January na at nakaalis na ang parents ko para maging huwarang OFWs muli. Si PJ, umuwi naman nung Pasko sa kanila pero bumalik rin nung 2nd week of January para sa team practice.
Every week yata ay may blog post si ApostlesQueen. Yun nga lang, puro mga old photos na lang namin ni PJ ang ginagamit niya pero siyempre may insulting at discriminating caption na kasama. Hindi namin pinag-uusapan ni PJ. I just know na the day after Queen posts an entry, mayroong...negative tension sa amin ni PJ. Siguro yung feeling na gustong pag-usapan pero hindi. Yung parang ayaw sirain yung moment kaya pinapabayaan na lang.
Ako naman, iniisip ko na lang na mapapagod lang rin yung blogger na yun. As long as makita niyang 'going strong' kami ni PJ, titigil rin siya.
Yun nga lang, hindi ako sigurado sa 'going strong' part. Medyo off kasi si PJ minsan. May mga araw na...si PJ nga siya. May mga araw ring parang, wala siya sa tabi ko kahit physically andun siya. Huling masaya at real moment namin ay nung basketball game naming dalawa sa Araneta at nung bumisita ang parents ko. Minsan nagkikita lang kami para mag-lunch pagkatapos nun ay uuwi na.
Pakiramdam ko parang may timer somewhere...and the time's ticking. Bawat moment na magkasama kami, parang may hinahabol ako. May niri-reach out. Pero ang layo-layo nito.
Ngayon ay may meeting kami sa Student Council dahil sa iba't ibang festivities sa school. Na-move yung school fair at concert dahil nataon ito nung linggo na humagupit yung bagyong Ruby. Ngayon, nilipat na lang sa second week ng January. Kaya naman buong linggo ay may meeting kami araw-araw.
Ngayong araw, may date kami ni PJ that we have planned a few weeks ago. Ang tagal ko kasing hindi siya nakita dahil nga lunod ako sa meetings at academics. Isa pa, siya rin laging may lakad.
"Cass, okay na tayo for tomorrow night diba?" Tanong ni Eloisa.
"Yup. Natawagan ko na yung sponsors at okay na rin yung booths nila. Tapos yung bands ay confirmed na rin." Sagot ko.
"Excited na ako!" Sabi ni Harmony.
"Salamat naman at bukas matatapos na ang stress-inducing events na 'to." sabi ni Arnold.
"Oo nga. Sumasabay rin sa demo teaching ko. Pero we gotta do what we gotta do!" Sabi ko habang naka-ngiti.Tumahimik ang lahat at napatingin naman ako sa members ko nakapalibot sa round table.
"Uh...may nasabi ba kong masama?" Tanong ko dahil nakatingin silang lahat sa akin.
"Paanong ang cheerful mo pa rin?" Sabi ni Eloisa at tumawa ang lahat.
"Grabe, yun lang pala. Kinabahan ako ha." Sagot ko.
"Ano nga, Cass?" Usisa ni Harmony.
"May date kasi ako ngayon." Sabi ko at nag-Ayiee silang lahat.
"Kaya naman pala. May stress reliever." sabi ni Harmony.
"6:30 pm? Uso pa ba mga evening date? Ang tiyaga ha. Kung ako yan, pagpapabukas ko na." Sabi ni Arnold.
"Well, I'm lucky." sagot ko. "So, meeting adjourned!"Naghintay ako sa may benches malapit sa main gate dahil doon naman ako sinusundo ni PJ.
To: Peter June
Hey, love. Tapos na meeting namin. Antayin kita sa may main gate. I love you! See you! Tagal kitang hindi nakita! :)I reread my message before I sent it. Parang ang cheesy...dala siguro ng pagka-miss sa kaniya. Nakinig muna ako ng music habang naghihintay. Naka ilang kanta na ko pero hindi pa rin nagrereply si PJ.
I looked at my watch, it's already 7:15 pm. 45 minutes has gone by.
To: Peter June
Hey, hindi ka pwede ngayon? Okay lang naman. Just tell me para makauwi na ako. I love you!Tumingin ako sa paligid. Wala ng tao dito sa St. Michael. Pero medyo maliwanag pa dahil sa lamposts. Naglabas ako ng libro para makapagbasa muna.
![](https://img.wattpad.com/cover/19048007-288-k761541.jpg)
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...