano. Pero by 12:30 p.m. naka-bihis na ako. Nag-text si PJ na nasa labas na daw siya ng bahay. Matapos kong siguraduhing nakapatay na ang mga appliances ay lumabas na ko.
Pero nagulat ako nung nakita kong may kasamang babae si PJ.
"Simon!" Tawag ko kay PJ at napalingon naman sila nung babae sa direksiyon ko. Tumawid ako papunta sa kotse kung saan silang dalawa nag-uusap. Si PJ, parang komportable naman. Nakasandal siya sa hood ng sasakyan niya at ang mga kamay niya ay nasa pockets ng pantalon niya.
"Hi." Bati ni PJ.
"Tara na. Baka ma-late tayo." Lumingon ako sa babaeng katabi niya. "Hi at bye, Tere."
"Ca-Ca, hindi mo naman sinabi na kilala mo pala si PJ Simon!" Bati ni Tere.
I sighed. "PJ, si Teresa, anak ni mang Popoy." Nakipagkamay naman si Tere kay PJ.
"Alis na kami, Tere." sabi ko at hinatak na si PJ.
"Sandali, Ca-Ca! Kwentuhan muna tayo." tawag ni Tere.
"Tere, may pupuntahan nga kasi kami." sagot ko naman.
"Cassie, okay lang naman. Siguro maiintindihan naman ni--"
"Hindi." Pinandilatan ko si PJ. "Diba, urgent yung pupuntahan natin? Sobrang urgent. Tsaka, may trabaho pa si Tere. Diba, Tere?"
Nag-pout naman si Tere. "Sayang. Next time na lang ha, PJ?"Next time na lang ha, PJ. I tried to copy her voice in my head.
Annoying.
I used up all my willpower not to roll my eyes at her. Tumango naman sa kanya si PJ."Una na kami." Sabi ko at tinulak ko na si PJ papunta sa harap ng pinto ng sasakyan niya.
"Bye, Teresa." Bati ni PJ.Nang makaalis na kami sa street namin ay nagtanong na ko.
"Kanina pa kayo nag-uusap nun?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman. Wala pang five minutes nung lumabas ka."
"Anong tinanong niya?"
"Wala naman."
"Wala? Wala talaga?"Madaldal si Tere, imposibleng walang tinanong yun.
"Tinanong niya lang kung bakit nandun daw ako. Sabi ko, may hinihintay lang. Hindi ko naman alam na magkakilala kayo." sagot niya.
"Ganun ba."
"Yun yung sinasabi ni mang Popoy na anak niyang pangit yung boyfriend?"
I chuckled. "Oo, naalala mo pa?"
"Bihira ko kasing marining ang isang tatay na nilalait yung itsura ng boyfriend ng anak niya."
"Well, lasing kasi sila nun."
"Pero pangit talaga boyfriend niya?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? May balak kang palitan?"
Natawa naman siya. "Nagtatanong lang. Bakit ba ang init ng ulo mo? Gusto makipag-usap sa'yo ni Teresa, pero ayaw mo. Ikaw talaga....Ca-Ca."
Hinampas ko siya. "Yuck. Wag mo nga akong tawagin ng ganiyan."
"Bakit? Ayaw mo ng Ca-Ca?" He laughs again.
"Isa pa ha. Ibaba mo na lang ako kung ganiyan."
"Biro lang. Bakit nga Ca-Ca tawag niya sa'yo?"
"Tinatanong pa ba yan? Cassandra pangalan ko diba? May problema ata siya nung bata kami at hindi niya ma-pronounce yung S noon. Kaya ayan, Ca-Ca lang."
"Hanggang ngayon yung tawag niya sa'yo?"
"Oo. Pero minsan ko na lang naman siya makita."
"Childhood friends pala kayo."
"I wouldn't call it as friends." I mumbled.
"Ano? Bakit?" tanong ni PJ.
"Hindi naman kami friends as in friends. Sure, lagi kami naglalaro nun pero lagi niya akong inaaway. Ang bossy pa. Minsan inaagaw yung mga gamit ko."
"Anong nangyari?"
"Ayun, nung napansin ni mama na lagi akong wala sa mood pagkagaling sa bahay nila or pag siya yung pumupunta sa amin, medyo nilayo na ko sa kaniya. Napansin rin kasi nilang may attitude."Natawa at napatango na lang si PJ.
Of all people, si Tere pa ang makakakita sa kaniya. Ewan ko ba bakit ang init ng dugo ko dun. Siguro nga dahil sa childhood friendship trauma na binigay niya sa akin. Buti na lang hindi ako na-trauma nang tuluyan at hindi nakipag-kaibigan sa mga tao.------------------------------------------------------------------------------------------------
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa orphanage ni Sir Pascual. Matagal-tagal na rin nung huli kaming nagsama dito. At matagal-tagal na rin simula nang makita ko sina Megan.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanficWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...