Chapter 49 - Masquerade Ball

324 8 3
                                    

[A/N]: Ngayon pa lang, sasabihin ko ng magulo 'tong chapter na 'to. At pilit. Saka ko na lang ipapaliwanag. Hahahah. Btw, epilogue na yung kasunod na ipo-post ko. Then Author's Note and....another special chapter, maybe?

Six months after my graduation, nakapagsimula na kong magturo. Nung una, pahirapan sa paghahanap ng trabaho. Kahit Cum Laude ako, ang dami ring mas magagaling at yung mga galing sa top schools.

Gusto ko sanang mag-turo sa isang public school pero hindi ako nakuha dahil wala daw akong work experience. Baka daw mabigla ako sa environment ng public school. Survival of the fittest daw kasi dun. Sobrang disappointed ako dahil ilang paaralan rin ang sinubukan ko. 

Up until ni-refer sa akin ni Bianca ang isang school. Kakatayo lang ng school actually at sobrang bago nito kaya kaunti pa lang ang students. Willing silang tumanggap ng teachers kahit ba kalagitnaan na ng academic year, paano kasi, kaunti nga lang ang teachers.

Dalawang kinder classes ang hinahawakan ko. Nung una, kinabahan talaga ako kahit ba nakapag-practicum ako. Siyempre, iba pa rin yung trabaho talaga siya!

Kung anu-ano kayang pumasok sa isip ko nun? Muntik na nga ako mag-walk out sa mga students ko sa sobrang panic buti na lang ginabayan ako nung co-teacher ko. Si Hazelle. She's three years older than I am. 

Halos lahat naman ng co-teachers ko, kilala ko na. Maliit na school lang kasi. Mabait rin yung principal, yun nga lang, laging absent yung director ng school. Ipapakilala sana sa amin nung isang buwan pero hindi nakarating. 

"Imagine, ang bongga ng reveal niya?" Sabi ni Hazelle habang kumakain kami ng lunch.
"Ang gastos kaya." Sagot ko naman.
"Cass, party na rin yun para sa foundation ng school."
"Bakit? Anniversary na ba? Hindi pa diba?"
She laughs. "Bakit ka ba nagrereklamo, hindi naman ikaw yung gumagastos?"
"Wala lang, sana lang hindi kinukuha 'to sa pera ng mga bata."
"Ms. Aviles..." 

Lumingon ako at yung principal pala yung nag-salita. Napatayo ako bigla. Nahulog-hulog pa yung breadcrumbs sa uniform ko.

"Ma'am Sanchez. Bakit po?" Sabi ko kahit puno yung bibig ko. Principal ng school si Mrs. Sanchez.
"Rest assured, hindi pera ng pamilya ng students ang gagamitin sa Masquerade Ball." Sagot niya.
I laughed nervously. "Uh..."
"I'm glad that you're concerned with the welfare of the kids. Pero gusto lang talaga ng director na mag-enjoy rin ang faculty because we're hearing positive remarks from parents and DepEd as well."
"Wohoo." Sabi ni Hazel.
"Alright. Have a great lunch." Sabi ni ma'am at umalis na.

Napaupo ulit ako at nakahinga ng malalim.

"Iyan kasi, learn to have fun." Sabi ni Hazelle at binato ko siya ng lettuce leaf.
"Have fun ka diyan, may klase pa ko."
"Cass, tell me pupunta ka bukas ng gabi sa ball."
"Haze, pakinggan mo yung sinabi mo. Parang ang high school diba?"
"So? Ikaw nga dapat ang nae-excite kasi mas bata ka sa akin. Samahan mo na ko. Namiss ko na magpakasaya sa buhay ko."
"Ilang pusa ba kasi yang inaalagaan mo?" Biro ko at sumama ang tingin niya.
"Bawiin mo yan."
"You heard me, cat lady."
"Ah, ganun ha. Sige, pumili ka ng gagawa ng visuals mo. Tignan natin kung maiintindhan ng students mo yung drawing mo." Sabi ni Hazelle at tumayo na.
"Alright! Fine! Sasamahan na kita."
"YES!" Sigaw ni Hazelle at napatakip ng bibig niya. Nagtinginan sa kaniya ang ilang tindera dito sa canteen.
"Ssshh. Parang bata, 'to."
"Yes!" She whispers. "Ihahatid tayo ng fiance ko ha."
"Na-plano mo na 'to?" Tanong ko.
"Oo. Alam ko namang papayag ka. At alam ko ring busy yung maghahatid sa'yo."
"You've never even met him." Sagot ko.
"Kaya nga? Kasi lagi siyang busy. Ano ba kasing trabaho niya?" Tanong ni Hazelle.
"Uh...basta. Sa sports."
"Sports analyst? Writer? Commentator? Ano ngang work niya? Baka PBA player pala yang sinasabi mong special someone mo ha?" She laughs loudly.
Napalunok ako. "Anywaaaay. Tara na, may afternoon class pa ko. Uuwi akong maaga para mag-beauty rest."
"See? Gusto mo rin pala." She says as we return the used plates and utensils.
"Sinasakyan ko lang yung gusto mo para forever na ikaw na ang gagawa ng visuals ko."
"User." Biro niya.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon