Chapter 11 - By two's

415 5 3
                                    

“Astrid?”

“Cassie?”

I looked up and saw a familiar face. I ran to him and hugged him. I’m crying so hard now. Siya naman, hinahagod yung likod ko.

“Tahan na, andito na ko.” sabi niya.
“PJ…” I tried to stop myself from crying. Mukha siguro akong engot sa harap nito dahil umiiyak akong parang bata.
“I’m sorry. Di ko napansin na wala ka na sa likod ko.” He whispered as I hug him tighter. Sobrang takot na takot akong mawala na naman siya. “Halika na, uwi na tayo.”

I just nodded as he wiped my tears. Nag-antay kami ng taxi at medyo mahirap maghanap dahil maraming taong nag-aantay rin. Habang naghahanap ay hinawakan niya ang kamay ko. I felt more relieved kahit medyo nanginginig pa ko. Maya-maya pa nakapara siya ng taxi at sumakay na kami.

“Cassie, sorry talaga. Sinubukan din kitang tawagan pero lowbatt na nga pala phone mo. Binalikan ko yung mga dinaanan natin pero wala ka. Dun siguro tayo nagkasalisi?”
“Siguro nga. Baka nasa loob ako ng isang store nung dumaan ka. Sorry, hindi mo siguro ako narining nung tinawag kita.”
“Nanginginig ka pa rin…” simula niya
“PJ, please. Huwag mong sasabihin kay Drew ang nangyari. Please.” I trembled as I told him.
“Cassie, sabihin mo sa akin. May nangyari ba nung nagkahiwalay tayo?”

I shook my head and tears start to fall.

“Manong, pasensiya na po, sa Carrie’s diner na lang tayo.”
“Wait, bakit?” tanong ko kay PJ.
“Kung itatago mo ‘to kay Drew, dapat wag muna tayong umuwi.”
“Ayoko sa Carrie’s. Sa ibang lugar na lang.Sa tahimik na lugar.”
“Baguio Cathedral? Okay lang?”
“Okay.”
“Manong, sa cathedral po tayo.”

Akala ko dahil halos alas-nuwebe na, sarado na ang simbahan. Buti na lang hindi pa.

“Cassie, bakit takot na takot ka kanina? Gusto mo bang pag-usapan?”

Ayokong pag-usapan kasi babalik na naman yung mental images. Pero a part of me tells me that talking about it will help.

“Okay lang kung ayaw mo, Cassie.”
“Nung nawala ka kanina…” simula ko. “It triggered a painful memory. Akala ko na-block ko na yung memory na yun. When I was 7 years old, ang pamilya ko kasama ang pamilya ni Drew ay pumunta sa isang fair o perya.” I paused and looked at him.
“Akala ko nung high school lang kayo nagkakilala ni Drew?”
“No, that’s a lie. That’s information we’d like to keep to ourselves, kasi nga pag naalala namin ang childhood namin, hindi maaaring mangyari yun na hindi naalala yung incident na sinasabi ko. Besides, halos tatlong buwan ko lang yata naging playmate si Drew dahil pagkatapos ng incident ay lumipat ng bahay ang pamilya nila. Pagkatapos noon ay nagkataong parehas kami ng high school.”
“Ganun ba? Cassie...hindi mo kailangang ikwento ‘to kung di ka komportable” sabi ni PJ.
“Okay lang. So pumunta nga kami sa isang fair. Siyempre, Sunday nun at summer kaya naman ay maraming tao. Gabi kami pumunta dahil may fireworks daw sa gabi. Pagkatapos namin sumakay ng mga rides ay nag-picturan ang parents namin. Inutusan nila si Drew na kunan sila ng picture. Nung una tumitingin-tingin pa ko sa mga kuha ni Drew. Nakakaaliw kasi parang bata rin ang mga magulang namin kung maka-pose. Enjoy na enjoy. Maya-maya, naghanap ako ng maiinom. Dahil busy pa ang mga parents namin at si Drew, nagtingin-tingin ako sa mga tindahan kung ano ang pwedeng mabili. May bary naman ako, that time akala ko sapat na”

Nagsisimula na manginig ulit ang kamay ko.

“Pagpunta ko sa isang tindahan, nakita ko na binibenta ang paborito kong juice. Pabalik na sana ako sa mga magulang ko at kina Drew nung namatay ang ilaw sa perya. Nagsigawan ang mga tao at nag-panic na nga. Tinawag ko ng tinawag ang parents ko. Sobrang dilim at sobrang sikip. Maya-maya pa, nagkailaw na. Pero nasa ibang parte na ko ng perya. Alam ko ‘to kasi hindi pa kami nakakasakay sa rides sa side ng peryang yun. Maya-maya…”

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon