[A/N]: Sorry, dapat ipo-post kona 'to nung Sat kaso may exam ako diba? So umiwas ako sa online world. Pero I have 5 chapters written down naman so I'll update on alternate days! :)
Kulang na lang tumambling ako habang naglalakad sa sobrang saya ko. Nasa school ako at kasama ko si Bianca papunta sa isang klase ko. Magkatabi lang kasi ang room namin kaya naman ay nag-sabay na kami.Paano nangyaring isang tao ang naging source ng happiness ko?
Paano nangyaring ang taong yun ay yung hindi ko pa inaasahan?"So, bumalik na pala siya?" tanong ni Bianca.
"Yup!" I said cheerily.
"Dito na siya sa Manila? Hindi na babalik sa kanila?"
"Hindi na!" Sabi ko ulit sa tonong parang nanalo ng lotto.Nag-send ako kay Bianca kagabi ng picture ni PJ habang nagluluto. Pagkatapos ng lunch ay pinauwi ko na muna si PJ para magpahinga. Nung una, inalok ko siyang matulog sa amin, oops, hindi tulog na may malisya. Magpapahinga lang kasi alam ko bumyahe pa siya nung umaga. Yung kwarto nman ni Caloy yung inalok kong tulugan niya. Pero ayaw daw niyang matulog. Pero kitang kita ko sa mukha niya yung pagod kaya naman sabi ko ay umuwi na lang siya at matulog. At least sa place niya, mas komportable. Ang tagal pa ng pilitan pero pumayag rin siya sa huli. Sa isang kondisyon,
"Lalabas kami ngayong araw. Kasi diba, maaga naman uwian natin pag Monday?" sabi ko kay Bianca.
"Saan naman kayo pupunta?"
"Sa Intramuros!" I said excitedly.
"Cass, relax." Natatawang sabi niya.
"Sorry. Kasi alam mong matagal ko nang gustong puntahan yun."
"Oo, obsessed kasi sa mga ganung lugar. Tuwang-tuwa ka nga nung bumisita tayo sa UST."
"Eh, ang gaganda ng buildings nila! Basta."
"Yeah, yeah alam ko na yan." sabi ni Bianca. "Osha, last class mo na 'to diba?"
"Yup! 12:30 ang tapos. After ninety minutes, makikita ko na ulit siya." I grinned.
"Ay naku. Cass, layuan mo ko."
"Bakit naman?"
"Baka mahawa ako sa lovebug mo."
I pushed her gently.
"Baliw. Osha, ingat pauwi ha." I hugged her and went inside my classroom.Major ang class na 'to at kasama ko si Drew. This class is about Educational Psychology. Pagdating ko sa seat ko ay wala pa naman siya. Naupo na ko. Last class, wala rin siya pero nakita ko sa class website, nagpasa naman siya ng homework.
Habang nag-aayos ako ng mga notes ko ay dumating si Drew at tumabi sa akin. Okay, hindi pala ako ready. Yung happy, cheery, at nanalo sa lotto mood ko ay nawala. Pero naalala ko yung sinabi ni stranger na naniniwala sa Destiny. Act normal.
Wait, sinabi niya ba yun?
"Hey, Drew. Nagawa mo ba yung homework?"
He just nodded but he didn't look at me.
"Ah, okay." sabi ko ulit.Pumasok na si ma'am at nag-set up ng laptop for her presentation. Biglang nagsalita si Drew.
"We have a meeting today."
"Huh?"
"Sabi ko, may meeting tayo. Ang S.C."
"Hala...Anong oras?"
"After this class. Free lahat ngayon after class diba."
"Drew, I can't--"
"Bakit?"
"Eh may lakad ako. Sa ibang araw na lang. Or next Monday."
"Hindi pwede. Pag ganun, two weeks na tayong walang meeting."
"Kasalanan ko ba talaga yun, ha?"He looked at me. Alam kong alam niya na sinisisi ko siya. Totoo naman? Siya nagpa-cancel ng mga meetings nung inaantay namin siya sa HQ biglang nag-text kay Eloisa na wala daw meeting at wag na ipilit na mag-meeting.
"We have a meeting today. Choice mo kung pupunta ka o hindi."
"Ang unfair naman, eh--"
"Cassandra, please listen up. We're about to start our lesson." sabi naman ng prof ko so naupo ako nang maayos at humarap sa board.Sinadya 'to ni Drew eh. Timing yung pagsabi niya para hindi na ko maka-hindi. And he knows na hindi ako hihindi. Okay, I maybe overreacting pero nakakainis pa rin. Siguro hindi naman niya sinasadya pero panira kasi ng plano!
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
Fiksi PenggemarWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...