Chapter 34 - Red Hot

401 6 3
                                    

"PJ, kinakabahan ako."
"Bakit ka kinakabahan? Nagawa na natin 'to dati diba?"
"Hindi ah! First time ko 'to!"
"Ano, wag na natin ituloy 'to?"
"Hindi..hindi. Ituloy na."
"Kasama mo naman ako. Ano pa't naging boyfriend mo ko."
"Kaya nga natin gagawin 'to kasi boyfriend kita."
He laughs. "Ano, tara na?"
"Game."

Nandito kami sa tapat ng bahay nina Marc at Danica Pingris dahil may pre-conference celebration ang Purefoods team. Hindi pa kami pumapasok sa loob dahil kinakabahan ako. Imbitado kasi ang lahat ng Purefoods boys at maging ang mga wives at girlfriends nila. PJ thought this is a good time to officially introduce me to the team. Pero siyempre kilala na ako ng boys nung dinala niya ko sa game dati. Pero iba yun dahil...friends pa lang naman kami nun.

Wow, it seemed such a long time ago.

"Cassie? Okay ka lang ba?" Hinawakan ni PJ ang kamay ko. "Ang lamig ng kamay mo."
"Talaga? Tumigil kasi yung pagtibok ng puso ko."
Napa-ngiti siya. "Ang sweet ha. Bumabanat ka pala pag kinakabahan."
"Hindi banat yun. Kinakabahan nga kasi ako!"
"Akala ko naman banat."
I looked at him. "PJ, I love you."
Nagulat siya pero sumagot naman siya. He hugged me.
"I love you, Cassie. Wag ka ngang kabahan. Yung team lang naman mami-meet mo. Wala naman silang gagawin sa'yo."
"Team lang? Purefoods team na parang second family mo na. Paano kapag hindi nila ako--"
Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.
"Cassie, magustuhan ka man nila o hindi, wala akong pakialam, okay? Mahal nga kita diba?"

I nodded. Sasagot na sana ako nung biglang may nagsalita sa likod namin.

"Ehem, ehem. Kanina pa kayo nilalanggam. Papasok ba kayo?" Pang-asar na tanong ni Allein Maliksi kasama ang isang magandang babae. His girlfriend, I guess?
"Oy, pre." Sagot lang ni PJ at nag-brofive yung dalawang lalaki at naka-ngiti lang kami nung babae sa isa't isa.
"Allein, Kaye, ito si Cassandra, girlfriend ko." Sabi ni PJ.
"Cassandra, nagkakilala na tayo dati diba?" tanong ni Allein.

Tumango naman ako.
"Well, meet Kaye, my girlfriend."
"Hi, Cassandra." bati ni Kaye at nag-shakehands kami.
"Ano, pasok na tayo?" tanong ni Allein. Naunang pumasok ng gate sina Allein at Kaye.

Bago pumasok ay hinawakan ulit ni PJ yung kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at tumango. Sign to tell him that I'm okay. Pero deep inside, parang nagsimula na naman yung mabilis na drum beat, parang may dragon dance na nangyayari sa loob loob ko. Nang mapasok na kami mismo sa bahay ng mga Pingris, namangha ako sa ganda. Si Rafi at Joe ang nasa sala at tumayo sila para batiin kami.

"Yo, PJ is here and finally, with a girl!" sigaw ni Joe.
"Joe, thanks for acknowledging our presence." biro ni Allein.
"Yo, you know this is a rare moment, Allein. But hi Kaye!" sabi ni Joe. Natawa naman si Allein at Kaye at nauna na ulit mag-ikot sa bahay.
"So hey, Cassandra, is it?" tanong naman ni Rafi.
"You can call me Cass." sagot ko.
"Cass, it is then. So the party's actually outside, garden area. They have prepared some games and it'll start in a few minutes!" sabi ni Rafi.
"Yup! And oh, PJ, does she drink?" tanong ni Joe.
"No, she doesn't drink." sagot ni PJ.
"Oh, come on!" Sabi ni Rafi.

Natawa na lang kami. Iniwan muna namin sila dahil sabi nila ang iba daw ay nasa kitchen naman. Hinawakan ulit ni PJ yung kamay ko at napasandal naman ako sa kaniya habang naglalakad kami. Medyo nawala yung kaba ko dahil kina Joe at Rafi pero bumalik ulit ito pagdating sa kitchen.

Cliche man, pero andito lahat ng babae. Nagpe-prepare ng mga pagkain. May iilang lalaki like Ping, Mark and Ian. Pero outnumbered pa rin sila ng girls. Napahigpit na naman yung hawak ko kay PJ. Nanliliit na naman ako. Literally and figuratively. Bumibilis na naman yung hearbeat ko.

Cassandra, tao lang din sila. Wag kang ano diyan. 

"Oh, pre! Ohhhh...may bago tayong makakasama." sabi ni Ping na halatang nang-aasar. Tumahimik ang lahat.
"Wow." Yun lang ang nasabi ni PJ at natawa naman ang lahat. "Cassie, meet everyone. Everyone, meet Cassandra, girlfriend ko."
"Ayieeee!" Sigaw ng tatlong lalaki at napa-iling na lang ang mga babae.
"Hi, Cassandra." bati ni Danica Pingris.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon