"Cass, approved na itong mga proposals na 'to?" tanong ni Eloisa at inangat ang ilang papel.
"Yup! Napa-pirmahan ko na kay Mrs. Arellano. So, I guess that's it for today? Guys, thank you sa pakikipag-meet." Sagot ko.Nasa Student Council Headquarters kami para sa isang project meeting. Nagsitayuan na ang members at isa-isang naglipit ng mga gamit nila.
"Sa mga susunod na linggo yung busy weeks dahil pa-Christmas na." sabi ni Arnold.
"Puro festivities. Christmas party dito sa department natin and yung school concert. We have to participate in that as well." sagot naman ni Harmony.
"Mukhang mapapa-araw araw yung meeting natin ha." Mahinang sabi ni Eloisa.
"I know. Pero next week na lang natin pag-usapan 'to okay? We all deserve this weekend para makapag-pahinga at mag-reboot. Next week, we'll tackle that full force." Sabi ko at tumayo na para lumabas na rin kaming lahat sa HQ.Now I have the whole Saturday afternoon. Akala ko buong araw ako sa meeting ngayon pero ngayong hapon ay nalibre ako. Yung parents ko kasi nasa Cavite at pinuntahan ang ibang kamag-anak namin. Hindi ko alam kung nasaan si PJ dahil hindi naman siya nagte-text. Nagsiuwian na ang barkada ko pero nakasalubong ko si Drew sa Central Quad na may dalang brown envelope at mukhang may iniisip siya.
Mukhang malalim yung iniisip niya dahil nilagpasan niya lang ako.
"Drew!" Tawag ko at napalingon siya bigla.
"Uy, Cass." Sabi niya at lumapit sa akin. "Saan ka galing?"
"Sa SC meeting. Ikaw? Ano yang hawak mo?" Sabi ko sabay turo sa envelope niya.
"Uh, ito? Uh....wala ano lang--"
"Andrew." Tinignan ko siya nang masama.
"Ano na naman?"
"Alam ko kung kelan nagsisinungaling. Hindi ka makatingin tapos humahawak ka diyan sa batok mo."
He sighs. "Fine. Tara upo tayo."Pumunta kami sa isang bench at naupo.
"Ano nga yan?" tanong ko ulit at iniabot sa akin ni Drew ang envelope. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang letter na mukhang sosyal dahil may embossed title pa ito at ang astig nung lettering.
National University of Singapore
Conservatory of Music
To Mr. Andrew James Villanueva,We would like to inform you that you have been accepted to the international internship of the National University of Singapore. We thank you for applying to the program. In the next few weeks, you will be receiving updates from us via email.
We look forward to seeing you here in our university.
Sincerely,
Dean Marcus Damien Ford
NUS - Conservatory of Music"Drew!!!" I exclaimed at napa-takip ng tenga ang best friend ko.
"Grabe, Cass. Huling beses kitang narinig sumigaw ng ganiyan ay--"
"Nung sinabi ko sa'yong may opportunity sa Singapore!" sabi ko at tinulak-tulak siya dahil sa sobrang saya. Muntik nasiyang mahulog sa upuan.
"Cass, parang mas masaya ka pa kaysa sa akin eh."
"Ay, ay. Sorry. Inhale... exhale."
"Oh, okay na?" Tanong niya.
I nodded. "Sobrang saya ko para sa'yo, Drew. Imagine, National University of Singapore? Eh top school kaya ito sa Asia."
"Salamat, Cass."
"Ay kaso..." It finally dawned on me. Kung bakit malungkot siya kanina. "Ibig sabihn pala nun...aalis ka."He nods. Kinuha niya ang envelope sa akin at tumingin sa malayo, sa may mga first year na nagba-basketball.
"Yun ba yung iniisip mo kanina, Drew?"
"Hm?"
"Lutang ka kasi kanina habang naglalakad. Nilagpasan mo nga lang ako."
"Ay, sorry. Oo... iniisip ko kasi iiwan ko pala kayo. Tapos lalo akong mapapalayo kina mama."
"Pero...maganda ring opportunity yan eh. Sobra. Tapos sa favorite city mo pa."
"I know. And honestly...I need to get away from here." Sabi niya at napa-yuko na lang.
Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. "Drew...don't tell me..."
"Cass, no..no." Sagot niya at ngumiti sa akin. "I'm okay with you and PJ. Alam ko napapasaya ka niya pero...ewan ko rin. I just have to leave."
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...