Chapter 37 - Take It Off

278 4 2
                                    

It's Sunday night and I have a 7 am class tomorrow. Pero andito ako ngayon nanonood ng game ni PJ. Talo ang team ngayon against Rain Or Shine. Akala ko magsu-sunod sunod na ang panalo ng team matapos nung defeat against Ginebra, pero hindi pala.

Bawat game ni PJ, pumupunta na ako. It's a good thing that Student Council meetings usually end at 7 pm, at most. Kaya nakakapunta pa ako ng Araneta kahit medyo late na.

Nung una, ayaw ni PJ na halos gabi-gabi ako nasa Araneta or MOA arena. May klase daw ako kinabukasan at nawawalan ako ng oras gumawa ng mga homeworks at projects. The thing is, ginagawa ko yung mga mahirap na schoolwork during my breaktime in school. So hindi problema yun.

Kaya lang, nababawasan ako ng time sa barkada pero okay lang naman kasi nakakasama ko sila sa lunch once a week. At hindi rin naman talaga sila makakapag-reklamo kung nakikita nila akong gumagawa ng homework. Acads yun, hindi nila pwedeng ipilit na sumama ako sa kanila.

As I have said, talo na naman ang Purefoods. Nung nakaraang games naman, nananalo pa sila. Pero ngayon, nawala pa si Ian Sanggalang dahil sa ACL injury nito. Sa totoo lang, hindi ko ma-imagine ang lokong yun na nagkakasakit. Sobrang hyper at jolly kasi! Lagi pa akong inaasar. Pero siyempre, nakakaawa rin ang mokong. Mali talaga yung bagsak niya. Sobra rin ang energy na binibigay nun sa team.

Nagsimula nang mag-alisan ang mga tao. Yung iba, may mga ngiti sa mga labi at yung mga naka-asul, well, hindi mo makakaila na malungkot sila.  Maging sina Ruselle at Nat-Nat ay nagpaalam na sa akin. Dito na ko sa upuan nag-hintay kay PJ. Ayoko na kasing pumunta pa sa dugout nila at baka may mga speech pa si coach Tim sa kanila. Speech equals wrath and fury. Baka masabon sila ni coach ngayon. Or maybe not.  

Nang maubos na ang mga tao mas nakita ko ang empty Araneta. Ang galing kung paano nagiging court at concert grounds ang lugar na ito. Saan nila tinatago yung mga basketball ring? 

Ito yung pangarap ni PJ, yung makasali sa liga at makalaro sa Araneta. His life revolves around this. Ito yung passion niya. He belongs here. With the team, with the fans. Matagal pa bago mag-retire yung lalaking yun.

Pero ako? I see myself travelling around the world in a few years. And somehow, I can't put us together in one picture, in one future. Where do I fit into all this? Where does he fit in my plans?

"Hi." bati ni PJ. Nawala ako sa mga iniisip ko dahil umupo siya bigla sa tabi ko. Amoy bagong shower.

As usual, inamoy ko siya. Favorite ko kasi yung pabango ng mga lalaki! Ewan ko kung bakit. Siguro sawa na ko sa flowery, sweet smell ng perfume ng girls.

"Bango mo ha." Sabi ko at natawa naman siya.
"Lagi naman."
"Kumusta? Nagalit ba si coach?" Tanong ko.
"Oo pero pinaalala lang niya yung mga dapat gawin. Yung mga rebounds at dapat daw maingat sa mga turnovers. Ano, tara na?"
"May tanong ako."
"Oh?" Sabi niya at sumandal sa seat. Weird na makita siyang nakaupo dito sa audience when he's always on the court.

"Paano nata-transform itong Araneta na ready for concerts tapos nagiging basketball court?"
He laughs. "Seryoso yang tanong mo?"
I narrowed my eyes at him. "Oo nga!"
"Hindi ko rin alam."
Hinampas ko siya. "Kung maka-judge ka kanina na para bang ang engot engot ng tanong ko tapos hindi mo rin alam."
"Hindi ko talaga alam! Ang importante sa akin, tuwing may game kami, may court diyan at may ring. Tapos." Sagot niya habang inaayos yung strap ng backpack niya.
"Mukha kang bata sa backpack mo." sabi ko.
He laughs. "Ganun?"

Actually, he looks cute with that backpack. Masarap mang-asar minsan.

"Oo. Ayaw mo ngduffel bag o sports bag? Backpack talaga?" Tanong ko.
"Ayaw mo ng ganun? Mukha akong bata. Parang hindi magkalayo ang edad natin."
I winced. "So, after all the pretending, nabasa mo rin pala yung pangalawang post na yun ni Queen."
"Oo." He sighs. "Every week naman nagpo-post siya."
"Wow, follower? Magulat na lang ako na-convert ka na niya ha."
"Hindi ah."
"So....."
"Sooo..."
"So hindi naman big deal sa'yo yung age gap issue niya?"
He looks at me. "Hindi. Pag kasama naman kita hindi ko na naiisip yun. Alam ko lang masaya ako at masaya ka. Masaya ka naman diba?"
"Sa totoo lang PJ..."
Nag-iba ang expression ng mukha niya. "Hindi ka masaya?"
I started to laugh. "Sorry. Joke lang yun kaso worried na worried ka."

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon