“Okay guys! Listen up!” sigaw nung mag-oorient sa amin dito sa Treetop Adventure.
Lahat naman kami naghihikab pa. Medyo late na kasi natulog yung iba kagabi. Kahit si Megan at Frieda, 1 am na ata pumasok dun sa tent ko. Kahit nag-kape or hot choco na kami nung breakfast, hindi ata effective. I looked around, lahat parang pipikit-pikit pa. Si Drew naman kausap ni Megan. Hindi niya nga ako masiyadong pinapansin nung breakfast. Huh. I guess, balik na ulit kami dun sa original deal---yung hindi mag-uusap ngayong weekend, which we broke last night. Si Frieda naman nakaupo sa hagdan, she’s finally dressed appropriately for the event. I’d like to think that I’m dress comfortably. Naka pants ako, shirt and cardigan. I am wearing sneakers because who knows what we’ll do today. Baka takbuhin naman ang buong Baguio. So I conclude na comfortable naman yung suot ko para sa mga activities na gagawin namin ngayon.
Treetop Adventure is only minutes away from the Manor. Naglakad nga lang kami which actually helped para magising yung dugo ko. Ewan ko kung nakatulong sa iba. Mag-isa lang ako naglakad at pasunod-sunod lang sa group, gusto ko kasi namnamin yung lamig ng hangin. Alam ko mami-miss ko ‘to pagbalik ng Manila.Ugh, polluted air of Manila.
Nag-explain na yung kuyang mag-oorient sa amin.
“I’m Kenneth and ako yung mago-orient sa inyo ngayong umaga. What you guys are about to do is the oh so famous group activity. Can you guess what it is?” tanong niya sa amin.
Walang nagsasalita. Yung iba malayo yung tingin or nag-iisip talaga? So para makapag-simula na kami, nagsalita na ako.
“Guess lang ha. I was thinking na dahil spread out yung mga activities niyo dito sa Treetop, it would be more of a scavenger hunt or amazing race?”“You’re right...uh, Ms.?”
“Cassandra”
“Ms. Cassandra’s right, EVERYONE!” sigaw bigla nung Kenneth. Siguro para magising kami. Effective naman dahil marami ang napatalon. Pati si Megan nakita kong tumigil kaka-daldal kay Drew.
“You are about to embark on an Amazing Race. Together with Mr. Pascual, we have put you on different groups. Here are the list, please pass them around. I’m assuming that everyone’s familiar with amazing race?”
Tumango naman ang lahat.
“Okay. If not, well, good luck. So, kailangan niyo lang gawin ang mga activities on each station. May mga extra activities besides the obstacles ha. Understood? May tanong ba?”
Nagtaas ng kamay si Paulo.
“May prize po ba?”
Nagtawanan lahat. Tumingin si Kenneth kay Sir Pascual.
“Paulo, you should know that there is indeed a prize. Actually, it’s prizes” sabi ni sir Pascual.
Tuwang tuwa naman ang lahat. Lalo na si sir Paulo.
“This is a teambuilding workshop so of course the prizes are?”
“Teamwork, respect…” sagot ko.
Napakamot na lang ng ulo si Paulo.
“Okay, kung wala ng tanong. Please, go to your respected groups and then punta na kayo sa harness and helmet area dun sa Pavillion. Diretso lang kayo sa may bridge. Good luck, everyone!” bati nung Kenneth.
Dun na medyo nagkagulo. Kasi 5 lang ang listahan so ibig sabihin, 5 lang ang groups. There are 20 of us. So there will be 4 members in each group. Wait, tama ba yung bilang ko? Naku, ang hina ko pa naman sa math. Tama ba yun? 20 divided by 5…
“Huy, ba’t nagsasalita ka diyan mag-isa?”
Nagulat ako sa nagsasalita. Pagtalikod ko, si PJ pala.
“Anong team mo?” tanong ko.
“Ikaw, anong team mo?” tanong niya pabalik. I rolled my eyes at him. Iniwan ko siya (Denedma ko siya, let’s celebrate) at tumingin sa mga listahan. Pinuntahan ko yung isang grupo na nagkukumpol at si Megan yung may hawak ng list.
“Meg, andiyan ba ko sa team niyo?”
“Hi, Cassandra.” sagot niya. “Teka, check ko. Ang gulo kasi nila eh. Wait, wait! Tignan natin kung andito si Cassandra sa atin…”Nag-aagawan kasi sila ng papel eh. Pero nakita ko na ang pangalan ng team nila ay Hand. Huh? Intriguing team name…
“Cassandra, wala ka dito eh.” sagot ni Megan. Medyo disappointed kaming dalawa. Dun pa naman sa group nila ang gusto ko. Teammates din sila ni Drew eh. The odds are in her favor. Okay yun, para mag-bond sila ni Drew.
Lumipat ako sa iba pang nagkukumpulang grupo. Nilapitan ko sina PJ at Paulo.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...