We all sat in silence as we approach the Manor hotel. After magpa-picture nung mga babae, nag-aya nang umuwi si Megan kasi pagod na daw siya. I have a feeling na parang sini-save lang niya si PJ from explaining things to me. She's saving us from the 'awkward moment', kahit na awkward na talaga. I think, iniisip nilang lahat na hindi ko kilala kung sino si PJ talaga. Kilala ko naman kung sino siya pero parang gusto ko rin umiwas sa situation na ‘yun. Hindi ko alam kung bakit.
Pagdating namin sa entrance ng Manor ay nakasalubong namin si Sir Pascual at Ate Lenny. Sinabi niyang pwede daw kaming pumili kung saan kami kakain ng dinner dahil okay lang daw na hindi magsabay-sabay ang volunteers tonight. Pero ang totoo daw niyan ay anniversary nila ni Ate Lenny kaya naman gusto niyang ma-solo. Ka-sweet.
“Osha, guys, mauna na kami. See you all tomorrow morning” bati ni sir Pascual.
Paakyat na sana ako sa room ko nung nagsalita si PJ.“Cassie?”
Lumingon naman kaming lahat sa kaniya kahit ako lang naman yung Cassie sa grupo. Pero si Drew, nararamdaman kong sa akin lang nakatingin.
“Bakit?” tanong ko kay PJ. Nasa baba siya ng hagdan papasok ng lobby samantalang kami nasa top step na. Nakatayo lang siya dun at yung mga kamay niya nasa pockets ng pants niya.
“Samahan mo ko mag-dinner? Uh... kayo ni Andrew?” aya niya.
Well, I have a feeling na mage-explain na siya. It’s sooner or later naman eh. Kung humindi ako ngayon, ang awkward naman kung mag-pretend akong wala man lang akong ni isang tanong tungkol sa photo op. na yun. Tinitignan pa rin ako ni Drew and finally, I looked back at him.
“Uh, PJ, kayo na lang ni Cass. Medyo napagod din ako sa biyahe at sa boat ride eh.” sagot ni Drew pero sa akin lang siya nakatingin. Parang may unspoken words between us.
“Ah, okay sige. Cassie?” tanong ulit ni PJ. I broke the eye contact with Drew.“Sige. Pero ako pipili ng kakainan” sagot ko.
------------------------------------------------------------------------------------
I chose Hill Station. Thankfully, walang masyadong tao sa resto na ‘to kaya naman ay wala (sigurong) magpapa-picture kay PJ. Walang nagsalita during the taxi ride hanggang sa pag-order ng pagkain. Pagkatapos kunin ng waitress ang order namin ay nagsalita na si PJ.
“Sooo...” simula niya.
“Sooo…”
This has become our thing. Ay sandali... baka naman tulad ‘to sa Carrie’s. Ay sandali, bakit kailangan magkaroon kami ng sariling “thing”, ha Cassandra?
“Cassie?”
“Ay, bakit?”“Tinatanong ko kung okay ka lang ba?”
“Oo naman? Ikaw, okay ka lang ba?”
“Okay lang. So…”
“So…”
“May...gusto ka bang itanong sa akin or…”
“May dapat ba kong itanong?”
“Hindi ka nagtataka bakit may mga nagpa-picture sa akin kanina?”
“Hindi. Naisip ko lang baka na-pogian sa’yo”
Oops.
“So, sa tingin mo pogi ako?” tanong niyang natatawa.
“Joke lang ‘yun. Parang nerbyos na nerbyos ka diyan eh. PJ, sa totoo lang, alam ko naman na kung sino ka.”
“Aaahh, sinabi na sa’yo ni Megan?”
“Hindi. Pero sige, explain mo lang. Baka mali ako eh.” sabi ko pero imposible namang mali ako.
“Well, PBA player kasi ako.”
Nabigla ako sa kasimplehan ng sagot niya. Yun naman talaga siya pero I guess I was expecting he’d be more specific? Na babanggtin niya talaga ang team name and all that.
“PJ Simon, alam ko na kung sino ka even before this trip. Nung tinawag pa lang ni Darlene yung pangalan mo, I already recognized you.”“Paano nga?”
“Actually….” I was a bit hesistant na sabihin ‘to pero what the heck. “I’m a fan of San Mig.”“Ano?! All this time... wow. Akala ko pa naman may makakausap na ko na hindi iniintindi yung pagiging basketball player ko”
“Teka lang ha, nagpanggap ako for your sake. Naramdaman kong ayaw mong banggitin yung pagiging PBA player mo. Ni isa nga sa mga co-volunteers natin parang walang pakialam so naki- go with the flow ako”
![](https://img.wattpad.com/cover/19048007-288-k761541.jpg)
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanficWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...