Chapter 15 - Best barbecue in town

315 4 6
                                    

6:30 pm na at nasa school pa ako.
Ito yung mga oras na dapat nagdi-dinner na ko o kaya ay gumagawa ng homework.
Ito rin yung oras na naghahanda nang magkalat ang mga alagad ng dilim.

Nag-meeting pa kami nina Alodia at ang Student Alliance of Eduk or SAE (parang "say") which is yung partylist namin. In two days, Miting De Avance na kasi at gusto ni Alodia ay perfect ang lahat. Nakapag-campaign na kami sa iba't ibang klase. Ni-review ni Alodia ang speech naming lahat. Natagalan siya dahil ang dami niyag gustong baguhin sa bawat speech.

Now, I'm finally out of the building and headed for the main gate. It is kinda creepy dahil medyo madilim na. I passed by the Cental Quad and saw that Ian, Maricar, Josh and Bianca were all standing in a circle.

"Anong meron, Miting De Avance niyo rin?" I asked. They all turned around to face me.
"Hey, Cass." bati ni Bianca at nag-hug kami. "Nagkita-kita lang kami dito. Sabay-sabay kami uuwi. Tatawagan sana kita pero off yung phone mo."
"Right. Pinapatay kasi ni Alodia." I looked for my phone in my bag while my friends continue to chitchat. Pinapatay ni Alodia lahat ng phone namin kanina. Grabe, sobrang strict. Ayaw patalo nung sinabi naming silent na lang.

4 messages, 6 missed calls.

Huh? May emergency ba?! Sabi ko na nga ba dapat hindi pinapatay yung phones eh. O.A. talaga nito ni Alodia!

I swiped the screen only to find out that all the messages and calls were from one person. PJ.  I immediately texted him. Text lang, wala akong pang-tawag eh. After a few seconds, he called me back.

"Uuuyy sino yan?" tukso ng mag-jowang sina Ian at Maricar.
"Uy agad?" sabi ko naman. "Hello?"

"Hello, Cassie?" I smiled when I heard his voice.
"Uy, tama. Uy-material nga. Sino yan ha Cass?" pang-aasar ni Josh. Napansin siguro nila yung ngiti ko.
"Yiee, baka yan yung nasa room 8 ha!" asar ni Ian.
"Babe, ano yung room 8?" tanong naman ni Maricar.

Lumayo ako sa kanila ng konti

"Pasensiya na kung tawag ako nang tawag ha at text ako nang text." sabi ni PJ.
"Ok lang. May problema ba?"
"Wala naman."
"Uh...so bakit ka napatawag?"
"Wala lang. Gusto lang kitang makausap wala ka rin kasi nung Sunday sa orphanage. Hinanap ka nga ni Darlene eh."
"Right. I'm sorry, nagsabi naman ako kay sir Pascual. Medyo busy kasi sa school. Diba yung sinabi ko sa'yo?"

I told PJ about school and how I decided to run for VP, after I told him that Drew and I made up.

"Ay, oo. Yung Miting De Avance niyo?" tanong niya.
"Yup. Nag-meeting nga rin kami ngayon para sa mga last minute prep para bukas."
"So, nasa school ka pa?"
"Oo, pero pauwi na ko."
"Pwede ba kitang sunduin?"
"Huh? 'Wag na! Hassle. Traffic."
"Sige na. Wala naman akong ibang gagawin eh."
"PJ, okay lang. Salamat sa offer."
"Cassie..." There he is again!
"Eh hindi mo nga alam mo ba kung saan yung school ko. Baka mawala ka pa tapos--"
"Andito na ko sa main gate."

What. The. Heck.

"Ano?! Paano mo nalaman?" I can't help but laugh.
"Si Bianca." 

I looked at Biancs. I remembered that they also exchanged numbers when we went to their game. Bianca looked at me and stuck her tongue out. I rolled my eyes at her.

"So wala na akong magagawa diba? Kasi andiyan ka na sa labas. " sabi ko.
"Actually, pwede mo naman akong hindi puntahan dito. Matapos mong awayin si Drew, ako naman makaka-away mo. Ikaw bahala."
"Aba! Makapag-banta!" I said and he laughed.

"Cassandra! Tara na! Mamaya na yang phone pal mo." Sigaw ni Ian.

"See you sa gate 5. 'Wag sa Main." I told PJ then binaba ko na. Lumapit ako sa mga friends ko at sinabing hindi ako sasabay pauwi. Bianca just laughed.

"Sabi ko na eh. " She said.
"Hoy, hoy. Ano yan ha?" Tanong ni Ian.
"Naku, si room 8 ba yan?" tanong naman ni Josh.
"Guys, ewan ko lang ha. Pero ang sagwa ng room 8 na tawag niyo?" I said.
"Ay, ay. Ang green ng utak ni Cassandra. " Sabi ni Josh.
"Anyway, mauna na kayo. Ingat pauwi!" I hugged Bianca and walked fast. Medyo mahirap tumakbo kahit gusto ko kasi ang dami kong dalang mga illustration boards at cartolina. Props for the Miting De Avance.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon