"Masaya naman ako para sa kanila. Ang hindi ko maintindihan, bakit kailangan kong sumama?" Sagot ko habang inaayos ni Bianca ang buhok ko.
Pinuntahan niya ko dito para pilitin akong sumama sa Engagement Party nila Ian at Maricar. Nag-propose na daw kasi si Ian kay Maricar nung birthday ni Maricar. And now, their parents are holding an engagement party for the two.
"Kailangan andun ka kasi...well, apparently, ikaw daw yung dahilan kung bakit nagkakilala yung dalawa." She says as she sprays a hair chemical on my hair.
"Ako? Lumipat lang naman ako ng upuan nun ah."
"Exactly. Kung hindi ka daw nagpalipat ng upuan noon, baka hindi sila naging close. Literally and figuratively."
"Ugh. Ang corny. Tapos gusto pa nila ako mag-speech? Ano bang feeling nila, cupid of their dreams nila ako?"
"Cass...alam ko may pinagdadaanan ka at--
"At wala ako sa mood mag-party." Mahinang sagot ko.
"Pero dapat andun tayo. Para kay Maricar at Ian. Magical moment para sa kanila 'to."
"Engagement lang naman."
"Cass naman."
I sighed. "Fine."
"Paano yung speech mo?"
"Madali lang yun. Congrats, congrats. Tapos ikukwento ko yung sinasabi nilang moment na nagkakilala sila."
"Okay. Ngayon, tignan mo na yung sarili mo."I guess, deep inside. Gusto ko na talagang sumama, kasi hindi naman ako papayag na mag-ayos kung hindi.
Humarap ako sa full-body length mirror. I am wearing a cocktail dress. Violet ang favorite color ni Maricar so ganun din ang dress na pinili ni Bianca. Actually, parang ambush ito dahil ngayong araw lang sinabi ni Biancs ang tungkol dito.
"Well, what do you think? Nagustuhan mo ba yung hairstyle mo ngayon? Yung make-up? Eh yung shoes--"
"Biancs. Thank you." I smile at her.
She sighs. "The outside doesn't reflect the inside."
"Thank you pa rin sa pag-aayos mo."
"Hay, tara na nga. Baka mahuli tayo."Together we went to Aberdeen Court in Quezon City. Grabe talaga, parang wedding reception na ang peg nila dahil sa hotel pa ginanap ang party. Hindi na ko magugulat kung right after graduation nila Ian, didiretso na sila sa church para sa totoong kasal.
"Cassandra, Bianca!" Bati ng mama ni Ian na nag-aabang sa pinto para sa mga guests.
"Hi, tita Donna." Sabi ko sabay beso at ganun rin ang ginawa ni Biancs.
"Well, you two look beautiful. Sige na at maupo na kayo. The event's about to start. May sariling table kayo nila Joshua. Sayang nga lang ay wala si Andrew, ano?"
"Sayang nga po." sagot namin ni Biancs.We went to our table kung saan naghihintay na si Josh na mukhang naco-consious dahil puro kamag-anak ni Maricat at Ian ang nandito.
"Buti dumating na kayo. Kanina pa ko nag-iisa dito. Kung sinu-sinong tita na ni Ian o Maricar ang lumapit sa akin." Sabi ni Josh.
"If I know, kinilig ka." Sagot ko at tumingin siya ng masama sa akin.
"Kapag may klase wala ka daw, pero pag party, present ka?" Ganti naman ni Josh.
"Guys, stop it." Sabi naman ni Bianca. Ever the logical one. The referee.May mga waiter na umiikot at nagbibigay ng drinks. Habang nagchi-chikahan si Josh at Bianca, inutusan ko yung isang waiter na dalhan ako ng drink...if you know what I mean. I just need a push dahil magi-speech ako mamaya. And this alcoholic drink will hemp me. I...also need to numb the pain. Lalo yata akong nasasaktan dahil nasa ganitong event ako. Celebration of a couple's love.
A few minutes later, nagsimula na ang event. Pumasok na si Ian at Maricar. Ian's wearing a tux while Maricar's wearing a floor-length dress.
Over the top na talaga, I think as I drink my 3rd glass of vodka with whiskey.
"Cass, ang ganda ni Maricar no--sandali, bakit parang namumutla ka?" Sabi ni Bianca.
"Huh?" Tanong ko.
"Ano yang iniinom mo?" Inamoy niya yung glass ko. "Ano 'to? Vodka?"
"Maybe?" I say and I giggled.
"Whiskey?" Dagdag na tanong ni Bianca.
"Cass, kaya mo ba yan?" Sabi ni Josh.
Tinignan ko siya ng masama. "Sino naman nagsabing hindi ko kaya?"
"Dahil hindi ka naman talaga umiinom?" Sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...