[A/N]: Since it was raining three's, The Stars stopped shining. Pero babawi sila. Wait. Ayoko na maging jinx. Bwiset isa pala ako sa jinx. Hahahaha. Ge. Gusto ko lang i-cheer up sarili ko dahil dethroned ang Purefoods. :(
Espesiyal ang araw na ito.
No, it's not anyone's birthday or any couple's monthsary.
It's graduation day. My graduation day!Sa wakas! Tapos na ang buhay estudiyante! Wala ng mga homework, project, report or exam na kailangang isipin. Pero...it also means reality. Yung totoong reality na kailangan na ring mag-trabaho at mag-ipon ng pera.
It's already April. Ang bilis talaga ng araw pag productive ka. Halos 4 months din ang lumipas ha!
Parang kailan lang...
Anyway, ayokong isipin! Ayokong malungkot na naman.
As Alden has predicted four months ago, I will end up helping myself. Bumalik ako sa pag-aaral nang maayos. Natapos ko yung practicum ko at infairness, ang tataas ng scores ng students ko nung nag-exam sila a fews ago. Sobrang sarap sa pakiramdam na may natutunan sila sa akin. At siyempre, ako rin. May natutunan sa kanila.
Isa pa, Cum Laude awardee ako! Nakabawi nga kasi ako sa grades ko. Hinabol ko lahat ng mga requirements. Mabait kasi talaga ang adviser ko at pakiramdam ko, naka-relate siya sa pinagdadaanan ko. Kasi naalala ko yung sinabi niyang "Fix yourself first" noong mga panahong malungkot ako.
"Cass! Dali na! Tumakbo ka na. Kaya na namin 'to." Sabi ni Eloisa.
May tinatapos kasing exhibit ang Student Council. May mga darating kasing incoming freshmen ngayon dahil sa isang Freshmen tour na pasimuno ng Student Council. Nagdidikit pa kasi kami ng mga posters at nag-aayos ng sound system.
"Sandali, okay na ba yung poster ng 1st years?" Tanong ko.
"Oo!" Sigaw ng lahat ng members ng Student Council.
"Eh yung kay ma'am Amorante? Ay, wait ako pala nag-lagay nun kahapon. Um, yung poster ng different orgs? Okay na?" Tanong ko.
"Oo nga, Cassandra." Sabi ni Eloisa.
"Yung mga brochures?"
"Done!" Sabi ni Harmony.
"Ms. President, baka hindi ka pa maka-martsa niyan ha!" Sabi ni Arnold at inagaw sa akin ang mga gunting at tape.
"Cass, umalis ka na. Nagampanan mo na lahat ng trabaho mo. Nakabawi ka na sa amin." Sabi ni Harmony.
"Salamat ha." Sabi ko at pinipigilan kong maluha. KAhit ang SC members napatawad na ko nung hindi ko nagawa yung SC duties ko.Nakakamiss rin pala ma-stress sa mga SC events.
"Naku! Sisirain mo pa yang make-up mo! Baka malagyan pa yang toga mo ng paint. Alis naaa!" Sabi ni Eloisa at tinulak ako sa direksiyon papuntang auditorium.
"I love you guys!" Sigaw ko at tumakbo papuntang auditorium.Sa auditorium kasi gaganapin ang graduation. Blue ang toga namin at golden yellow ang stole.
Pumila na ko at hinanap si Drew. Sa bandang likod siya ng pila dahil Villanueva siya at Aviles ako. Lumingon-lingon ako.
Oo, umuwi si Drew for graduation pero I heard na babalik rin siyang Singapore pagkatapos ng graduation. Nakakuha kasi siya ng trabaho dun. Maswerteng bata. At oo, sila na ni Megan. I really am the barkada's matchmaker, huh?
Maya-maya ay may nakita akong kumakaway. Tumakbo ako dun at niyakap siya.
"Andrew!" Sigaw ko.
"Cassandra, ssh." Sabi niya at inayos yung graduation cap ko.
"Parang tumangkad ka?" Tanong ko. "Anyway, alam mo ba ang gagawin ngayon? Hindi ka pa naman nakasama sa graduation practice. Anong oras ka dumating? Kasama mo si Megan?"
"Kaninang 10 am kami dumating at oo, nandiyan si Meg sa audience. Dumiretso na kami dito. Salamat sa pag-asikaso mo ng...well, lahat lahat ng graduation matters. Magma-martsa na lang ako." Nakangiting sabi ni Drew.
"Ano pa't best friend mo ko?"

BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...