Chapter 32 - Reconciliation

263 4 3
                                    

Buong araw, lutang ako. This time, it's not because of PJ. Iniisip ko kasi ang sasabihin kay Drew. Kung ano ba dapat ang pag-usapan? May kailangan bang pag-usapan?

How do you break someone's heart?
How could anyone fathom the idea of crashing someone's hopes?

Pagkatapos ng SC meeting at nang makalabas na ang lahat ng memebers ay kinausap ko na si Drew. This is it! Ang O.A. man kahit napag-usapan na namin 'to. Pero kasi nga, this. is. it.

"Bakit, anong kailangang pag-usapan? Is it about the projects? Okay na yung org project nila Bianca diba?" tanong ni Drew habang nag-aayos ng backpack niya.
"Uh, oo. Pero...ano kasi..." 
"Cassandra, tungkol ba sa acads 'to?

Umiling ako. 

"Sa student council?" tanong niya.

Umiling ulit ako at napa-tango naman siya.

"Eh di tungkol sa akin? Sa atin?" tanong niya ulit.

Hindi pa rin ako makapagsalita at tinignan ko lang siya.

"Pwede bang wag tayo mag-usap dito? Sa usual spot na lang natin?" sabi niya.

I nodded. He's talking about our favorite spot here in St. Michael's. Sa garden ng school. May mini-pond dun. Minsan dun kami tumatambay na dalawa. Nag-aaral ako at siya naggi-gitara. Kaming dalawa lang sa barkada ang pumupunta dun. Spot namin yun kapag halimbawa, magka-away si Drew at Josh o Ian. Dun rin ako pumupunta kapag nababaliw na ako sa acads.

"Well." simula niya nung pag-upo namin sa isang bench sa tabi ng pond.
"Um..."
"Cass, if you're going to break my heart, do it quickly. Wala nang paligoy-ligoy pa, okay?" tanong niya.
"Drew..." I took a deep breath. I shook my hands as if trying to shake the nervousness.

Natawa siya sa ginawa ko at napatingin naman ako sa kaniya then I started laughing as well.

"Bakit ka natatawa diyan?" tanong ko.
"Ikaw yung heartbreaker diyan pero ikaw yung kinakabahan."
I hit his arm. "Grabe, mas kinakabahan pa ko ngayon kaysa nung Miting de Avance."
"Cass, just say it."
"Talaga?"

He nodded.

"Drew." I took a deep breath. "Hi-hindi ko kayang ibigay yung gusto mo. I mean, yung more than friends...sinabi ko na 'to sa'yo dati pero gusto ko lang malaman mo na I'm firm on this. Alam ko lang sa sarili ko na hanggang dun lang tayo."

Humawak siya sa dibdib niya na para bang sinaksak ko siya.

"Kahit pala alam ko na sasabihin mo, masakit pa rin."
"Drew...I'm--"
"No, don't say sorry. Mas ayokong maawa ka sa akin. I do love you, Cass. So much. And I care about you. Gusto mo talaga siya? Si PJ?"

I nodded. 

Gustong-gusto ko siya, Drew. Mahal na mahal.

I wanted to say but that might make matters worse. 

"10 years. Wow." sabi niya. "Mabilis ang sampung taon, kung iisiipin mo. And it all ends here."
"Bakit hindi ka man lang nandiri sa akin? O di mo man lang ako kinamuhian dun sa mga years na lumipas?"
"Hindi ko alam. Ginayuma mo siguro ako."
I pushed him gently. "Hindi lovespell yun, Drew. Eh di sana kung may gayuma ako, ginayuma ko na lahat ng lalaki sa past ko. Edi sana nag-stay sila."
"Kung ginawa mo yun, hindi mo makikilala si PJ."
I nodded. "That's true."
"Everything happens for a reason then? May rason kung bakit friendzoned ako for 10 years?"
"Drew, una sa lahat, paulit-ulit ka ng 10 years. 8 years lang yun. 8 years at 5 months kung sadista ka at isasama mo yung grade 1 tayo."
He laughs. "Ako pa nasabihang sadista."
"Pangalawa, maybe. Maybe everything happen for a reason nga. May rason kung bakit hindi tayo para sa isa't isa. You might learn a lesson from falling in love with...with..."
"With you."
I sighed. "Yes Anyway, makikilala mo yung someone na--"
"Na better than you? Cass, narinig ko na yan."
"Pero totoo naman. Drew, ako kasi yung constant sa buhay mo. I think..I think that's why you fell in love with me. Ngayon, you'll meet other people. You are forced to meet someone else."
"Bakit ikaw? Constant din naman ako sa'yo? Bakit hindi mo ko nagustuhan?"
"Ewan ko, Drew." I sighed. "Siguro nga, we really are meant for someone else."
"That's bullshit, Cass. Alam kong hindi ka naniniwala sa destiny-destiny na yan."
"Well..."
"Pero ako I honestly thought it's destiny. Nung nakita kita sa school natin nun, I thought, ito na yun. Sa dinami-dami ng schools sa city natin, dun ka pumasok kung nasaan ako. Matapos natin mahiwalay nung grade 1, nagkita ulit tayo ng first year."
"Drew...ang alam ko lang, we're destined to be best friends. The best of friends."
"Pero, Cass...mahirap din kasi. 10--- or 8 years ko ding pinangarap ang araw na 'to. Akala ko magigising ka na lang someday, naisip mo nang mahal mo ko. Pero mali pala ako. Sana, hindi na lang ako naghintay ng ganun katagal para sabihin sa'yo."
"Drew, I know. Mahirap makalimot. Umaasa rin ako na magiging magkaibigan pa rin tayo. Gaya ng dati. Pero kung gusto mong layuan kita, gagawin ko. Pero sana--"
"Hindi mo naman ako kailangang iwasan pero I don't think things will be exactly the same anytime soon."
Nalungkot ako sa sinabi niya. "Kaya ba wala ka rin sa lunchdate sa Uptown?"
"Actually, dumating ako."
"Tapos?"
"Nakita ko kayo. Ikaw, ang barkada at si PJ. Parang napalitan ako."
"Drew, hindi naman yun sa ganun."
"Yeah, maybe. Ganun din naman yung posiyon ko dati nung Cordova time. Tapos nakita ko pang andun din si Cordova. Naisip kong sobra-sobra na sa'yo yun kung darating pa ko. Too much drama."
"Salamat kasi naisip mo pa yun."

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon