Chapter 27 - Basketball and Teaching

477 7 0
                                    

[A/N]: Holy gods of basketball...and writing. (borrowing Cassie's expression lol). 1K reads!? Paano!? I know, that's nothing compared to other Wattpad hits (lol, lalo na yung mga nagagawang TV show lol) pero that's a big deal for me! Sana wag kayong mag-sawang mag-basa ha? Ang bagal ba ng story? Hahaha! I'm making sure na may "basis" para may sense yung...future ;) Lol, baka assuming lang ako at mali ang count ng Wattpad. Pero, salamat! :) Okay, tama na.

------------------------------------------------------------------------------------------------

"Guuuuys! Tapos na ko sa part ko!" sigaw ko.
"Ms. Aviles! Lower your voice, please!" Sagot naman ng prof ko na, as usual, nagche-check ng test papers ng ibang section.
"Sorry, ma'am."

Niligpit ko na ang mga ginamit kong equipments at hinugasan ang mga beakers at test tubes.
"Alodia, ito na yung worksheet ko. Kopyahin niyo na lang yung sagot sa part ko ha?"
"Huh? Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ni Alodia, groupmate ko siya.
"Diba sabi ni ma'am pwede na umalis pag tapos na sa experiment?" sagot ko naman.
"Pag tapos na yung group, pwede nang umuwi. Hindi individual lang. Pumirmi ka nga sa isang tabi. Kanina ka pa sobrang saya diyan. Nakaka-rindi."

I groaned. Mukhang balik na siya sa dating gawi. Yung masungit pero yung rerespetuhin mo pa rin. Gustong-gusto ko na umalis kasi nag-text si PJ kaninang breaktime ko na susunduin niya daw ako. Tumingin ako kay Bianca at busy naman siyang nagsusulat sa worksheet niya. Mag-isa lang siya sa worktable nila kaya pumunta ako dun.

"Hey, Biancs." bati ko.
She looked up.  "Tapos ka na? Bakit hindi ka na naka-labcoat?" tanong niya.
"Tapos na!" I cheerfully said.

Para akong bata, sa totoo lang. Minsan, pakiramdam ko 12 years old lang ako.

"Ew, Cass. Lower your voice AND your energy." sabi naman ni Bianca.
I sighed. "Bakit ba ganiyan kayong lahat? Pati si Alodia naiinis na masaya ako."
"Cass, hindi kami naiinis na masaya ka. Modulation lang para sa mga taong bitter, okay?" She grinned at me.
"Well, naring kong okay siya sa bagong org niya."
"Oo nga."
"Buti naman. Kundi, habang buhay siguro akong magsisi. Kasi naman si Drew--"

Natigilan ako. Halos two weeks ko ding pinigilan ang sarili ko na banggitin yun kay Bianca.Yung pangliligaw.

Si Drew naman? Ayun, ang weird ng turing sa'kin. Everyday, he buys me my favorite snack dito sa school. May mali ba sa pagbibigay ng favorite food sa'yo, araw-araw? Oo naman!

Una, gastos yun sa part niya. Pangalawa, hindi naman niya gawain yun. Linked yun sa sinasabi niyang liligawan niya ko. Minsan may mga bulaklak rin. Hindi lang yun, hinahatid niya pa ko sa bawat klase ko. Kahit sinasabi kong hindi kailangan, nakasunod lang siya. Kahit pa sa kabilang dako yung building ng class niya, ihahatid niya ako.

"Ano si Drew?" tanong ni Bianca.
"Ha? Uh, wala naman. Kasi diba tumakbo siya for SC tapos kalaban niya si Alodia tapos diba--"
"Cass."
I sighed. "Wala. Ang sabi ko lang si Drew kasi ang nanalo sa SC diba?"
"Bakit parang hindi ko kayo nakikitang nagsasama pag nasa tambayan tayo? Hindi ka rin sumasabay sa amin sa lunch. Ano na namang meron, Cass?"

I played with the buttons on my uniform. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Cass, ano nga?"
"Gusto...gusto daw niyang..."
"Ano?"
"Gusto daw niyang... manligaw."
She sighs.

Bakit ba hindi siya nagugulat sa mga revelations ko?!
"Alam mo na ba na balak niya yun?" tanong ko.
"Hindi ah. Pero come on, 10 years siyang naghintay sa'yo. You think, ngayong nag-tapat na siya, basta-basta ka na lang niya hahayaan kay PJ?"

Tama si Destiny guy. Sariling actions at emotions ko lang ang iniintindi ko. Hindi yung mga naiisip or nararamdaman ni Drew.

"Pero, Bianca. Isang tao lang naman ang gusto ko."

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon