Chapter 19 - Stranger things

253 7 3
                                    

“Cass?"
....
"Cass?

I turned around. Si Bianca, tinatawag ako.
"Oh?" sagot ko.
"Tumawag yung Maynilad. Wag ka daw magsayang ng tubig."
"Anong pinagsasabi mo diyan?"  
"Puno na yang beaker mo. Umaapaw na yung tubig, oh. "

Tinignan ko ang beaker na nilalagyan ko ng tubig dito sa sink sa chem lab.

"Shit." sabi ko at pinatay ko yung gripo.
"Cassandra...your words please." sabi naman ng prof ko na dumaan sa likod ko.
"Sorry, ma'am." 

Kinuha ko ang beaker at binawasan ito hanggang umabot ang tubig sa 35 mL. Bumalik ako sa work table namin at ipinatong ang beaker sa table. Sumunod naman sa akin si Bianca. 

"Shit." sabi ko ulit. I groaned.

Nakalimutan ko kasi yung tripod na papatungan ng beaker. 

"Cassandra! I told you, watch your mouth. 5 points from your group." sabi ni ma'am.

My groupmates frowned at me. 

"Sorry, guys." Kumuha ako ng tripod at sinimulan ang pagboil ng tubig sa beaker.
"Cass? Okay ka lang ba?" tanong ni Bianca.
"Ha? Oo naman." I said while answering my workbook.
"Totoo? Limang minuto ka atang nakatitig lang dun sa beaker eh. At bakit puro paint yang labcoat mo?" I looked at my labcoat at totoo nga, puro may paint splatters.
"Sh--I mean, ugh. Ito siguro yung nagamit ko sa Ed. Art. class. imbes na yung isang coat."
"Okay ka lang ba talaga? Nagmumura ka lang pag stressed ka."
"I'm fine, Bianca." I hissed and went back to my workbook.
"Cass, concern lang naman ako."
"I'm sorry, B." I looked at her. "Stress lang 'to dala ng SC. Pero, okay lang ako."
"Araw-araw akong tini-text ni PJ."
"What?" Napatigil ako sa pagsasagot sa workbook.
"Oo, tinatanong kung okay ka lang daw ba."
"Anong sinasabi mo?"
"Eh di yang excuse na sinasabi mo sa'kin ngayon. Oo, okay ka pero busy ka sa SC."
"Busy naman talaga ako."
"Two weeks na makalipas ang game 5 ha? Kinukulit ka rin niya, I'm sure." 

Oo at hindi lang sa text. Halos gabi-gabi dumadaan siya sa amin. Tinutulungan magbenta si ate Che ng barbeque o kaya naman nakikipag-kwentuhan kina ninong Larry. Nakikita ko sila sa bintana ko. Buti na nga lang hindi kami nagpapang-abot pag late akong umuuwi. Nagte-text rin siya pero hindi ko na masiyadong nire-replyan.

“Bianca. Part 'to ng operation iwas." I argued.
"Akala ko ba hindi maghahabol si PJ sa'yo?"
"Hindi naman siya naghahabol ah! Concern lang siguro kung anong nangyayari sakin or gusto niya talaga yung barbeque sa amin."
"Oh, Cass. Alam mong hindi yun yun." Umikot siya sa table at niyakap ako.
"Dun ka na nga, gumagawa ako ng experiment." She laughed and left me alone. 

Naaawa ba ako sa effort niya? Sobra. Pero mas naaawa ako sa sarili ko pag nawala siya bigla.
Kinikilig ba ako? Oo. Pero naalala kong hindi dapat.
Natutuwa ba ako? Hindi. Nalulungkot ako kasi gusto kong makausap siya. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Strobe lights.
Eardrum crashing noise.
Strong perfumes and sweat.

Hyperactive ata ang senses ko. Halu-halong ingay, amoy at kung anu-ano ang nakikita ko. Nasa isang club ako, Bash ang pangalan. The one near Flare. Itong party na ito ay inayos ng League of Student Councils ng St. Michael's College. Hindi dapat ako pupunta pero pinilit ako ng members ng SC ng college namin. It's Saturday night at pagkagaling sa orphanage ay tinawagan ako ng SC members kung di daw ba talaga ako pupunta. Matapos ng ilang minutong pilitan, napapayag na nila ako.

And now, andito ako. Tambay ng bar at umiinom ng sprite. Ang daming tao masiyado sa dance floor. Well, duh. Pero ang init, ayokong makipagsiksikan tapos maghalu-halo ang pawis niyo ng taong di mo kilala. Ang Bash pa naman ibang-iba sa Flare. Kung ang Flare may mga private function rooms, ang Bash isang malaking hall lang. Typical club. Tinitignan ko ang mga tao sa dancefloor, mukhang tuwang tuwa naman sila kahit mainit at crowded. Mukhang okay rin ang mga eardrums nila.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon