"Si Barroca magdadala ng bola, looks for his teammates, Simon's open and PJ Simon for 3! Yessirrrr!"
"Woooooo!!!" sigaw ko na akala mo nasa Araneta Coliseum rin samantalang andito lang ako sa unit nang mag-isa. Konti na lang baka i-reklamo na ko ng mga kapitbahay ko o tumawag ng pulis or worse, i-tawag ako sa mental at sabihing may nababaliw na babae at nagwawala.
Nagwawala dahil naka-three points lang naman si PJ Simon. PJ Simon a.k.a. The Scoring Apostle, Perfect Jumper Simon, Supersub and last not but the least, The Leading Scorer of my heart. Ay. Leading Scorer ng San Mig Super Coffee Mixers o Purefoods pala.
Nagsimula ang panonood ko ng basketball nung na-kwento ng kaibigan kong si Bianca na may pinapanood siyang basketball game. At that time, ka-text ko siya habang nanonood ng ibang teleserye. Nung commercial inilipat ko ang channel. Naglalaro ang SMC laban sa Brgy. Ginebra. Game 2 ata noon. Napansin kong andun si Marc Pingris. Siya yung naalala ko na magaling maglaro sa Gilas nung Phil. vs. Korea. At dahil medyo crush ko rin siya noon, pinanood ko pa hanggang matapos yung laban. Napansin ko grabe maglaro ang SMC. Hardwork talaga pero sa huli Ginebra ang nanalo sa game 2. Nagustuhan ko ang laban at pinanood ko hanggang game 7. Ayun parang napapansin ko na yung mga players ng SMC at nakikilala ko na. Dun ko napansin si PJ Simon. This quiet cutie na magpasabog ng two's at three's ay akala mo ang dali-dali. Tas mukhang humble pa. Oo, ini-stalk ko kasi ang team niya.
Ay. Napakilala ko na sa inyo si PJ at history ng pagka-crush pero ang sarili ko hindi pa. I'm Cassandra Astrid Aviles. Just calle me Cassandra. Taong-bahay at tahimik. Di nga rin ako nakakanood ng live games ng SMC. Simpleng babae lang ako. Sobrang simple, hanggang pangarap lang si PJ Simon. Hanggang dun lang.
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanficWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...