"Alden, may naisip ako."
"Oh ano na naman?"
"Minsan ang life, ang messed up. Minsan naman parang fast food."
"Huh? Bakit?"
"Everything's in order."Binato ako ni Alden nung kinakain niyang churros.
"Nakakapag-joke ka na ha." Sabi ni Alden.
Nasa Intramuros kami. Apparently, gusto daw niyang makita kung anong magiging reaksiyon ko pag pumunta kami sa isang lugar na memorable sa aming dalawa ni PJ.
Hindi naman ako nag-iiyak pagtapak namin ng Intramuros. Andito kasi si Alden and well...he's ruining every memory. Lagi siyang may side comment sa mga buildings at sa mga aura. I think he's doing that in purpose para hindi ako malungkot. Para maging normal ulit ang mga bagay-bagay.
"Sobrang cheap ba ng pinsan ko at dito ka lang niya dinadala?" Tanong ni Alden.
"Hoy, hindi ah. Dati nga kumain kami sa isang fine dining restaurant nung--"
"Iniwan ka na, pinagtanggol mo pa. Mahal mo nga." Tumingin siya sa akin.
"Walang hiya ka." Sabi ko at natawa siya.Alden also put me to the test. Sabi niya kasi, kailangan namin pumunta sa lugar kung saan sa tingin ko pinaka may impact sa akin. Siyempre, dinala ko siya sa tapat ng tunnel. Papasok na sana kami nung pinigilan ko siya.
"Oh, anong problema?" Tanong niya.
"Alden..."
"Don't tell me naduduwag ka dahil madilim."
"Hindi eh...ayokong...ayokong sirain yung memory nun."
"Ano pang point ng pagpunta natin dito?"
"Ano..uh..wag na lang." Sabi ko at lumayo sa tunnel.Umupo na lang ako sa may bench at sumunod naman siya.
"Kuya." Tinawag ni Alden yung nagbebenta ng iba't ibang character na balloons at bumili siya ng isa.
"Para saan yan?" Tanong ko at iniabot naman niya sa akin ang lobo.
"Kunin mo na lang."
"Salamat?"Anong akala niya? Mapapasaya ako ng balloon na Dora The Explorer?
"Pahingi akong papel at ballpen." Sabi niya at kumuha naman ako sa bag ko. Ibibigay ko na sana sa kaniya nung nagsalita siya.
"Para sa'yo yan, Cassper. Isulat mo lahat ng kailangan mong sabihin sa kaniya."
"Tapos?"
"Basta. Isulat mo na lang."
"Nagawa ko na yan eh. Nagsulat na ko ng mga letters. It didn't make me feel better."
"Basta, isulat mo lang. Lahat-lahat. Kung gusto mo, isulat mo na lang kung ano yung nasa letter mo. Alam ko naman kabisado mo yun." He pushes me gently.
"Alright, alright. Magsusulat na."Bigla siyang nagpatugtog.
"Are you serious? May music talaga?" Tanong ko.
"Just write."Pinatugtog niya yung Hate To See Your Heart Break by Paramore.
There is not a single word in the whole world
That could describe the hurt
The dullest knife just sawing back and forth
And ripping through the softest skin there ever wasI did try to write. Pero habang nagsusulat ako, naaalala kong nasa Intramuros talaga ako. I am meters away from the tunnel. THE tunnel. Naramdaman ko na naman yung sakit ng ilang araw ko ring nakalimutan.
Mahal ko,
That's right, mahal ko kasi I still love you. Despite everything. Kasi nga diba, I will love you through fire and storm? Hindi ko alam kung anong nangyari pero ayoko na kasing maramdaman pa yung sakit. Araw-araw na lang hinahanap ko yung yakap mo. Yung corny jokes mo. Yung I love you mo. I miss you. So much. Pero I can't let this...all these pain, consume me. Hindi ko na kasi nakikilala yung sarili ko. I am too weak to handle this pain. Actually, no. I am not weak. I'm strong enough. Because it's the only thing I can do. But I need to focus on myself as well, not on these pain I'm going through.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...